12. Heartache

4.5K 133 2
                                    

"I REALLY can't go there to wring your beautiful neck personally, Yaminah. I'm busy here in London. But please tell me this invitation is just a joke. You can't marry that guy!"

Tinawanan ni Yaminah si Tariq. "I will, Tariq. The invitation is serious. You have to come to my wedding at the end of the month."

"Pero sandali pa lang ang relasyon niyo. It's not yet serious. Hindi mo puwedeng pakasalan ang lalaking iyon. Hindi mo rin siya ganoon kakilala," wika ni Tariq sa wikang Arabic.

Nag-usap sila ni Tariq sa wikang Arabic. "Kilala ko si Rashid. It's been more than a year since we met each other. Sa una pa lang rin ay gusto ko na siya. Seryoso ang relasyon namin."

Matagal-tagal rin bago siya sinagot ni Tariq. "Gaano mo kakilala ang pamilya niya?"

"I've been to the Philippines. His family is nice."

"And how about his father? There are news that he is a corrupt man. Masama siya. He also wants power. Paano kung kaya ka minadaling pakasalan niyang si Rashid ay para lang maging mas makapangyarihan ang pamilya nila? I also found out that he is an ignored child because he is a son out-of-wedlock. Kilala mo ang mga ganitong tao. Because they are ignored, they wanted their parents to be proud. Ginagawa nila ang lahat para mapansin ng mga magulang nila.They want to exceed their expectations. At alam mo na kapag pinakasalan ka ng Rashid na iyon ay magkakaroon ng magandang kapangyarihan ang pamilya nila..."

Sandaling natigilan si Yaminah. Nawala ang ngiti sa labi niya na hindi maalis-alis simula nang yayain siyang pakasalan ni Rashid.

Ilang beses na napapansin ni Yaminah na simula nang ma-engaged sila ni Rashid ay pabalik-balik ang ama nito sa palasyo. Kung makipag-bonding ang ama nito sa ama niya ay parang napakatagal ng magkakilala ng mga ito. Napapansin niya na naiilang ang kanyang ama. But she knew her father. Napakabait nito para sabihin na hindi nito nagugustuhan ang ginagawa ng ama ni Rashid. After all, magiging pamilya na rin naman sila kaya tama lang na mag-bonding ang mga ito.

Pero sa huli ay nagkibit-balikat rin si Yaminah. Kung gusto nga siyang pakasalan ni Rashid dahil sa kayamanan at pangalan niya, bakit alam niya na gusto ni Rashid ang ordinaryong buhay? Isa pa, ni hindi nga kinukuwento sa kanya ni Rashid palagi ang pamilya nito sa ama. Mas pinapahalagahan nito ang pamilya sa Pilipinas.

"Wala akong pakialam. Mahal ko pa rin si Rashid."

"And what if you found out that you are not the only one in his life?"

Napapikit si Yaminah. That would be the very painful part. Ayaw niya ng may kahati siya sa buhay nito. Pero may hinala na siya 'di ba? Well, may patunay na nga. Hindi lang niya gustong asikasuhin.

"Anong alam mo, Tariq?"

"I've researched about him. Playboy siya."

"He is not..." Pinili pa rin ni Yaminah na paniwalaan ang gusto ng puso niya.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. But I'm just saving you on a heartache, Yaminah. Kaibigan kita kaya mahalaga ka sa akin. Ayaw kong masaktan ka."

Pinili ni Yaminah na magpaalam. Pinilit rin niya na huwag intindihin ang mga sinabi sa kanya ni Tariq. Mahal niya si Rashid. Lahat ng mga nagmamahal ay dapat na marunong rin na magtiwala. Hindi siya sasaktan ng magiging asawa niya.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon