18. Lost

4.9K 156 10
                                    

"I LOST my baby because of you!"

Tatlong araw na simula nang makabalik si Rashid sa Saranaya at malaman na nalaglag ang anak nila. Pero ang akusa na iyon ni Yaminah ang paulit-ulit na pumasok sa isip niya.

Mali ang impormasyon na nakuha ni Rashid. Hindi nadulas ang asawa niya kaya nakunan ito. Bagaman napaupo ito, dahil pala iyon sa kanya. Nagulat at hindi matanggap ni Yaminah ang masamang balita na nalaman. Kahit na maselan talaga ang mga huling buwan ng pagbubuntis nito, malaking dahilan rin ng pagka-still born ng anak nila ay dahil sa emotional distress.

Sinisisi ni Yaminah si Rashid kung bakit. She had the evidences. Nakita na rin niya ang mga iyon. Gulong-gulo siya. Hindi niya maalala na nangyari iyon. Pero aminado siya na nagpunta siya sa bar. Sinamahan lang naman niya ang kapatid na si Rocco roon.

"I don't know what's with you and your brothers," wika ni Yaminah nang aminin niya rito ang totoo. "Bakit palagi na lang sa bar? At bakit ba palaging kapag kailangan ka ng kapatid mo na 'yan ay para kang aso na nakakita ng buto?! Hindi ka maka-hindi sa kanya!"

"Nasabi ko na sa 'yo na madalas na ang bonding namin ay sa bar. It's hard to change the habit. Isa pa, niyaya niya ako doon dahil kailangan niya ng alak. Gusto niyang makalimot. May malaki siyang problema. She got a girl pregnant and---"

"Then let him deal with it! Hindi iyong palaging kailangan mo pa siyang samahan."

Bumuntong-hininga si Rashid. "Si Rocco ang pinakamalapit na kapatid ko. That's why I care for him so much. Mas bata rin siya sa akin kaya responsibilidad ko na alagaan siya."

Halos pareho ng lagay sa pamilya sina Rashid at Rocco. Parehong nakuha ng ama nila ang custody nila. Pero kapag bakasyon ay pinapayagan naman sila na magbakasyon sa Pilipinas. Iyon ang dahilan kung bakit close rin sila. Sabay silang nagbabakasyon samantalang ang apat naman nilang kapatid ay nag-aaral dahil iba ang education system sa Pilipinas. Sila ang palaging magkalaro at magkasama kapag bakasyon.

"Whatever. Hindi rin naman si Rocco ang dahilan ng lahat. It was you, Rashid. Y-you ruined everything. Sinira mo ang tiwala ko. Bukod roon ay sinira mo rin ang buhay ng anak natin..."

Nakokonsensya si Rashid. Pero may isang bahagi rin niya ang nagsasabing mali iyon. Sadyang hindi talaga niya maalala kung ano ang nangyari at bakit may larawan siya na hinahalikan ng dalawang babae. Ang tanging naalala lang niya ay habang sinasamahan niya si Rocco na mag-inom. Walang kahit na anong babae. Masyado ng magulo ang buhay ng kapatid niya para gawin ang favorite hobby nito. Pero nasa kalagitnaan sila ng pag-iinom nang biglang may tumawag rito. Iniwan siya nito, pero pinangako na babalikan. May lumapit sa kanyang blonde na babae pagkatapos pero sigurado siya na tinanggihan niya iyon. Nangako siya kay Yaminah. She will be the only girl in his life. He intended to fulfil his promise.

Lahat ng sinabi ni Rashid kay Yaminah ay totoo. Hindi siya mahilig sa mga babae. Nakilala lang siya bilang playboy dahil sa mga kapatid niya. Dahil ito ang mga nakakasama niya na mahilig sa babae, hindi tuloy maiwasan na makahalubilo siya ng mga ito. Napi-picture-an rin siya na kasama ang mga ito dahil sa mga kapatid.

Walang kaalam-alam si Rashid sa larawan at sa babae na iyon. Ang huli na niyang naalala ay nang maggising siya sa flat ni Rocco. Ayon rito, binalikan siya nito pero lasing na lasing na daw siya. Parang nawala daw siya sa sarili.

Ang babaeng nasa larawan na pinakita sa kanya ni Yaminah ay ang babae na lumapit sa kanya. Ganoon pa man, hindi niya lang alam ay kung paano nito naggawang halikan siya at makuhanan rin siya ng larawan.

Nag-imbestiga si Rashid tungkol sa nangyari. Kailangan niya ng paliwanag. Hiningi niya ang tulong ng pamilya niya sa Pilipinas. Pero walang nakuhang resulta ang mga ito. Wala raw nakakilala sa babae.

"But I think this was a set-up," Ang kapatid na si Rocco ang nanguna sa imbestigasyon, bilang bahagyang involved rin ito sa sitwasyon na iyon. "Kilala tayo sa bar na iyon, Rashid. Alam nila ang ugali mo. You are not really into women. Pero nag-iba daw ang kilos mo pagkaalis ko. Naka-usap ko ang mga staffs. They say, you even danced wildly. Hindi ka ganoon. Nawala ka sa sarili mo. Ganoon rin naman ang tingin mo 'di ba? Hindi mo maalala ang nangyari. What if you were drugged?"

Sa tingin ni Rashid ay ganoon nga ang nangyari. Sinubukan niya na magpaliwanag sa asawa. Tinawanan lang siya nito.

"What you tell about the drugs is a "what-if". At siguro ay kaya walang resulta ang imbestigasyon mo ay dahil ginagawa mo lang iyon na palusot. You are a two-timing man. You are a playboy!"

Masakit para kay Rashid na akusahan nang ganoon. Pero mas masakit ang isipin na sinaktan niya ito, hindi man niya ginusto iyon. Ganoon pa man, iisa lang ang maaari niyang gawin rito ngayon---ang bumawi. He tried to woo her again. Pero unang araw pa lang niya sa plano ay pinigilan na siya nito.

"Tumigil ka na. I will never change my mind. I hate you forever, Rashid Samara!"

"Hindi ko matatanggap iyon. Mahal mo ako, Yaminah. Sinubok lang tayo at---"

"Siguro ay matatanggap ko pa kung ako lang ang sinaktan mo, Rashid. Pero kinuha ng pangyayari ang buhay ng inosenteng sanggol. Hindi kita mapapatawad!"

"We can't go on being like this..." Hindi siya pinapansin ng asawa pagkatapos ng nangyari. Humiwalay na rin ito sa kanya ng kuwarto. Natatakot siya sa maaaring kapuntahan noon. "Hindi ko kayang mawala ka sa akin."

Tinignan ni Yaminah si Rashid. Galit ang tanging nababasa niya roon. "Hindi ko gusto ng eskandalo kaya hindi ako makikipaghiwalay sa 'yo...sa papel. Pero hanggang doon na lang ang lahat. We will remain married in paper, but not emotionally, especially physically. Maging civil na lang tayo sa isa't isa."

"Pero Yaminah---"

Pumikit si Yaminah. Pero hindi noon naitago ang luha. "Tama na, Rashid. 'Wag ka ng makipagtalo. Napakasakit ng lahat ng nangyari sa akin. Sana naman ay irespeto mo ang desisyon ko. This is the least that you could do because after all, you couldn't respect our marriage, especially me..."

Dumilim ang mukha ni Rashid. Hindi niya gustong pumayag. Mahal niya si Yaminah. But loving someone means respecting them, too.

Tinanggap ni Rashid ang lahat gaano man kasakit ang lahat ng iyon.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon