34. Sweeter

8.5K 192 8
                                    

MAHIGPIT ang pagkakahawak ng kamay ni Yaminah kay Rashid habang hinihintay ang desisyon ng council. Kakatapos lang magpresent ng asawa. The council is having a deliberation now. Naroroon siya para suportahan ito. Hindi na siya kasali sa presentation dahil naintindihan naman ng council na nakasakit siya. Si Rashid lang at ang mga witnesses ang pumasok sa loob ng conference room. Nasa labas lang siya habang nagpe-present ang asawa.

Ramdam ni Yaminah ang panginginig ni Rashid. Pinsil niya ang kamay nito. "You've done great. Naniniwala ako sa 'yo at alam ko na ganoon rin ang nararamdaman ng council,"

"Thank you. Lumalakas ang loob ko dahil naniniwala ka sa akin."

"Nanginginig ka. Alam ko na kinakabahan ka pa rin."

"Because if I fail, I will fail you, too. At alam mo na iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat..."

"Oh, Rashid..." Inihilig ni Yaminah ang ulo sa dibdib ng asawa. Mangiyak-ngiyak siya. "Salamat dahil nandito ka para sa akin. I don't know what good I did to deserve someone like you..."

Napaka-bait ni Rashid para mahalin pa rin siya sa kabila ng naging sitwasyon nila. Kinamuhian niya ito sa akala niyang pagtataksil nito sa kanya. Pero tinanggap pa rin nito ang mga pagkakamali niya.

Nagi-guilty si Yaminah. Isang malaking pasabog ang lahat nang nalaman niya sa lover na iyon ni Tariq. Nakakagulat rin ang ginawa ni Tariq. Kahit nakita na niya ito dahil kasama ito sa meeting ay hindi pa sila nakakapag-usap. Hindi pa siya nakakahingi nang magandang paliwanag rito.

"Just love and trust me. That's all I want for you..." wika ni Rashid at hinalikan ang ulo niya. Kasabay naman noon ay ang pagbukas ng pinto. Iniluwa noon ang isa sa mga kasapi ng council. Pinapasok silang dalawa sa loob.

Bago pumasok ay hinalikan muna ni Yaminah ang asawa. "Kahit ano pa man ang mangyari, I will always love you, habibi..."

"Salamat ulit. Pero gusto ko rin na maniwala na magiging matagumpay tayo. Kailangan ko. Kailangan ng Saranaya. Kapag si Tariq ang naging hari, ano na lang ang magiging kinabukasan ng Saranaya? Nalaman na natin ang tunay niyang kulay. A man like that him does not deserved to be a king. Gumawa siya ng masamang bagay para sa pansariling kagustuhan niya..."

Ngumiti si Yaminah. "May bahagi mo na napipilitan ka lang na maging hari para sa akin. But I'm glad to know that you also care for the people of Saranaya. Tama ka. Tariq didn't deserved it. Ililigtas lang rin natin ang Saranaya..."

Tumango si Rashid. Hinawakan nito ang kamay niya. Pagpasok ng meeting room ay ang galit na si Tariq ang sumalubong sa kanya. Namumula ang mukha nito. Ilang beses na pinalo nito ang lamesa. Ikinalat rin nito ang ilang papel na nakalagay roon.

"He is not even a pure-blooded Saranarian! He is a son out-of-wedlock! He can't be the king!" sigaw nito sa buong council na halatang ang tinutukoy ay si Rashid.

"Those traits are not against the law. It's not a ground to replace a king." Pagtatanggol ng isa sa mga kasapi.

"Rashid had done well for his presentation. He has witnesses of his love and loyalty for Saranaya. He had done a lot of great projects for the country. His irresponsible actions for the last few weeks were just so little compared to what good he have done for Saranaya."

"I'm sorry, but we have made the decision now, Mr. Alsumaiti. Prince Rashid and Princess Yaminah will remain in the palace...." Paliwanag ng pinuno ng council kay Tariq. Tumingin ang pinuno sa kanilang dalawa ng asawa, partikular kay Yaminah. "You've heard it now. Your family will still be the ruling royal family, Princess Yaminah. You will soon be Queen Yaminah Samara."

