NATAGPUAN ni Yaminah ang sarili na nakahiga sa kama niya. Nanibago siya, lalo na at marami rin sa mga tauhan ng palasyo ang nakapalibot sa kanya.
"W-what happened?" Hindi kaagad na rumehistro sa utak ni Yaminah ang nangyari sa kanya kaya naggawa niyang magtanong. Isa-isa niyang tinignan ang mga taong nakalibot sa kanya. Nag-focus ang tingin niya sa sekretarya na siyang pinakamalapit sa kanya sa lahat ng mga nakitang tao.
"You've collapsed, Princess." Ang sekretarya rin naman ang sumagot. "You were so shocked by the news..."
"News---" naputol ang pagsasalita ni Yaminah nang maalala ang nalaman. Nanghina siya. Natutop niya ang kanyang bibig. "Oh God..."
Walang nakapagsalita, lalo na nang mag-umpisang tumulo ang luha sa mata ni Yaminah. Ang ibang tauhan ay naglihis ng tingin. Iisang tao lang ang kumilos pagkatapos ng ilang sandali. Nakilala niyang ito ang Doctor ng pamilya niya.
"Naiintindihan namin ang kondisyon mo, Princess Yaminah. Pero walang maitutulong ang pag-iyak. Kailangan mong magpahinga." Wika ng Doctor sa wikang Arabic.
Nag-usap sila sa wikang Arabic. "Hindi. Kailangan kong kumilos. Hindi nila magagawa ito sa pamilya ko!"
"Your husband is trying his best to convince the council about the situation. Wala kang dapat ipag-alala," Tumingin ang Doctor sa mga nakapalibot sa kanya. Pinagsabihan nito ang mga tauhan na lumabas na muna para mas makapagpahinga siya. Kailangan raw niya noon dahil mababa ang dugo niya. Nagpaalam na rin ito pagkatapos.
Tanging ang sekretarya ni Yaminah ang naiwan sa kuwarto niya. Pero hindi rin ito nagtagal nang may dumating. It was Tariq. Pinalabas muna nito ang sekretarya at kinausap siya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Kinausap siya ni Tariq sa wikang Arabic.
"Hindi nila magagawa sa akin ito. Napahagulgol si Yaminah.
Niyakap siya ng kaibigan. "Hindi makakabuti sa 'yo ang pag-aalala. Tumahan ka na."
"But how can I not worry? They will be replacing our family as the rulers of Saranaya!"
Ano na lang ang mararamdaman ng mga ninuno ni Yaminah? Ang ama niya? Kahit patay na ang mga ito, paniguradong kung buhay ay disappointed ang mga ito. Ganoon rin naman siya. Naghirap ang mga ninuno niya sa Saranaya. Pagkatapos, dahil lang sa maliit na eskandalo ay mawawala ang pamumuno sa kanila.
Hindi nagsalita si Tariq. Nagpatuloy sa paglalabas ng saloobin si Yaminah sa kaibigan.
"Hindi puwedeng maangyari ito. What if the new King is unworthy of the title? What if he can't---"
Umiling si Tariq. "Hindi pipili ng unworthy person ang council. I am not an unworthy person."
Natulala si Yaminah sa kaibigan. Nang makabawi ay lumayo siya rito. "You---"
Ngumiti si Tariq. "You are looking on the new chosen King of Saranaya, habibti..."
"N-no..." Kung ganoon ay nakapagdesisyon na nga ang council. Wala na sa pamilya na ang pamumuno sa Saranaya. "Hindi puwedeng mangyari ito!"
"Nakapagdesisyon na ang council, Yaminah. I'm going to be the king of this country. You, especially your husband disgraced your family. The council thought you both are unworthy because of your irresponsible actions before the coronation."
"Dumating kami bago ang coronation!"
"Huli na. I already told you, they are in rage. They cancel the coronation yesterday. Nag-panic sila."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nakaramdam ng pagtatampo si Yaminah. Kung si Tariq na ngayon ang hari, siguradong kasama ito sa meeting. Hindi man lang ba nito ipinagtanggol sila ni Rashid? Hinayaan nitong mawala ang pamilya niya sa trono.
Naglihis ng tingin si Tariq. "I-I thought it doesn't matter."
