MATIGAS ang ulo ni Rashid. Pagkatapos ng naging pagtatalo nila sa telepono at iparating sa kanya na hindi nito gustong bumalik ay hindi na talaga nito sinagot ang tawag niya. Hindi na siya mapakali. Isang linggo na lang at coronation na nila bilang bagong Hari at Reyna ng Saranaya pero wala pa rin siyang balita rito.
Halos maitapon na ni Yaminah ang cell phone. Mahigit sampu na ang tawag niya pero hindi pa rin sumasagot si Rashid. Nawawalan na siya ng pag-asa. Kaya naman nang tumunog ang cell phone niya at nakitang si Rashid na ang tumatawag ay halos mahalikan niya iyon.
"Finally, you lift the phone and---"
"Yaminah, si Janna ito," Nakilala naman kaagad ang pangalan at pati na rin ang boses ng Mama ni Rashid. Kahit hindi maganda ang lagay ng relasyon nila ng anak nito ay nanatiling mabait sa kanya ang babae. Madalas siyang tinatawagan nito. Sa tuwing may okasyon ay nagpapadala rin ito ng regalo.
Pero napakunot-noo pa rin si Yaminah. Ano ang mayroon at ito ang tumatawag sa kanya?
"Mama, kumusta po?" Walang kasalanan sa kanya ang biyenan kaya nanatili ang respeto niya rito.
"Ayos naman ako. Pero si Rashid ay hindi."
Sandaling tumigil ang paghinga ni Yaminah. "M-may nangyari bang masama kay Rashid, Mama?"
"Oo. Isinugod namin siya sa ospital---"
Hindi na natapos ni Yaminah ang sinasabi ng biyenan. Naibagsak niya ang cell phone. Pinanghina siya sa nalaman na may masamang nangyari kay Rashid. Nasasaktan siya sa isipin na may sakit ito. Nahihirapan ito.
Ano nga iyong mga tanong niya kanina? Maibabalik ba ang pagmamahal niya kay Rashid? Sa nararamdaman niya ngayon, alam na niya ang sagot.
If it still hurts, you still care. If you still care, you still love...
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomanceIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...