Tumango si Yaminah. Gusto niyang ngumiti pero hindi niya naggawa dahil lumapit sa kanila si Tariq. Kinuha nito damit ni Rashid. Nanlilisik ang mata na tinignan nito ang asawa. "You are a bastard! You don't deserve this! I don't deserve this!"

Mukhang walang plano na patulan ni Rashid si Tariq. Si Yaminah na ang gumawa noon para sa asawa. Tinanggal niya ang pagkakahawak nito kay Rashid. Sinampal rin niya ang kaibigan.

"You---" Jalos iduro siya ni Tariq sa ginawa niya.

"Evil never wins, Tariq." Nanlilisik rin ang mga mata na wika ni Yaminah sa dating kaibigan.

"But love should be! I love you, Yaminah! You are the only girl that I love since I was a child!"

"Then say that to your mistress and lover! If you really love me, you wouldn't bed other girls. How dare you accused Rashid for being a playboy when you are the playful one. You deserved what happened now as you don't deserved to be a king! No King should be as selfish as you! You used your lover just to wreck a good relationship. I hate you so much!"

Maraming gustong gawin si Yaminah sa kaibigan. Gusto niyang kalmutin, pagsisipain at bigyan pa ito ng napakaraming sampal. Wala siyang pakialam kung masasaktan man ito. Pagkatapos ng lahat, pisikal na mararamdaman lang iyon ng lalaki. Walang-wala iyon sa sakit na ibinigay nito sa kanya emotionally. Hindi lang ang relasyon nila ni Rashid ang sinira nito. Ganoon rin ang buhay ng kanilang anak. Hindi alam ni Yaminah kung magagawa pa niyang patawarin ang dating kaibigan.

"Stop now. Hatred can't solve anything..." Si Rashid ang nagpatigil sa pagkaka-initan nilang dalawa ni Tariq.

Tumiim ang bagang ni Tariq. Pagkatapos ay umalis na rin ito. Gusto pa sana na magreklamo ni Yaminah pero dumating ang pinuno ng council.

"Seeing Mr. Alsumaiti's reaction today, enlighten us that we did the right decision. Such behaviour just because of losing is a shame. He is already a disgrace with that kind of behaviour..." iiling-iling na wika ng pinuno. Inilahad nito ang kamay sa kanilang daalawa ni Rashid. "Congratulations to the both of you."

"Thank you," Si Rashid ang unang umabot ng kamay at pagkatapos ay si Yaminah. Nagsunud-sunuran rin ang pakikipagkamay ng iba pang miyembro ng council. Hindi masasabi ni Yaminah na mawawala ang galit niya kay Tariq. Pero nabawasan na ngayon ang init ng ulo niya dahil sa naging desisyon.

They regained the crown again. Nagtagumpay si Rashid.

"Next week ang coronation. Iaanunsiyo ang formal announcement bukas." pag-iimporma rin sa kanila ng iba pang miyembro sa wikang Arabic.

Nang matapos ang mga pagbati at sila na lang ng asawa ang natira sa meeting room ay humilig si Yaminah sa dibdib ni Rashid. "Everything will always be right in the end..."

"Hmmm... we're just starting our journey, habibti. Being the new rulers will be a very big responsibility."

"Naniniwala ako na makakaya natin iyon. We'll be on this together..."

Hinalikan siya ng asawa. "Everything will be all right as long as I'm with you..."

"At ipinapangako ko na mananatili na ako sa tabi mo, for better or for worst. I love you, Rashid. No lies can tear us a part now. Natuto na ako. I should have trusted you..."

"I can't say anything more. Wala na rin naman silbi kung iisipin pa natin ang lahat. Sa ngayon, ang mahalaga ay nalaman natin ang totoo at mahal pa rin natin ang isa't isa." Niyakap at muling hinalikan siya ng asawa. "Mahal na mahal kita, Yaminah. That love will stay forever..."

Ngumiti si Yaminah. Mahal na mahal niya si Rashid at naniniwala siyang kung paano ito nagtagumpay sa pagkuha muli ng trono ay ganoon rin ang relasyon nila. Their love will be sweeter the second time around.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon