13. Faithful

4.4K 139 4
                                    

PERO hindi pa rin naiwasan ni Yaminah na magkaroon ng pagdududa. Pinipilit niya na magtiwala kay Rashid sa kabila ng mga nalaman niyang imperfections nito. Pero habang palapit nang palapit ang kasal nila ay hindi siya mapakali. Lalo na nang malaman niyang dalawang linggo bago ang kasal nila ay biglaang umuwi ng Pilipinas si Rashid. Ayon rito ay kailangan raw ito ng kapatid na si Rocco. May matinding pinagdadaanan daw ang lalaki.

Noong una ay palagay pa si Yaminah. Pero dahil sa palaging pagpapaalala sa kanya ni Tariq ng ugali nang mapapangasawa ay hindi siya mapalagay. Tuwing mag-uusap kasi sila ng kaibigan ay palagi nitong inuungkat ang pagiging playboy ni Rashid.

Ayaw maniwala ni Yaminah. Kapag magkasama naman kasi sila ni Rashid, nasa kanya lang ang atensyon nito. Pero naisip niyang ganoon rin nga kaya kapag nasa malayo ito? Noong una naman ay palagi siya nitong kinakausap. Kaya nga lang, sa pagbalik nito ulit sa Pilipinas ay isang beses na lang itong tumatawag.

Nabahala si Yaminah. Sa Saranaya ay nasisigurado niya na siya lang ang babae sa buhay ng fiancé. Palagi lang itong nasa tabi niya. Bukod pa roon ay alam niya na may magsusumbong sa kanya kung mayroon man na iba sa buhay nito. Mas makapangyarihan ang pamilya niya kay Rashid. Sa kanya ang loyalty ng mga tao.

Pero sa Pilipinas ay hindi. Iba ang reputasyon roon ni Rashid. Paano kung sa pagtulong nito sa kapatid ay may iba pa itong gawin? Birds of the same feather, flock together, sabi nga nila. Paano kung isama pa ng mga ito sa kalokohan si Rashid?

Sinundan ni Yaminah sa Pilipinas si Rashid. Hindi niya ipinaalam rito na darating siya. Kahit sa pamilya niya ay hindi rin niya sinabi ang totoong pakay. Ang sabi lang niya sa ama ay sorpresang bibisitahin niya si Rashid. Pinilit rin niyang huwag siyang padalhan ng body guard. Mas hindi kasi siya makakilos kung may kasama siya, lalo na at magre-report iyon sa Papa niya. Naging pagtatalo iyon dahil sa safety niya pero sa huli ay nanalo rin siya. Kaya na naman niya ang sarili niya. Alam na rin niya kung paano maloloko ang mga tao na hindi siya pangkaraniwan. She just needs to act and dress as an ordinary person. Walang mangyayaring masama sa kanya.

Umupa si Yaminah ng investigator para malaman kung saan pumupunta si Rashid. Unang balita pa lang ng investigator ay gumuho na ang mundo niya. Madalas daw na tumambay sa isang bar sa loob ng Golden Cash Club House Resort ngayon si Rashid at ang mga kapatid nito.

Ginawa ni Yaminah ang kailangang gawin kahit masakit. Maraming tukso sa bar kahit sabihin pa na disente iyon. Naliligalig siya na baka matukso ang lalaki. Siya na mismo ang sumunod kay Rashid. Saktong nagpunta nga sa bar na iyon ang lalaki kasama ang dalawang kapatid nito. Kahit noon lang niya nakita sa personal ay nakilala rin niya si Mikhail at Rocco.

Nagtago si Yaminah. Nagpunta siya sa madilim na bahagi ng bar, iyong puwesto na hindi kaagad mapapansin ng mga ito. Gusto niyang personal na obserbahan ang mga ito.

Noong una ay wala namang kahina-hinala sa ginagawa ng tatlo. Ginawa ng mga ito ang normal na ginagawa ng mga tao sa bar---umiinom. Ganoon rin naman ang naging report sa kanya ng investigator niya. Pero iba ang kutob ni Yaminah. At tama nga siya na sinunod niya iyon.

Hindi nagtagal ay nangyari na ang kinatatakutan ni Yaminah. May tatlong babae na lumapit sa tatlo. Tumabi ang tatlong babae sa tatlong lalaki. Nagngitngit ang puso ni Yaminah, lalo na at pinayagan iyon ng tatlo. Pinayagan rin iyon ni Rashid!

Nakatalikod ang mga ito sa kanya kaya hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha nito. Pero ang katotohanan na hindi pinaalis ni Rashid ang babaeng lumapit ay nasaktan siya.

