19. Out

4.7K 138 8
                                    

"ARE YOU out of your mind? Kailangan mong bumalik! Alam na ng council na wala ka ng bansa sa hindi maintindihan na dahilan. Nagtataka sila."

Inis na inis si Yaminah. Napakatagal bago sagutin ni Rashid ang cell phone nito. Hirap na hirap siyang contact-in ito. At ngayon ay pahihirapan pa siya nito. Wala pala talaga itong balak na bumalik. Nalaman niyang pumunta ito sa Pilipinas pagkatapos ng pag-aaway nila sa harap ni Tariq. Napakalaki na ni Rashid para mag-inarte.

Ang sinasabing council ni Yaminah ay mga miyembro rin ng royal family. Karamihan sa miyembro noon ay mga sheikh o pamilya ng mga ito na siyang namumuno sa State na kabilang sa Saranaya. Ang council rin ang law makers at malaki rin ang kapangyarihan ng mga ito para pakialaman ang rulers sa Saranaya.

"The country needs a leader. Rashid, you are needed here. Bumalik ka na."

Pagak na tumawa ang asawa sa kabilang linya. "Pero ang tanging kailangan ko sa Saranaya ay hindi ako kailangan..."

"Damn it! Think of this country---"

"I don't want. Not now that my heart is aching. Gusto ko muna na kahit sa pagkakataong ito ay maging selfish ako..."

"Ano bang gusto mong gawin ko?" Naasar na si Yaminah. Naging maayos, kahit nanatiling civil na lang ang relasyon nila ni Rashid sa loob ng dalawang taon. Nirespeto nito ang desisyon niya. Nahihirapan siyang intindihin ang dahilan kung bakit hindi na siya nito sinusunod ngayon.

"Mahalin mo ulit ako. Kapag naggawa at nasabi mo na ulit ang mga iyon, saka lang ako babalik ng Saranaya..."

Pinatay na ni Rashid ang tawag. Napalunok si Yaminah. Parang napaka-imposible ng gusto ni Rashid. Kaya bang ibalik ang pagmamahal sa loob lang ng isang linggo? Bukod pa roon, magagawa pa rin ba niyang mahalin si Rashid pagkatapos ng lahat? Hindi lang siya ang sinaktan nito dahil sa pagtataksil nito. Namatay rin ang anak nila dahil roon!

Bakit ba ginawa ni Rashid ito sa kanya? Hindi na ito naawa sa kanya. Kakamatay pa nga lang ng kanyang Papa ay dinagdagan pa nito ang problema niya.

Napahawak si Yaminah ng ulo. Nananakit na iyon sa dami ng iniisip, pinoproblema at dala na rin ng pagod. Kailangan niyang gawin ang responsibilidad niya sa palasyo sa kabila ng pagluluksa niya.

Kung si Yaminah nga lang ang masusunod, ayaw pa rin niya na mangyari ang coronation. Hindi pa dapat na magkaroon ng selebrasyon. Kamamatay pa lang ng Papa niya. Nagluluksa pa siya at ang buong Saranaya. Ganoon pa man, hindi naman maaaring magtagal na walang maitatalaga na mamumuno roon.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon