TATLONG araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin makapaniwala si Rashid sa mga nangyari. Napakabilis ng lahat. Ang masakit ay hindi man lang siya nakapagpaalam sa hari. Kakabalik lang niya sa Saranaya at dahil pagod ay dumiretso na siya sa kuwarto. Nagpapahinga siya bago siya ginulo ng asawa. Pero pagkatapos ng pangugulo nito ay bumungad sa kanya ang napakasamang balita nang magising siya: patay na ang ama ni Yaminah.
May sakit ang hari. Pero hindi inaasahan ng lahat na magiging ganoon kabilis itong mawawala. Ganoon pa man, sadyang traidor ang sakit sa puso. Inatake sa puso ang hari habang natutulog. Kahit may mga in-house Doctor sa palasyo ay hindi iyon naagapan. The attack was fatal.
Sa nangyari ay lalong nagulo ang buhay ni Rashid. Mas nakaramdam siya ng pressure. Sa pagkamatay hari ay siya ang susunod rito.
He will now be King Rashid Samara of Saranaya.
It was a very huge priviledge. Maraming tao ang nangangarap na makuha ang titulo na iyon. Ang kanyang ama, sa kabila ng pagluluksa ng buong Saranaya, ay masaya. He was proud of him. Ambisyoso kasing tao ang kanyang ama. Bukod pa roon, gusto rin nito na maging proud ang pamilya nito rito. Pangatlo kasi ito sa limang magkakapatid na puro lalaki. Hindi rin maganda ang reputasyon nito sa pamilya dahil nagkaroon ito ng relasyon sa kanyang ina na hindi kalahi ng mga ito. Halos itakwil ito ng pamilya ng dahil roon, lalo na at nagkaroon pa iyon ng bunga. Pero ngayon ay ito na ang pinakasikat sa pamilya. Siya, ang batang naging kahihiyan ng pamilya, ay magiging hari na ngayon.
Pero magulo ang nararamdaman ni Rashid. Kung ang iba siguro ay masaya sa kaalamanang magiging hari ang mga ito, hindi siya. Paano nga ba siya sasaya na magiging hari siya kung hindi naman ganoon ang pakiramdam niya sa asawa?
"The coronation will be held two weeks from now." Pag-iimporma kay Rashid ng personal assistant pagkagising pa lang niya. Kinausap siya nito sa wikang Arabic. "Ito ang first draft ng schedule para sa ceremony. Kung may gusto kang baguhin, 'wag kang mahiyang magsabi sa akin."
Napakabilis... Napalunok si Rashid nang kuhanin ang papel na ibigay sa kanya ng PA. Inumpisahan niyang basahin iyon pero hindi niya tinapos. "Kailangang-kailangan na ba ito? Bakit ang bilis?"
Tumikhim muna ang PA bago nagsalita. "Kailangan po. Having a new king is a big event for our country. Present ang international media sa event."
"Wala sa maayos na kondisyon ang palasyo. Nagluluksa pa ang bansa."
Tumango ang PA. "Pero kailangan ng bansa ng isang mamumuno. We have to take responsibility."
Tumango na lang si Rashid. May punto ang PA. Pinaiwan niya ang listahan at sinabing balikan na lang siya mamaya. Hindi lang dapat rin naman kasi siya ang kinonsulta para roon. Kailangan na pag-usapan nila ng asawa ang tungkol roon. Kasali rin ito sa selebrasyon. She will also be coronated as the queen of Saranaya.
Hinanap ni Rashid ang asawa. Mabilis lang na nailibing ang hari dahil ganoon ang kultura sa Saranaya. Walang burol na nangyayari, hindi kagaya sa Pilipinas. Twenty-four hours pagkatapos mamatay ng tao ay kailangan na itong ilibing. Sa libing ang huling pagkakataon na nakita niya ang asawa. Kahit kasi subukan niyang kausapin at pakalmahin ito ay hindi naman nito iyon tinanggap. Halatang nilalayuan siya nito na hindi na naman bago. Sa loob ng dalawang taon ay iniiwasan siya ng asawa.
Inintindi ni Rashid ang lagay ng asawa, kahit mahirap iyong intindihin. She seduced him just days ago. Pagkatapos ay iiwasan na naman siya nito? Pero hinayaan na muna niya ito. Binigyan niya ito ng space. Pagkatapos ng lahat, alam niyang si Yaminah ang pinaka-nasaktan sa pangyayari. Hindi niya gustong mas mahirapan ito kung pipilitin niya ang sarili rito.
Pero hindi puwedeng habang buhay na lang sila na ganoon. Kailangan nilang mag-usap, lalo na sa sitwasyon ngayon. Pinagtanong ni Rashid si Yaminah sa mga kasambahay. Nasa garden daw ito ng palasyo. Pumunta siya roon, para lalo lang makaramdam ng matinding lungkot at paghihirap.
Hindi nag-iisa si Yaminah sa garden. Kasama nito ang matalik nitong kaibigan---si Tariq Alsumaiti. Magkayakap ang dalawa.
Tumiim ang bagang ni Rashid. Nabalot ng selos ang kanyang puso. Pero hindi ba dapat ay sanay na siya roon? Sa halip na sa kanya na asawa nito, ang pinipili pa na lapitan nito ay ang lalaking iyon.
Pero tama bang palagi na lang ganoon? Tama na ang dalawang taon. Ngayong lubos na magbabago na ang buhay nila ni Yaminah, kailangan na rin na magbago ng pagtrato nila sa isa't isa. Bukod pa roon, binigyan siya nito ng dahilan para ayusin ang gulo sa pagitan nila nang gabing lumapit ito sa kanya. It has to mean something.
He has to mean something to her to need him like that. Kailangan niyang kuhanin ang pagkakataon na iyon.
"Habibti, keep your hands-off him..." malamig ang tinig na wika ni Rashid nang makalapit sa dalawa.
Lumayo si Yaminah kay Tariq. Ginawa nito iyon hindi dahil utos niya.Nagulat lang ito. Kilala na niya ito. She was the most stubborn woman he had ever known.
At pinatunayan nito iyon ngayon.
"What are you doing here?" Humalukipkip pa si Yaminah nang makita siya.
Hindi sinagot ni Rashid ang asawa. Napaka-obvious na naman ng sagot kung bakit. Sa halip, matalim na tinignan niya si Tariq.
Ngumisi ang lalaki sa kanya. "Look, who is talking here. The unfaithful husband---"
"Don't call me that, especially if you are just caught making my wife the unfaithful one." Dinuro niya pa si Tariq.
"Rashid!"
Matalim rin na tinignan ni Rashid ang asawa. Mahigpit na hinawakan niya ang pulsuhan nito. Galit siya. Ano ba ang gustong palabasin ng asawa? Ilang araw lang ang nakakalipas ay kinailangan siya nito. Pinagbigyan niya ito. Pero ngayon ay makikita niya ito sa kamay ng ibang lalaki? At sa kamay pa ng lalaking pinaka-ayaw niya sa buong buhay niya. Tama na ang dalawang taon na pinayagan niya iyon.
"B-bitawan mo ako!" Gulat na sigaw ni Yaminah. Pilit na kinakalas nito ang kamay sa kanya.
Pero hindi niya ito binigyan ng pagkakataon. Sa halip, hinila niya ito palayo kay Tariq.
"Ano bang sa tingin mo ay ginagawa mo? At ano ang gagawin mo sa akin?!" May inis sa boses ni Yaminah. Hindi rin ito sumunod sa kanya. Hindi na rin naman niya maituloy ang paghila rito dahil masasaktan ito.
Tumigil rin si Rashid sa paglalakad. Sinalubong niya ang naasar na tingin sa kanya ni Yaminah. Sandaling nagulo siya---normal na reaksyon sa kanya kapag napapatingin sa mata nito. Ganoon pa man, malinaw ang isip ni Rashid. Naiintindihan niya na tinanong siya.
Iisang sagot lang ang nasa isip ni Rashid. Kinuha niya ang mukha ni Yaminah. He did what he was dying to do the first time he met her.
Hinalikan niya ito...para lang matikman ang pangalawang sampal na nakuha niya sa buong buhay niya.
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomanceIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...