"A bottle of scotch please..." Wala sa sariling sabi ni Yaminah sa waiter na dumaan sa harap niya. Wala sa plano niya ang uminom. Hindi rin siya umiinom ng Scotch. Pero iyon lang alam niyang alcoholic drink na matapang. Kailangan niya ng alcohol sa sitwasyon niya ngayon. She was hurt and wounded...

Naubos ni Yaminah ang isang bote ng in-order. Paano, dinagdagan pa lalo ni Rashid ang sakit sa puso niya nang hinayaan rin nito ang babae na hawak-hawakan ito sa braso. Mabuti na nga lang at matibay ang baso na ibinigay sa kanya ng waiter dahil kung hindi, malamang ay mabilis na nabasag na rin niya iyon. She gripped it tightly everytime she felt the wave of pain.

Mabilis na naramdaman ni Yaminah ang epekto ng alak. Nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Pero bukod roon, pakiramdam niya ay tumapang rin siya. Nang makita niyang umalis sina Mikhail at Rocco sa table kasama ang dalawang babae na nilalandi ang mga ito ay nilapitan niya si Rashid. Wala na noon ang babaeng lumalandi kay Rashid.

"Need some company?" wika ni Yaminah nang makalapit kay Rashid.

"Yaminah!" Parang nakakita ng multo si Rashid nang makita siya.

Pagak na tumawa si Yaminah. "Madali naman akong kausap, Rashid. Puwede naman kitang landiin kung gusto mo. Pero talagang nagpunta ka pa sa Pilipinas para maghanap ng babae..."

"You are getting this wrong, habibti..."

Naningkit ang mata ni Yaminah. "How dare you call me "darling" when you just flirted with another one?! At anong I'm getting this wrong? Alam ko na ang lahat ng ito. Playboy ka! You and your brothers even have an article in a magazine. International Playboys..."

Bumuntong-hininga si Rashid. "Look, I'm not proud na makasali ako roon. Pero dahil ganoon ang mga kapatid ko, hindi maiiwasan na nakasama ako roon. Isa pa, going to bars are our kind of bonding. Iyon kasi ang madalas na gusto nila. At alam mo naman sa mga bar, madalas na may mga babae. And I am good-looking. Sila ang lumalapit sa akin."

Napakurap si Yaminah. "So sinasabi mo ba sa akin na hindi mo naman intensyon na maging malaro?"

"Yes. Kung sa tingin mo ay willing ako na makipaglaro, bakit ako iniwan ng babaeng lumalandi sa akin?"

Lumabi si Yaminah. May punto ito. Kung talagang gusto ni Rashid ang babae, dapat ay hindi ito umalis sa tabi nito. Pero ngayon ay naiwan itong mag-isa.

Ganoon pa man, may sakit pa rin sa puso ni Yaminah. Nanaig ang pagka-selfish niya. "Pinayagan mo siyang hawakan ang braso mo..."

"Dapat ay nakita mo ang mukha ko." Ngumisi ang lalaki. "I did not enjoy it. Kung hindi nga lang ako inaasar nila Mikhail at Rocco ay pinaalis ko na iyon."

"Alam nila na malapit na tayong ikasal. You should stay faithful!"

"Hindi nila naiintindihan iyon. They were playboys. Para sa kanila, hindi pa totoong commitment kapag hindi ka pa totoong kasal sa babaeng iyon."

"Sinaktan mo ako. Ayaw ko ng may babaeng lumalapit sa 'yo..."

Niyakap siya ni Rashid. "Ikaw lang ang babae sa buhay ko, Yaminah. Ipinapangako ko iyon sa 'yo."

Mahinahon ang boses at tila totoong-totoo ang sinabing iyon ni Rashid. Kumalma ang kanina ay nag-aalburoto na puso niya. Nang tingalain rin niya ang mata nito ay nakita niya ang sincerity. Lumambot ang puso at katawan niya.

Napaiyak si Yaminah. "Alam ko na iba ang kultura sa Saranaya. Puwede kang mag-asawa ng marami basta kaya mo silang buhayin na lahat. You can also have a harem of women. Pero ayaw ko ng ganoon. Ayaw ko ng may ibang kahati. Gusto ko na ako lang ang babae sa buhay mo."

Hinaplos ni Rashid ang pisngi ni Yaminah. "Such a spoiled princess. Pero nabalaan na naman ako ng Papa mo. I promised him that I'll be faithful to you and I also promised it to you now. I love you. Ikaw ang pinakamahalagang babae sa buhay ko. It will be no one else but you..."

Tuluyan ng natunaw si Yaminah. Niyakap niya si Rashid. Hinalikan naman siya nito sa kanyang labi. Hearing him say I love you is more than just a beautiful music in her ears. Tuluyan ng nawala ang pagdududa niya sa lahat ng bagay tungkol kay Rashid.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon