29. Next Ruler

4.6K 134 6
                                    

INISIP ni Yaminah na kaya sila pinagtitinginan ng mga tauhan pagdating nila ng palasyo ay dahil nanibago ang mga ito. Nang pababa na kasi sila ng eroplano ay kinuha ni Rashid ang kamay niya. Pinayagan niya ito dahil kailangan niya ng distraction. Hindi niya maintindihan pero parang kinakabahan siya.

"Sabah al khair," bati ni Yaminah ng magandang umaga sa mga tauhan. Bumati rin ang mga ito pero walang kasigla-sigla. Napayuko rin ang mga ito pagkatapos.

Doon na unti-unting nagkahinala si Yaminah sa kabang nararamdaman niya. Napakunot-noo siya. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang reaksyon ng mga tauhan.

Nagkatinginan sila ni Rashid. Nakakunot rin ang noo nito.

"P-parang may problema..." wika ni Yaminah.

"Parang nga. But for now, we both need to prepare for the coronation. I'll see you later..."

Tumango si Yaminah. Magkaiba ang kuwarto na pupuntahan nila dahil kailangan siyang ayusan. May sarili siyang dressing room sa palasyo. Kasama ang sekretarya na mukhang naninibago rin sa kinikilos ng mga tao sa palasyo ay sabay silang nagpunta roon.

Nangyari ulit ang hindi inaasahan ni Yaminah. Walang nakahandang damit. Walang stylist na naghihintay sa kanya. Tanging isang kasambahay na naglilinis pa ang naabutan nila roon.

"What is going on? Why does my dress and stylist are not here?" Nilibot pa ni Yaminah ang tingin sa kuwarto. Naisip niya na baka mali lang na kuwarto ang napasukan nila.

"Princess Yaminah," Malungkot ang boses na pagbati ng kasambahay. Yumuko pa ito sa kanya.

"Answer me. What is happening? Today is the coronation day..."

Umiling ang kasambahay. "There is no coronation, Princess."

"What?" Tumingin si Yaminah sa sekretarya. "Do you know about this? We've already made sure the council that we will come back just right in time."

"I don't know. I didn't receive any information, Princess." Tumingin ang sekretarya sa kasambahay. "Tell us what really happened. Why is there no celebration? What happened to the coronation day?"

Yumuko ang kasambahay. "T-the coronation is cancelled. Rumours spreading that the ruling royal family gives disgrace to the country. They left the country with an irresponsible reason, especially that they are in need because the King just suddenly died. So i-instead of a coronation day, the council will have a meeting today for the next ruler of Saranaya.."

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon