11. One Thing

4.4K 130 3
                                    

ILANG beses na kinusot ni Yaminah ang mata niya para masigurado na hindi lang siya nanaginip. Maaga kasi siyang nakatulog. Sumama siya sa isang charity work ng palasyo kaya pagod siya. Pero nawala lahat ng pagod at antok niya nang may marinig siyang kumakanta. Nangagaling ang tunog sa bintana.

Nagpunta si Yaminah sa bintana. Nasa second floor ang kuwarto niya kaya nasilip lang niya ang kumakanta. It was Rashid. May hawak rin itong gitara. Namula at lumakas ang tibok ng puso niya. For a while, hindi siya makapagsalita. She also wanted to hear his voice. Hindi iyon kagandahan pero pasado na, lalo na at ang paborito niyang kanta pa ang kinakanta nito. It was "One Thing" from a british boy group, One Direction.

I've tried playing it cool

But when I'm looking at you

I can't ever be brave

'Cause you make my heart race...

Shot me out of the sky

You're my kryptonite

You keep making me weak

Yeah, frozen and can't breathe...

"Oh, Rashid!" Maiyak-iyak si Yaminah nang matapos ang kanta ni Rashid. She liked his performance. But most of all, his presence. Na-miss niya ang boyfriend. "Umakyat ka na rito. Dali!"

Ngumiti si Rashid. Sinunod nito ang gusto niya.

"Oh, I missed you so much!" Nang makapasok ang lalaki sa kuwarto niya ay niyakap niya ito. Ginantihan rin naman siya nito ng yakap. Pagkatapos ay may ibinigay ito sa kanya. It was a plastic full of flowers.

"Sampaguita!" Yaminah giggled.

Nagpunta si Rashid sa Plipinas. Dalawang linggo rin ito roon. Tinanong nito kung anong gusto niyang pasalubong sa pagbalik nito. Dalawa lang ang request niya: ang safety nito at sampaguita. Marami kasing sampaguita sa garden ng Mommy ni Rashid. Napakabango noon. She liked the scent. Nalaman rin niya na iyon ang pangbansang bulaklak sa Pilipinas.

"How's my performance?" Ngumisi ito.

Napangiti si Yaminah. "Magaling. Ang cute mo. But you know, you don't have to do this..."

Harana, iyon ang ginawa ni Rashid sa kanya ngayon. Nalaman niyang isang tradisyonal iyon na paraan ng panliligaw sa Pilipinas.

Isang buwan na simula nang maging boyfriend niya si Rashid. Pero tinupad nito ang pangako sa kanya. Niligawan siya nito kahit na ba magkarelasyon na sila.

It was really a no need. Wala naman sila sa Pilipinas ni Rashid. Hindi uso roon ang panliligaw. Karamihan sa mga relasyon sa Saranaya ay natutuloy kaagad sa kasal. Walang ligaw. Bihira nga lang rin ang kagaya nila na dumadaan pa sa boyfriend-girlfriend relationship. Kapag gusto ng isang lalaki ang isang babae sa Saranaya, niyaya na kaagad ito para magpakasal.

But maybe, she was really special for Rashid. Hindi nito minadali ang lahat. He wanted to take things one step at a time. Pinapasaya siya nito sa lahat ng ginagawa nito kaya naman kahit may pangamba pa rin sa puso niya sa nalaman na totoong pagkatao ni Rashid ay hindi na niya ito kinompronta. Hindi niya gustong ma-spoil ang kasiyahan niya kapag nalaman niya ang katotohanan. Kung totoo nga ba talaga iyon. Hindi naman kasi siya binibigyan ni Rashid ng dahilan para magduda.

Kapag nasa Saranaya ay araw-araw siyang pinupuntahan ni Rashid. Kahit busy ito ay gumagawa pa rin ito ng paraan para magkita sila. Kapag naman nasa Pilipinas ito ay hindi pa rin siya pinapabayaan nito. Palagi siya nitong tinatawagan at kinukumusta. Hindi na kailangan ni Rashid na patunayan na espesyal siya rito. His actions are enough for her.

"But I want to. Gusto ko na maramdaman mo na espesyal ka sa akin."

"You do that everyday to me. I love you so much, Rashid..."

"And you are very special to me, Yaminah..." wika ni Rashid at hinalikan siya. Gumanti naman siya ng halik rito. She kissed him passionately. Pinatunayan naman niya rito na missed na missed na talaga niya ito.

"Ah, you are driving me crazy, habibti..." Napaungol si Rashid. Pinutol nito ang halik.

"Hmmm... masama ba iyon?"

"No. I like it. But your kiss is burning. Natatakot akong mawalan ako ng kontrol. Hindi pa tayo kasal..."

"Oh!" Namula si Yaminah.

Tinitigan siya ni Rashid. Kinuha nito ang kamay niya. Sandaling nilaro-laro nito iyon. "Yaminah, gaano ka kaseryoso sa akin?"

Natawa si Yaminah. "Ano ba namang klase na tanong 'yan? Of course, seryosong-seryoso. Mahal na mahal kita, Rashid."

"Hmmm... you love me enough to spend the rest of your life with me?"

Tumigil yata ang mundo ni Yaminah sa tanong. Ang tanging nararamdaman lang niya ay ang mga kabayo na parang tumatakbo sa puso niya.

"Kailangan ko ang sagot mo, Yaminah..."

May luhang tumulo sa mga mata ni Yaminah. "Siyempre naman. I can see my future with you..."

Naging maganda ang ngiti ni Rashid. "Then let's get married..."

Mas napaiyak si Yaminah. Pinunasan ni Rashid ang luha niya. "Ayaw mo yata, eh."

"Gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero sigurado ka ba talaga rito?"

Hinalikan ni Rashid ang tuktok ng ulo niya. "Napaka-espesyal mo sa akin, Yaminah. You are the most beautiful and wonderful lady in my eyes. At kagaya mo, I can also see my future with you. I promise you I will make you happy for the rest of our lives..."

Masaya si Yaminah. She was going to get married to Rashid, her prince charming. Naniniwala siya sa mga salita ni Rashid. Just by being with him is already happiness. Ang imperfect nga lang para sa kanya ay ang nakuha niyang sagot ni Rashid.

Rashid promised her forever. Pero parang kulang pa iyon. May gusto pa siyang marinig rito. Kailangan niya na malaman na mahal rin siya ni Rashid. Pero pinili ni Yaminah na itago ang sakit sa sarili. Pagkatapos ng lahat, aminado na naman siya na mahal niya si Rashid. Kaya ano man ang nararamdaman nito at ang pagkatao ay tatanggapin at mamahalin rin niya.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon