14. Married Life

4.6K 133 6
                                    

NAGING maayos ang lahat sa buhay ni Yaminah. Maganda ang wedding nila ni Rashid. Halos lahat sa kaharian nila ay nakisaya sa isa sa pinakamalaking event sa Saranaya. Mahalaga rin iyon. It was the union of the future King and Queen of Saranaya.

And everything was going well, lalo na at ilang buwan pagkatapos ng kasal nila Yaminah at Rashid ay nalaman nilang buntis siya. Masayang-masaya silang dalawa, ganoon rin ang kanyang ama.

"A grand son or a grand daughter, I don't care! I just want this family to be bigger. Congratulations to the both of you," wika ng kanyang ama nang malaman ang balita. Nagpa-party pa ito sa palasyo ng dahil roon.

Makikita rin ang kasiyahan ni Rashid dahil sa nangyari. Kahit ang pamilya nito sa Pilipinas ay ganoon rin. Ang anak nila ang magiging unang apo sa parehong pamilya. Dagdag na blessing rin na maayos ang pagbubuntis ni Yaminah.

Nalaman nila na lalaki ang dinadala niya kaya nakadagdag pa iyon sa kasiyahan, lalo na ng kanyang ama at mga tao sa Saranaya. Karamihan sa mga tao roon ay pinapaboran ang lalaking anak. Masuwerte daw ang mga lalaki. Excited ang lahat sa pagdating ng kanilang anak.

Pero si Yaminah siguro ang pinaka-excited. In fact, kahit mag-aanim na buwan pa lang siyang buntis ay nag-aayos na siya ng mga kakailanganin ng anak. Sa ngayon, ganoon ang ginagawa niya. She had fun arranging the stuff toys and display in their little nursery. Iginigiit ng kanyang ama at ni Rashid na kumuha siya ng katulong, lalo na at malaking kuwarto sa palasyo ang pinagamit sa kanila ng ama para sa nursery. But Yaminah wanted to be personally involved in their family things. Bilang malakas pa rin naman ang kanyang ama, hindi siya ganoong abala sa mga bagay. Tinutulungan na rin ito ng kanyang asawa sa pamumuno ng Saranaya.

Kompleto na ang gamit ng anak nila. Paano, nang araw na malaman pa lang ng kanyang ama ang gender ng anak ay nagyaya na itong mamili ng gamit. Halos bilhin nito ang buong department store para sa unang apo. Hindi rin ito tinanggihan ni Rashid. Pareho ang nakikita niyang excitement sa mata ng Papa niya at ang kay Rashid.

"Kumusta ang dalawang paborito kong tao sa mundo?" Kakatapos lang i-arrange ni Yaminah ang stuff toys sa cabinet nang mula sa likod ay narinig niya ang boses ng asawa. Hindi pa man siya nakakasagot ay ang niyakap na siya nito sa likuran. Kasama nitong ikinulong ang may kalakihan na niyang tiyan sa bisig nito.

Mas lalong lumaki ang ngiti niya sa presensiya ng asawa. Hindi na niya namalayan ang oras sa pagiging abala sa pag-aayos ng nursery.

"Hmmmm...." Napaungol si Yaminah nang hinalik-halikan rin ni Rashid ang balikat at leeg niya. Nakikiliti siya.

Pinaharap siya ni Rashid. Bumaba ito at hinalikan ang tiyan niya. Then his eyes lovingly met hers. "Minsan ay napapaisip ako kung lalaki ba talaga ang anak natin. You are so beautiful and glowing. Sabi nila, kapag ganoon daw ang ina ay babae ang nagiging anak."

Namilog ang mata ni Yaminah. "You are researching."

Kinindatan siya ni Rashid. "I'm excited. How are you feeling the whole day?"

"Okay lang. You don't have to worry a lot about me," Pagpapanatag niya kay Rashid.

"Masyado ka ng maraming ginagawa. Inaaabala mo masyado ang sarili mo sa pag-aayos nitong nursery."

Pinindot niya ang ilong nito. "Masama ba iyon? Hindi ko naman napapabayaan ang sarili ko."

"Napakasuwerte ko talaga. I have a beautiful, sweet and pregnant wife..." Ang ganda ng ngiti sa labi ni Rashid.

Napahagikgik si Yaminah. "Masuwerte rin ako. I have a very loving husband..."

Hindi na pinagdudahan ni Yaminah ang asawa. Pagkatapos ng lahat, nang maikasal sila ay hindi na ito bumalik sa Pilipinas. Kapag tapos na ang trabaho nito ay palaging siya ang hinahanap nito. Minsan nga ay sinasama pa siya nito roon. Bukod sa pagtulong sa pamumuno ng Saranaya ay nagma-manage rin ng oil company business ng pamilya nito si Rashid.

Hinalikan siya ni Rashid. His kiss went deeper after a while. Tumigil lang ito sandali. Nasalubong ng mata niya ang nag-aapoy na mata nito. "Alam ko na hapunan na. But can I have my dessert first before that?"

Yaminah was lost in Rashid's kiss. Tanging ungol na lang ang naisagot niya. Rashid took it as a yes. Mula sa kanyang labi, ang leeg naman niya ang inasikaso nito. Nagsunod-sunod at naging malakas ang pag-ungol ni Yaminah.

Pagkatapos ng tatlumpung minuto, nakayakap na ang hubad na katawan ni Yaminah sa hubad na katawan ni Rashid. Kahit malamig sa kuwarto dahil air-conditioned ay makikita na maraming butil ng pawis sa mukha nilang dalawa---lalo na ang kay Rashid. Nakayakap rin sa kanya ang asawa. Pumikit ito. He looks so satisfied.

Pinanood ni Yaminah si Rashid. Just looking and being with him made her feel contented and complete. Nagpapasalamat siya sa napakagandang pakiramdam na iyon.

Ang ibig sabihin ng pangalan ni Yaminah ay "blessed". Iyon daw kasi ang pakiramdam ng magulang niya nang dumating siya sa buhay ng mga ito. At ngayon niya lubos na naramdaman na ganoon nga talaga siya. She was very blessed. Totoong prinsesa rin siya. Her life is perfect.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon