25. Lies

4.6K 156 7
                                    

"THE COUNCIL is already outraged, Yaminah. You have to go back now with Rashid." Seryosong wika ni Tariq kay Yaminah. Tinawagan siya nito sa cell phone.

Bumuntong-hininga si Yaminah. "I-I don't think we could be back for the coronation. Well, not in time."

"You have to go back. The council is already thinking if you are both escaping your responsibility here in Saranaya. You are slowly creating a scandal. As part of the ruling royal family, you have to bear in mind that we avoid that."

"R-Rashid recently got sick, Tariq. I can't force him to go back for the coronation. He still have to heal---"

"No. You already have told me that he was discharged. And I have already said that to the council."

"Oh Tariq! Seriously, I don't know what I am going to do..." naiiyak ng wika ni Yaminah.

Dalawang araw na lang ay araw na ng Coronation. Pero sa halip na makumbinsi niya si Rashid na bumalik ay lalo pa siyang nawalan ng pag-asa. Mukhang masama ang loob nito sa kanya. Halos hindi na siya nito kinakausap pagkatapos niyang pagdudahan ang pagmamahal nito sa kanya. Mukhang nasaktan ito.

"You know what you've got to do. You have to go back here. If Rashid won't come, then don't force him. Just come home and let you and the council discuss about it." Wika ni Tariq at maya-maya ay nagpaalam na.

Malalim ang naging buntong-hininga ni Yaminah. May punto si Tariq. At least, kahit isa man lang sa kanila ay bumalik. Sa kanilang dalawa, mas kailangan siguro na siya iyon. Pagkatapos ng lahat, siya ang sanay sa royal life. Siya ang may gusto noon.

Isa pa sa pinoproblema ni Yaminah kung bakit hindi mapilit si Rashid ay dahil nalaman na niya ang mga gusto nito sa buhay. Gusto lang nito ang simpleng buhay. Simpleng tao lang ito. Kapag naging hari ito, lalo ng lalayo sa buhay na gusto nito ang mararanasan nito.

Napapikit si Yaminah. Naiiyak na siya. Ano ba ang dapat na gawin niya? Naiintindihan niya si Rashid sa mga gusto nito. Pero asawa niya ito. Kailangan na tanggapin nito ang buhay na mayroon siya. Iyon ang inaasahan rito. Kapag hindi nito ginawa iyon, magiging malaking eskandalo ang lahat. The princess had married the wrong man because he was not fit to be a king.

Kailangang may gawin si Yaminah. Kailangan niyang pilitin si Rashid. Tama si Tariq. Iniiwasan ng pamilya nila ang eskandalo. It might add a bad image for their family's name. Hindi iyon magugustuhan ng council. Puwede rin iyon na maging ground para tanggalin ang pamilya nila bilang namumuno sa Saranaya. Minsan na nangyari na iyon sa history ng Saranaya. Hindi naman niya gustong mangyari iyon. Maraming ginawa at isinakripisyo ang pamilya niya para sa ikagaganda ng Saranaya. Hindi rin gugustuhin ng kanyang ama na mawala sila sa kapangyarihan.

Kinalma ni Yaminah ang sarili. Puwedeng isumpa niya ang sarili sa kailangan niyang gawin para mapilit si Rashid na bumalik. Pero hindi na iyon mahalaga. Mas mahalaga ang Saranaya. Naniniwala siya na kailangan rin ng mga ito ang isang kagaya ni Rashid. Naniniwala rito ang ama. Magugustuhan rin ng Papa niya kung ito ang papalit sa puwesto. Iyon ang expected nito.

Na-disappoint ni Yaminah ang ama bago ito namatay. Guilty siya roon. Hindi na dapat niya dagdagan. Napakasama na niyang anak. Gagawin niya ang lahat para matupad ang kagustuhan ng Papa niya.

Nag-umpisang kumilos si Yaminah. Hahanapin niya si Rashid. Naging madali lang rin naman iyon. Nasa likod niya lang ito nang matapos ang tawag niya kay Tariq.

"Hi," Bati niya rito. "Nandito ka pala. I was about to talk to you."

"Hmmm... tungkol saan?"

Walang ideya si Rashid. Hindi nito narinig ang usapan nila ni Tariq. Great! Mas magagawa niya ang naisip na plano nang hindi ito nagdududa.

"I'm sorry..." pag-uumpisa ni Yaminah. "Na-realize ko na mali na pagdudahan ko ang pagmamahal mo sa akin."

"Oh, okay..." tumango-tango si Rashid. "And?"

Sinalubong ni Yaminah ang mata ng asawa. Tinapangan niya ang sarili. This is the only way.

"Mahalin mo ulit ako. Kapag naggawa at nasabi mo na muli ang mga iyon, saka lang ako babalik ng Saranaya..."

Lumapit si Yaminah kay Rashid. Inilagay niya ang kamay sa balikat nito. "I-I also realized that I still love you, Rashid. Mali ako para hayaan pa rin ang nakaraan para pumagitan sa atin."

Ngumiti si Rashid na unti-unti na napunta sa ngisi. "And I realized something, too, habibti. You're not a good liar."

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon