HINDI dahil gusto mo, makukuha mo.
Naintindihan at napagdaanan na ni Yaminah iyon. Prinsesa siya sa titulo pero hindi sa lahat ng bagay. Hindi siya perpekto at ang buhay niya. Hindi umiikot sa kanya ang mundo. Kaya gustuhin man niya na uminom ng buko juice ay kailangan niyang magtiis. Wala siyang tauhan sa lugar para kumuha ng buko na kanina pa niya tinitignan sa puno.
Sa kasalukuyan ay nasa isang pribadong island siya na pagmamay-ari ni Rashid at ng kapatid nitong si Rocco. Kasama niya roon ang asawa. Ayon kay Rashid, mahilig daw mag-invest sa bagay na may tubig ang kapatid. Sa katunayan, puro resort ang mga business na pagmamay-ari nito sa Pilipinas. Ang ilan sa mga iyon ay kasosyo nito si Rashid.
Kahit nakalabas na ng ospital ay pinayuhan pa rin si Rashid ng Doctor na magpahinga. Nagdesisyon si Rashid na gawin ang pagpapahinga sa isla. Naintindihan naman niya kung bakit. The place was relaxing. Napakaganda noon. Pero gusto man niya na mag-enjoy sa lugar ay nag-aalala pa rin siya. Ilang araw na lang ang natitira sa kanya para mapilit ang asawa na bumalik sa Saranaya. Ganoon pa man, pinagbigyan at inintindi na lang ni Yaminah ang asawa dahil makakabuti rin naman iyon dito.
Ang hindi nga lang maintindihan ni Yaminah ay kung bakit hindi nagsama ng tauhan si Rashid sa isla. Kahit ang mga bodyguard niya ay pinaiwan nito sa Maynila. Safe naman raw kasi sa lugar at kayang-kaya naman nila ang sarili nila. Iyon tuloy at wala naman siyang mautusan para akyatin ang puno at kuhanin ang buko para sa kanya. Sila lang dalawa ni Rashid ang nasa isla. Inihatid sila roon ng isang chopper at umalis na rin pagkatapos.
Nag-crave kaagad si Yaminah nang makita niya ang buko. Minsan na siyang nakakain noon nang magbakasyon siya sa Pilipinas. She instantly loved everything about it. Pero noong mga panahong nasa Pilipinas lang siya nakatikim noon. Wala kasing puno noon sa Saranaya.
"Hindi mahuhulog ang buko na 'yan sa kakatitig mo, habibti..."
Bahagyang nagulat pa si Yaminah nang marinig ang boses na iyon ni Rashid. Maaga siyang nagising. Gusto kasi niyang panoorin ang sun rise. Tulog pa si Rashid nang bumangon siya.
Lumingon si Yaminah. Nasa likod niya ang asawa. "Good morning. Kanina ka pa ba nandiyan?"
"Yeah. And it was indeed a lovely morning just by watching you," Maganda ang ngiti na wika ni Rashid. Parang hindi nanggaling sa sakit ang lalaki kahit na ba kahapon lang ito nakalabas ng ospital.
"Ewan ko lang kung masabi mo pa 'yan kapag nagutom ka na," Nakasimangot na wika ni Yaminah. Hindi siya marunong magluto. Alam iyon ni Rashid. Mas kinakabahala pa niya iyon kaysa sa katotohanan na sila lang dalawa ang nasa isla.
"'Wag kang mag-alala, hindi kita gugutumin..." wika ni Rashid at tinanggal ang suot nitong T-Shirt.
Napalunok si Yaminah. Doon niya masasabi na may isang salita naman si Rashid. Katawan pa lang ni Rashid ay pagkain na. His chest was so yummy her hands felt an aching desire to curl her fingers on the tiny hairs in it. Sa pagtingin pa lang roon, busog na siya.
Nagsunod-sunod ang paglunok ni Yaminah nang mag-umpisang maglakad si Rashid. Nagsisimula na rin na manginig ang katawan niya. She felt excited. Pero kaagad rin na nauwi sa wala ang lahat nang hindi naman sa kanya pumunta si Rashid. Dumiretso ito sa puno ng buko na kanina pa niya tinitignan.
"Anong ginagawa mo?!" Nanlaki ang mata ni Yaminah nang nagsimulang umakyat ito sa puno. Napalitan ng pag-aalala ang pananabik niya.
Sandaling tumingin ito sa kanya, pero kinindatan lang siya. Nagpatuloy ito sa pag-akyat.
"Rashid, bumaba ka nga diyan! Kakagaling mo lang sa sakit! Delikado ang ginagawa mo!"
Hindi pa rin nakinig ang asawa. Nag-umpisa na muli na manginig si Yaminah. Pero sa takot na ang dahilan noon ngayon. Napakalakas ng tibok ng puso niya sa pag-aalala.
Namumutla pa rin si Yaminah kahit na matagumpay na nakababa si Rashid sa puno. Hawak-hawak nito ang mga buko na inilaglag nito kanina.
"Buko, para sa aking pinakamamahal na buko---ang buhay ko..." Naggawa pang ngumiti ng loko sa kabila ng masamang timpla ng mukha niya. Inabot nito sa kanya ang mga buko.
"At naggawa mo pang mag-joke sa kabila ng ginawa mo!" Humalukipkip si Yaminah. Tinalukuran niya ang asawa sa halip na abutin ang buko.
"Hey, gusto ko lang naman pagbigyan ang gusto mo. Halatang takam na takam ka sa buko."
"Hindi ko naman iyon hinihingi sa 'yo! Paano kung nahulog ka sa puno? Paano kung may nangyaring masama sa 'yo?!" Sa inis ay hindi na napigilan ni Yaminah ang pagtulo ng luha. "Nakakaasar ka!"
Humarap si Rashid kay Yaminah. Pinunsan nito ang luha niya. "I'm sorry. Hindi ko akalain na mag-aalala ka ng ganito."
Tinanggal niya ang kamay nito. "Dahil hindi mo naman kasi talaga palaging iniisip ang nararamdaman ko!"
Matagal na tinitigan siya ni Rashid. Pagkatapos ay tumawa ito.
"At nagagawa mo pang tumawa! Buwisit ka talaga!"
Niyakap siya ni Rashid. "I'm just happy, habibti. Ngayon ko napatunayan na hindi mo talaga ako kayang mawala sa buhay mo. The look on your face is so horrible. Umiyak ka rin. Paano kung totoong mangyari pa ang mga what if mo sa---"
"Don't you dare say it! Damn you!" Itinulak niya ang asawa at dinuro pa ito. Halos nanlilisik ang mata niya sa inis.
Muli ay kinabig siya nito. Kinuha rin nito ang mukha niya at binigyan siya nang sandaling halik sa labi.
"Oh, Yaminah. I love you so much..." wika nito at sinalubong ang mga mata niya. His eyes were full of love.
Natulala si Yaminah. Nanlambot rin ang mga tuhod niya. Lahat ng pagkainis niya ay biglang natunaw.
Kinagat ni Yaminah ang ibabang labi para pigilan ang pamumula ng pisngi at ang nakakatuksong pagbukas rin noon. Natatakot siyang magsalita.
She was tempted to say the same words, too.
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomanceIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...