Present
NANG magising ulit si Yaminah ay itinigil na niya pantasya kay Rashid. Ginawa na niya ang kanina pa dapat niya ginawa: ang lumayo rito. Tulog pa rin ang lalaki kaya mas naging madali sa kanya ang pag-alis.
Tumingin si Yaminah sa orasan sa kuwarto bago lumabas. Mag-aalas kuwatro pa lang ng madaling araw. Bahagyang nakahinga siya nang maluwag. Ibig sabihin ay wala pang gising sa palasyo. Kung mayroon man ay kaunti lang rin iyon. Kaunti lang chance na makita na nagsama sila ng asawa sa iisang kuwarto nang matagal. Nahihiya siya. Alam ng mga kasambahay ang relasyon nila ng asawa.
Pero mabilis rin na nanikip ang dibdib ni Yaminah nang magkamali siya ng akala. Pagkalabas niya ay nakita niyang nagtatakbuhan ang mga kasambahay sa hallway. Nawala ang pagiging conscious niya. Sa halip, napalitan iyon ng kaba at curiousity. Nagtanong siya kung ano ang kaguluhan.
"Your father! He had an heart attack!" Takot na takot na wika nang unang napagtanungan.
Doble ang naging takot na bumakas sa mukha ni Yaminah kaysa sa kasambahay. Nanghina rin siya. Pero pinili niyang magpakatatag. Kailangan niyang puntahan ngayon rin ang kanyang ama. Tumakbo siya papunta sa silid ng ama.
Napakaraming tao na nagkumpol sa labas ng kuwarto. Nahawi ang lahat nang makita siya. Mabilis siyang nakapasok. Mabilis rin na nakita niya ang ama. Nakahiga ang kanyang ama sa kama nito. Nakapikit ang mga mata nito. Pero iyon lang muna ang tinignan ni Yaminah. Hindi niya kaya pa na parte ng katawan nito kung saan niya malalaman ang paghinga nito.
Papa, no. Please, no...
Pero sadyang hindi kayang takasan ni Yaminah ang realidad. Nakaramdam siya nang marahang pagtapik sa kanyang balikat.
"The king is gone..."
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomansaIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...