LITERAL na nakikiliti ang pakiramdam ni Yaminah nang magising siya. Bukod sa mga balahibo na kumikiliti sa pisngi niya ay nakaramdam rin siya ng matigas.
Rashid...
Yaminah's whole body shake. Naalala niya ang mga ginawa kagabi. She slept with her estranged husband.
May excuse si Yaminah. Nakainom siya. Pero alam pa rin naman niya ang ginagawa niya. She just lose her control. She felt stupid.
Minsan ay pinangako na niya na hindi na makikipagmabutihan sa asawa. Ang relasyon dapat nila ay para sa pangalan na lang. But being beside him again gave her a wonderful feeling.
Hindi na dapat hayaan ni Yaminah ang sarili na maging masaya sa piling nito. Tapos na ang katangahan niya sa lalaki. But if being stupid is just the way for his dad to be better, then it's better to be. Mahal na mahal niya ang Daddy niya. Lahat ng gusto niya ay ibinigay nito sa kanya. Sino siya para hindi ibigay ang gusto nito?
"You have to be strong, Yaminah. Gusto ko. And being strong is also facing Rashid. Patawarin mo siya. Minsan mo siyang minahal. I believe that you can love him again. Love is also forgiving. And it's been two years.
"Bago ako mamatay, ayusin mo ang relasyon niyo ni Rashid. Forgive and love him again, Yaminah. I want the future King and Queen of Saranaya to be happy. I want to see you both happy with each other again..."
Ang mga bagay na iyon ang hiniling sa kanya ng ama. It was unexpected. Alam ng Papa niya ang tungkol sa masamang relasyon nila ng asawa. Bakit nito hihilingin ang isang bagay na alam nitong ikasasama ng loob niya?
Hindi pinilit ng ama si Yaminah sa loob ng dalawang taon na makipag-ayos kay Rashid. Hindi rin ito nagparinig sa kanya. Inintindi nito ang nararamdaman niya. Kahit ang pagpili niya na makipaghiwalay physically at emotionally sa asawa ay inintindi rin nito. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit iyon ang hiniling sa kanya ng ama ngayon. Nang tanungin rin niya kung bakit, hindi siya sinagot nito.
But then, Yamihah cannot disappoint her father. Iyon nga lang, hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Napakagulo ng isip niya. She turn into alcohol. Mas lalong gumulo ang isip niya.
Ang gusto lang naman na gawin ni Yaminah ay ang kausapin si Rashid. Uminom lang siya para magkaroon ng lakas ng loob. Ang masama nga lang, nasobrahan iyon. She became a slave of the spirit of the alcohol. Hindi niya nakontrol sarili niya na halikan si Rashid. Pinangunahan siya ng tawag ng kanyang katawan. May nangyari sa kanila. Bumigay siya.
Mabilis na bumigay ang rin kanyang asawa. Pero hindi na kataka-taka iyon. He is a playboy. Hindi man matindi ang nararamdaman nito sa kanya, basta babae ang usapan ay mahina ito.
Dapat na mandiri si Yaminah sa ginawa niya. Pero bakit gusto niya pang isiksik ang sarili niya kay Rashid ngayon? Malinaw na ang isip niya. But a part of her really missed him...even though she really hates him. Nag-enjoy si Yaminah sa nangyari. Napagod at nakatulog siya. Silang dalawa ni Rashid.
Ganoon pa man, dapat ay lumayo na talaga siya rito. Pero tila may magnet ang katawan niya at ni Rashid. Hindi niya maialis ang sarili rito.
Hindi niya gusto...
Iminulat ni Yaminah ang kanyang mga mata. At pakiramdam niya ay lalo siyang naging tanga. Hindi napigilan ng kanyang mga mata na busisiin ang perpektong mukha ng asawa.
Nakapikit si Rashid kaya hindi makikita ang kulay berde na mata nito na siyang masasabi ng marami na best asset nito. But even with eyes closed, the lashes is still worth looking for. Kinaiinggitan ng mga kababaihan ang kahabaan noon. Pero kahit mas babagay para sa isang babae ang ganoong klase ng pilik mata, bumagay pa rin iyon sa mukha nito. Hindi ito kailanman nagmukhang babae dahil na rin siguro sa kulay brown na balat nito at tila lalaking-lalaki na tindig. Matangkad at mabalahibo rin ang asawa niya. Naalala niyang paborito niyang iuunan ang ulo niya sa mabalahibo nitong dibdib. She loves the tickles.
"Hmmm....?"
Lumundag ang puso ni Yaminah nang marinig ang ungol ni Rashid. Namula siya, lalo na nang makita na niya ang best asset nito. Mabilis rin na hinanap ng mata nito ang kanyang mukha. Nagsalubong ang tingin nila. Kaagad niyang nabasa ang tenderness sa tingin ng mata ng lalaki. Lumambot ang puso niya.
This is wrong. This is really wrong.
Minsan ng naloko si Yaminah nang magandang tingin na iyon sa kanya ni Rashid. It was as if he cares---he truly cares. Pero iyon pala ay hindi lang siya. Mali siya sa pag-aakala na sa kanya ibinibigay ni Rashid ang higit na pagmamahal nito dahil sa asawa siya nito. May iba pa sa puso nito...
Liar, liar, liar! Inilagay ni Yaminah ang isip ang mga salitang iyon. Kailangang mawala ang masayang pakiramdam na ito sa puso niya. Pero lalo lang siyang hindi nagtagumpay nang ibalot ni Rashid ang mahahabang kamay sa katawan niya. Niyakap siya nito.
Napalunok si Yaminah. Gusto niyang sitahin si Rashid pero ngayon ay nakapikit na ito. Mabilis rin na naging pantay ang hininga nito. Nakatulog ulit ito.
Napapikit si Yaminah. Natalo na naman siya. Pero bakit kaya palaging ganoon? Sabi nila, cheaters never win. Manloloko si Rashid. Pero bakit palagi na lang itong nanalo? Lalo na sa puso niya...
Ganoon pa man, hindi na rin naman dapat siya malungkot. What she did can be a start. Naramdaman niya na kahit papaano, may pag-asa pa rin siguro ang relasyon nila. Nag-enjoy siya kaya napatunayan niya na may nararamdaman pa rin siya kay Rashid. Kapag nakipag-reconcile siya dito kagaya ng gusto ng Papa niya ay hindi na rin naman siguro magiging masama. May saya pa rin sa puso niya.
Pero dapat ay mas manaig pa rin ang galit. Napakatanga niya kung maniniwala pa rin siya na puwede siyang mahalin ni Rashid. She had been fooled twice. Isa pa, grown woman na dapat siya. She was wiser. O siguro ay sa isip lang iyon applicable sa kanya. Dahil kapag si Rashid ang usapan ay parang bumabalik sa pagkabata ang puso niya. Nagiging tanga iyon.
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomanceIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...