DAHIL sa nangyari kay Yaminah ay pinagpahinga pa rin siya ng Doctor. Pero dahil hindi naman siya makapagpahinga nang maayos habang walang kaalam-alam sa mga nangyayari ay hinanap niya si Rashid. Nakita niya ito sa study room. Alas onse na ng gabi.
"Hey," Kahit mukhang abalang-abala sa harap ng laptop ay naggawa pa rin ni Rashid na lingunin si Yaminah. Maraming papers na nakatambak sa lamesa.
Nilapitan ni Yaminah ang lalaki. Sinilip niya angg ginagawa nito. "Gabing-gabi na. Hindi ka pa ba tutulog?"
"I'm working on a presentation. Ito 'yung compilation ng projects that I have lead in the country. Naisip ko lang na kapag ipinakita ko ito sa councils, kasama na rin ang mga witnesses ng mga taong natulungan natin ay makukumbinsi ko sila na worth it tayo para sa title."
"They are giving us a chance..."
Tumango si Rashid. "Nakiusap ako sa council. May tatlong araw ako na patunayan sa kanila na worthy tayo sa title. Kailangan ko ng patunay. Kaya nangalap ako ng mga documents at gumagawa ngayon ng presentation."
Nagkaroon ng pag-asa si Yaminah. Maganda ang naisip ni Rashid. Pagkatapos ng lahat, marami itong projects na naggawa simula nang pakasalan siya nito. Mga matatagumpay ang projects na iyon. Marami rin sa mga iyon ang napuri at nakilala sa international media.
"Gusto ko rin na tumulong," Bilang prinsesa, marami rin na projects na ginawa si Yaminah. Sa tingin niya, makakatulong rin iyon para mas makumbinsi nila ang council.
Umiling si Rashid. "You need to rest, habibti. I'm also gathering your projects. Inaaral ko na rin iyon. Ako na ang magpe-present ng sa 'yo. Maiintindihan naman ng council kung hindi ka makakilos. You are sick."
"But you've already worked too much."
"Ako ang may kasalanan ng lahat, remember? Kung hindi sana ako umalis ng bansa, hindi magagalit sa atin ang council. I will fix this. Magpahinga ka na."
"Masyadong pinapagod mo ang sarili mo. Noong isang linggo lang ay naospital ka. Paano kung maulit iyon?"
"You are concerned about me..." Napangiti si Rashid.
Hindi na tumanggi si Yaminah.
"Pagod nga ako. But seeing you is enough for me..." Tumayo si Rashid. Umupo ito sa couch. "Halika rito..."
Sumunod si Yaminah. Nang makaupo ay niyakap siya ni Rashid. "Hmmm... one hundred percent na ulit ang energy ko."
Namula si Yaminah. "Rashid..."
Tumikhim si Rashid. "Hindi mo ba gusto ang yakap ko?"
Bumuntong-hininga si Yaminah. Gusto niya iyon. Being close to Rashid gave her comfort.
Lumayo si Rashid. "I'm sorry..."
"No..."
"Then?"
"I like your hug. I like you to be close."
"And I love you..." Niyakap ulit siya ni Rashid. This time it was so tight it almost crushed her. Hinalikan siya nito sa tuktok ng kanyang ulo.
"Oh, Rashid..." Yaminah was tempted to say those words again, too. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Kung mahal talaga niya si Rashid, dapat ay may tiwala rin siya rito. Hanggang ngayon ay nagduda pa rin siya sa lalaki.
"You are the most important girl in my life. You deserved to be the best. You deserved to be the queen..."
"And you also deserved to be the king..."
Eh ano kung pinakasalan lang siya ni Rashid dahil sa kaya niyang ibigay rito? Dahil sa kasal nilang dalawa kaya magiging hari ito. Masama man iyon dahil lumalabas na isang oportunista si Rashid ay maganda naman ang naging bunga noon. He served the country well.
"Hmmm... mas gugustuhin kong marinig mula sa 'yo na I deserved to be your man. Totoo ang mga sinabi ko sa 'yo sa isla. Hindi ko naman talaga gusto ang royal life."
Tinitigan ni Yaminah si Rashid. She saw the sincerity in his eyes. Kaunti na lang talaga at puwede na ulit niya itong pagkatiwalaan. Well, sa mga salita nitong iyon. "But you are so determined to bring the title back."
Masuyong hinaplos ni Rashid ang pisngi niya. "Because I know it will make you happy. Your happiness is more than important than mine."
"Paano kung sabihin ko sa 'yo na hindi na ako pinapasaya noon?"
Ngumiti si Rashid. "Kilala kita, Yaminah. Being a princess is already in your name since birth. It was your legacy. Tinanggap mo ako sa buhay mo kahit hindi naman ako ganoon na ka-worth it sa 'yo. Mas maraming nararapat para sa 'yo pero pinili mo ako. You see, may royal blood man ako but I'm still a son out-of-wedlock. For a princess like you, I'm almost nothing. Naging napakabait rin sa akin ng father mo. Bringing back the title is the least that I can do to all of you...
"Natatakot ako, Yaminah. Ayaw kong matalo rito dahil paniguradong masasaktan ka. Alam ko kung gaano ka nasaktan noong mamatay ang anak natin at inakala mo na niloko kita. I don't want that to happen again. Mahal na mahal kita kaya ayaw kong nasasaktan ka. Sana ay paniwalaan mo na ako. Kahit ngayon lang..."
May tumulong luha sa mga mata ni Yaminah. Hindi niya sigurado kung paano tinanggap ni Rashid ang luha na iyon. But she knew, it was tears of joy. Masaya siya sa mga narinig. Kung totoo nga talaga ang lahat ng iyon, Rashid will make a huge sacrifice. And love is about sacrifices, right?
Si Rashid ang kahinaan ni Yaminah. Gusto na niyang magtiwala sa sinasabi nito ngayon.
But again, she lost her voice to say so...
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomansaIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...