"Kaibigan mo ako, Tariq. Best friend kita. Bakit hinayaan mo na mangyari ito? I lose the title. God, I can't even consider myself as a princess because of what happened!"
Their family was disgraced. Sooner, paalisin sila sa palasyo. Kahit na puwede pa rin naman siyang tawagin na prinsesa dahil kasama pa rin naman sa royal family ang pamilya ay parang wala na rin iyon. Kahiya-hiya sila. Napatalsik sila sa palasyo. They were disgraced.
Bumuntong-hininga si Tariq. Maya-maya ay hinaplos nito ang pisngi niya. "You can still be a Queen, Yaminah."
Napakurap si Yaminah. Ibig sabihin ba noon ay magpaparaya si Tariq para sa kanya? "Paano?"
"Divorce Rashid and marry me, habibti..." Nakakaloko ang ngiti sa labi ni Tariq.
Nanlaki ang mata ni Yaminah. "Nababaliw ka na ba?"
"Hindi. I'm just giving you the very best option."
"Hindi ako makikipaghiwalay kay Rashid. Conservative ang pamilya ko. We only got married once."
"It's time to leave your families beliefs. Pagkatapos ng lahat, hindi na sikreto sa palasyo na hindi maganda ang pagsasama niyo." Kinuha ni Tariq ang kamay niya. "Marry me, Yaminah. Be my queen."
"Kaibigan lang kita, Tariq." Tinanggal ni Yaminah ang kamay sa pagkakahawak ng kaibigan.
Tumiim ang bagang ni Tariq. "Pero hindi ganoon ang nararamdaman ko sa 'yo. Mahal kita, habibti. Bata pa lang tayo ay minahal na kita. I kept and treasure you in my heart. And it hurts so much knowing that you have love another man. Nagpakasal ka sa ibang lalaki. Maraming tao ang nag-e-expect na tayong dalawa ang magkakatuluyan."
"I'm sorry, pero hindi ko naisip iyon." Totoo iyon. Komportable siya kay Tariq pero wala ang nararamdaman niya rito sa nararamdaman niya kay Rashid. Nagulat siya sa ipinagtapat nito. Pero ganoon pa man, malinaw sa kanya kung ano ba ang dapat niyang isagot. "I'm sorry, too, that I will turn you down. It's very inappropriate."
Nagdilim ang mukha ni Tariq. "The only way to remain to the palace is be with me, Yaminah. You have to marry me to be the Queen of Saranaya everybody expected you for!"
"Makakahanap kami ng paraan. I'm sure, Rashid is doing his best---"
"You still trust that guy after everything?!"
Nakagat ni Yaminah ang ibabang labi. Iniisip pa rin niya na niloloko siya ni Rashid 'di ba? Pero bakit naniniwala siya na hindi naman siya nito pababayaan pagkatapos ng lahat?
"Pababayaan ba naman kita? Mahal kaya kita."
Kung naniniwala siya na hindi siya pababayaan ni Rashid, dapat ay maniwala rin siya na mahal siya nito.
Napatiim-bagang si Tariq nang hindi siya sumagot. Nagmura rin ito bago umalis ng kuwarto niya.
Gulong-gulo si Yaminah. Napakarami ng mga nangyari sa loob lamang ng ilang araw. At ngayon ay nasaktan pa niya ang kaibigan.
Pero hindi pinagsisihan ni Yaminah na tanggihan ang kaibigan. Naging matapat lang naman siya rito. Hindi niya magagawang mahalin si Tariq. Tanging pagmamahal lang ng kaibigan ang nararamdaman niya rito.
Mahirap kay Yaminah na mawala ang pamilya niya bilang namumuno ng Saranaya. Pero hindi pa siya ganoon ka-desperada para makuha lang ulit iyon. Ayaw niyang magsinungaling. Si Rashid pa rin ang mahal niya hanggang ngayon. Itinatanggi lang niya dahil natatakot siyang sumugal ulit.
Ganoon pa man, ang magagawa na lang ni Yaminah ay ang magtiwala at maniwala na magiging maayos rin ang lahat. At siguro ay dapat rin na matuto siyang magtiwala ulit kay Rashid. Sa lagay niya ngayon, pakiramdam niya ay wala siyang makakapitan kundi ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomanceIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...