10. Birthday

4.7K 142 8
                                    

"YOU ARE so beautiful..." makikita ang sincerity sa mata ni Tariq nang sabihin nito iyon kay Yaminah. Kakatapos lang niyang ayusan para sa twenty second birthday party niya.

Nang makabalik si Yaminah sa Saranaya ay naroroon na rin si Tariq. Sa loob ng isang linggo niyang paghahanda ay naroroon ito. Araw-araw silang magkasama. Na-miss niya ang kaibigan. Dahil sa pagdating nito kaya nawala ang lungkot na nararamdaman niya sa nalamang totoong kulay ni Rashid.

"Jeez, thank you. What are you doing here? You are not supposed to see me before---oh!"

Nagulat si Yaminah nang may kuhanin sa bulsa si Tariq. It was a gold necklace with a heart-shaped ruby pendant. Isinuot nito iyon sa kanya. Bumagay iyon sa suot niyang ruby colored rin na dress.

"Ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo..." Wika ni Tariq sa wikang Arabic.

"Salamat, Tariq. But you know, you don't have to do this." Paniguradong mahal ang necklace na iyon.

"Wala iyon. Regalo ko ito sa 'yo. It's your special day today. Smile," hinawakan pa ng kaibigan ang baba niya.

Napilitan na ngumiti si Yaminah. Birthday niya pero sa kabila ng napakarangyang paghahanda roon ay hindi niya maramdaman na espesyal ang lahat. Gaano man siya pasiyahin ng pagdating ni Tariq ay naiisip pa rin niya si Rashid. Ang alam niya ay babalik ito sa Saranaya ngayong birthday niya. Pero hindi niya pa ito nakikita. Kinakabahan siya.

Hindi pa nakokompronta ni Yaminah si Rashid sa nalaman. Hindi niya pa kaya. Kung gagawin rin siguro niya, gusto niya ay personal. Gusto niyang makita ang sincere na paliwanag sa kanya ni Rashid. Pero ganoon pa man, parang hindi niya talaga makakaya. Natatakot siya. Ayaw niyang masaktan kapag nalaman ang katotohanan mula sa labi nito.

"You look nervous. Pero hindi kita masisisi. Nakarinig ako ng usap-usapan na may espesyal raw na mangyayari ngayong gabi. I'm quite excited to know about that. Mukhang masaya rin ang mga tauhan sa palasyo."

Binigyan nang marahan na halik ni Tariq sa noo. Pagkatapos noon ay binigyan siya nito nang napakagandang ngiti. Gustong mahawa ni Yaminah. Pero may isang bahagi ng puso niya ang mas lalong natakot sa sinabi nito. Hindi siya mahilig sa sorpresa.

Nagsimula na ang party. Ipinakilala at nagkaroon pa siya ng grand entrance sa grand staircase ng palasyo. Sinalubong siya ng ama roon.

"Happy birthday, habibti..." Hinalikan siya ng ama sa noo at pati na rin sa pisngi. "You've grown just as lovely as your mother. I'm so proud of you..."

"Thanks, Papa." Ngumiti si Yaminah. Niyakap niya ang ama.

Pagkatapos ng pagpapakilala ay nag-dinner sila kasama ang halos lahat ng miyembro ng royal families sa Saranaya. Sanay na siya sa mga party pero ngayon ay naiilang siya. Iba kasi ang tingin sa kanya ng mga tao. Nangingislap ang mga mata ng mga ito kapag nakatingin sa kanya. Nakakaloko rin ang mga ngiti at ngisi ng mga ito. Naalala niya tuloy ang sinabi sa kanya ni Tariq. May special moment daw siya ngayong gabi. May alam kaya ang mga tao roon?

Hindi komportable si Yaminah. Bahagyang naiinis siya sa sarili niya. Hindi naman niya nakikita si Rashid sa paligid. Hindi dapat siya maligalig. Pero siguro nga ay ang kawalan ng presence rin nito ay siyang nagpapahirap sa kanya. Nasasaktan siya na hindi ito dumating kahit na ba hindi rin naman niya alam kung paano ito pakikiharapan pagkatapos ng nalaman niya rito. Naguguluhan siya sa damdamin niya.

Nang matapos ang dinner ay nagkaroon ng sayawan. Unang isinayaw siya ng ama na nakakaloko rin ang ngiti. Ilang beses pa siya nitong binati at pinuri. Affectionate ang kanyang ama pero hindi na iyon normal. Isinayaw rin siya ni Tariq at kahit ang ilang miyembro ng royal family na lalaki na kilala na rin niya. Normal lang ang reaksyon ni Tariq sa kanya pero ang ibang lalaki ay hindi. Kagaya rin ito ng kanyang ama: nakakaloko rin ang ekspresyon ng mukha nito.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon