21. Smile

4.4K 158 6
                                    

HALOS sampalin ni Rashid ang sarili nang maggising siya ulit. Masama pa rin ang pakiramdam niya kaya mukhang nagkaka-hallucination na naman siya. Ang mukha ng asawa na si Yaminah ang bumungad sa kanya.

"Mama, Mama!" Tawag ni Rashid sa ina na siyang alam niyang nagbabantay sa kanya. Ito ang unang nabungaran niya nang una siya maggising sa ospital kanina. Nakaramdam siya ng takot. Paano kung hindi lang hallucination iyon? Paano kung patay na pala siya? At kaya lang naroroon si Yaminah ay dahil binigyan siya ng pagkakataon ng Diyos na maging masaya kahit papaano.

Nagka-trangkaso si Rashid. It him hard. Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan niya. At nang tawagan niya ang pamilya para dalhin siya sa ospital ay nahimatay na siya bago pa man makarating roon. Ayon rin sa ina kanina, halos isang araw raw siyang walang malay.

Gumalaw si Yaminah. Hinawakan nito ang kamay niya. Mainit iyon. "Umalis ang Mama mo. Ako na muna ang magbabantay sa 'yo."

Hindi matigil sa pagkurap si Rashid. "M-magbabantay? So totoo ka nga? Hindi ako nagha-hallucinate? Hindi pa ako patay?"

Umiling si Yaminah. "Sa tingin ko ay kailangan kong tawagin ang mga nurse. You're getting paranoid."

"Hindi. Okay lang naman ako. I-I just can't believe you came here for me..." Tumigil na si Rashid sa pagkurap. Tinitigan niya ang asawa. Parang natunaw ang puso niya. Bahagyang gumaan ang pakiramdam niya.

"I can't believe it either," halos bulong lang na sabi ni Yaminah. Pagkatapos ay tumingin ito sa pagkain na nasa tabi niya. "Alas siyete na. Gusto mo na bang kumain?"

"Hmmm... mas gusto kong malaman kung kailan ka dumating at kung bakit ka narito."

"Mahigit isang oras pa lang nang makarating ako sa Pilipinas. Dumiretso ako kaagad sa ospital."

"And what about my other question?"

Bumuntong-hininga si Yaminah. "B-Because I am desperate to bring you back in Saranaya? Kailangan ka sa coronation."

Tumikhim si Rashid. "There could be a chance that I won't make it. This flu hit me hard."

"Naririto ka na sa ospital. Gagaling ka kaagad. You will have enough care. After all, your mother said it was one of the best hospitals."

"Yeah. Pero isang pag-aalaga lang naman ang gusto ko, Yaminah. Iyon ay ang pag-aalaga mo. Sa tingin ko ay gagaling kaagad ako kapag inalagaan mo ako."

"Iyon naman talaga ang pinakadahilan kung bakit ako pumunta rito." halos bulong na sabi na naman ni Yaminah.

"Say it again. Iyong mas malakas." Ungot ni Rashid. Nakakaganda ng pakiramdam na malaman na pumunta ito sa Pilipinas para lang alagaan siya. Ibig sabihin lang noon ay pinapahalagahan siya nito.

Ngumiwi lang sa kanya ang asawa. Humarap ito sa beside table. Inayos nito ang pagkain na naroroon. "Kumain ka na nga lang,"

"Later. Gusto ko muna na marinig mula sa 'yo na pinapahalagahan mo ako. Pumunta ka rito para alagaan ako."

"Actions speaks louder than words naman 'di ba?" wika ni Yaminah. May hawak ng kutsara na humarap ito sa kanya. "Kailangan mong magpalakas kaya kailangan mo na kumain. Now, say ah,"

Itinapat ni Yaminah ang kutsara sa bibig ni Rashid. Sinunod niya ito.

"Good," wika nito at ngumiti---ang unang beses, pagkatapos ng dalawang taon, na binigyan siya nito.

Napangiti rin si Rashid. Ang ngiting iyon ni Yaminah ang pinaka-effective na pampalakas sa nanghihinang katawan niya.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon