33. Understanding

5.5K 171 4
                                    

CONFIDENT si Rashid na makukumbinsi niya ang council na huwag palitan ang pamilya bilang ruling royal family sa Saranaya. Naayos na niya ang mga dokumento na magpapatunay na karapat-dapat silang mamuno. May mga witness pa siyang kinuha. Tapos at naayos na rin niya ang presentation. It will all matter on how he was going to execute the presentation tomorrow and how the witness will stand. Kailangan lang na makumbinsi nila nang maayos ang council. Kailangan na maging maayos ng pagsasalita niya.

Ang kailangan lang ni Rashid ay pahinga para maging mas maayos siya. Ngayong maayos na ang presentation niya ay magagawa na niya iyon. Gusto rin niyang makausap at makasama muna si Yaminah bago matulog. Mas magkakaroon siya ng lakas para bukas.

Nang makauwi sa palasyo ay hinanap niya kaagad si Yaminah. Naituro naman ng mga kasambahay kaagad kung nasaan ito. Napakaganda ng ngiti niya. He was excited to meet her. Pero mabilis rin na nawala ang ngiti niya nang makita ang lagay ng asawa. Nakatulala ito. Mababakas rin sa mukha na umiyak ito. Mapula ang mukha at mata nito.

"May problema ba?" Nanikip ang dibdib ni Rashid nang makita ang lungkot sa mata ng asawa, lalo na nang magkasalubong ang mga mata nila.

Namutla ang mukha ni Yaminah nang makita siya. "I-I'm so sorry, Rashid..."

Kumunot ang noo ni Rashid. "Sorry for what?"

Yumuko si Yaminah. "For everything. God, I'm so horrible. Hindi kita pinagkatiwalaan. Tama lang na itigil mo na ang ginagawa mong ito. Pinapagod mo lang ang sarili mo dahil sa akin, dahil sa gusto ko. Samantalang, hindi mo naman ito gusto. I don't deserve that sacrifice. Y-you don't deserve me..."

"Hindi kita maintindihan, Yaminah. Ipaliwanag mo nang mas maayos ang lahat ng ito sa akin."

Bumuntong-hininga si Yaminah. "You've been set-up two years ago, Rashid. Tama ka. You were drugged."

"You investigated? Paano mo nalaman ang lahat ng ito?"

"I met that girl who is with you in that picture. At ang pinakamasaklap, si Tariq ang mastermind ng lahat. She was in contact with that girl. She was his lover. At dahil baliw na baliw sa kanya ang babae na iyon, ginawa nito ang lahat ng inutos ni Tariq. Inutusan niya ang babae na sirain ang relasyon natin.

"You were set-up. Alam ni Tariq na vulnerable ka ng panahon na iyon. So humanap siya ng paraan para masira ka sa akin. He used that blonde girl. Hindi alam ng babaeng iyon ang dahilan kung bakit pinaggawa iyon ni Tariq sa kanya. Pero dahil sa ipinagtapat niya sa akin nitong nakaraan ay alam ko na ang dahilan. He was mad about our relationship. M-mahal pala niya ako noon pa lang."

Napatiim-bagang si Rashid. "I was right all along to feel bad to that guy..."

Umiyak si Yaminah. "Kaya pala siya mismo ang nagpakita sa akin ng mga larawan. Kaya masaya pa ang aura niya kaysa sa nahihirapan dahil alam niya na masasaktan ako..."

Masakit rin ang kalooban ni Rashid. Sinira silang dalawa ng isang selfish na tao. Bukod pa roon ay may isang inosenteng buhay na nawala. Pero mas bumigat ang kalooban niya sa pag-iyak ng asawa.

"Ang tanga-tanga ko. Pagkatapos ng mga nangyari, siya pa ang kinampihan ko. Sa kanya ako palaging lumalapit. Samantalang siya pala ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. I'm sorry. I'm really sorry, Rashid. I was blinded by the hurt. Nagkamali ako. Hindi ako nagtiwala sa 'yo..."

Niyakap ni Rashid ang asawa. He kissed her tears. "Hush, hush. Naiintindihan ko ang lahat."

"How could you? Nagalit ako sa 'yo. Hindi ko pinansin ang lahat ng paliwanag mo. I even blame you for the lost of our baby. Napakasama kong tao..."

"Understanding is a big part of love, Yaminah. Mahal kita kaya naiintindihan ko ang lahat ng iyon. Isa pa, nabulag ka lang ng galit sa akin. Yes, nawalan ka ng tiwala sa akin. Pero may dahilan naman iyon. The circumstances ruin us. Hindi mo naman ginusto ang lahat ng iyon."

"But I can't even understand myself. I feel so guilty. Hindi ako nararapat para sa 'yo. I hated you. Pero ito ka, nagsakripisyo pa para sa akin. Tinanggap mo ako at---"

"Love is sacrifice, habibti."

Tumawa si Yaminah kahit umiiyak pa rin. "Paano mo ako naggawang mahalin samantalang sinaktan rin kita?"

Nagkibit-balikat si Rashid. "Kapareho lang iyon kung paano mo ako minahal gayong ang alam mo ay kagaya ako ng mga kapatid kong playboy. Minahal at tinanggap mo ako noon sa kabila ng imperfection ko. Let's just say na ibinabalik ko lang rin ang ganoong klase ng pagmamahal."

"Lalo mo akong ginagawang guilty," Humikbi si Yaminah. "Bakit ang bait mo pa rin sa akin sa kabila ng lahat?"

Niyakap niya si Rashid. "Dahil mahal kita. Mahal na mahal kita, Yaminah. At ayokong magalit. Ano ba ang gagawin noon sa atin? Paglalayuin lang tayo ng galit. And I have enough of that. So please don't force me to hate you. All I know and could do is to love you..."

Lalong napaiyak si Yaminah. His words melted her heart. "Sa loob ng dalawang taon ay nilayuan kita. Sa buong buhay ko, ibinigay ang lahat sa akin. Pero ang lalaking tanging minahal ko ay hindi ibinigay ng buong-buo ang sarili niya. Napakasakit noon. Sinaktan mo ako. Bakit pa kita i-entertain? Bakit pa kita mamahalin? Once should be enough. Pero ang pinakadahilan ay dahil natatakot ako na baka kapag napalapit pa ako sa 'yo, manalo na naman ang puso ko. And it did..."

Hinalikan ni Rashid sa ulo si Yaminah. "And I'm glad it still did."

Tumingala si Yaminah. "I still love you, Rashid. Pinipilit kong itanggi. Pinipilit kong huwag ipahalata. But my heart wouldn't hear so..."

"And I love you so, habibti..." wika ni Rashid at kinuha ang ulo ni Yaminah. Inilapit niya ang labi niya sa labi nito. Hinalikan niya ito.. Slowly, she felt her kissed him back. It's the most wonderful feeling.

Rashid felt so much alive.

"I love you. I'm so sorry again..." Inilagay ni Yaminah ang ulo nito sa dibdib niya. "Nawalan ako ng tiwala sa 'yo. Kahit ang mga sinasabi mo nitong nakaraan ay hindi ko na rin pinagkakatiwalaan. Natakot ako. Mas pinaniwalaan ko ang sinabi ng Papa mo."

"Anong sinabi ni Papa?"

Ikinuwento ni Yaminah ang pag-uusap nito at ng Papa niya. Kunot na kunot ang noo niya. "That's so not me. Pinakasalan kita dahil mahal kita, Yaminah. Damn the crown and the title. Alam mo na hindi ko naman talaga gusto ang ganitong pamumuhay. I just want a simple life..."

"I know. Gusto ko naman talaga na paniwalaan ka. Pero natakot lang talaga ako na sumunod sa puso ko kaya mas naniwala ako sa kanila. Dalawang beses na kitang nahuli na niloloko---"

"Stop. Kahit kailan ay hindi kita niloko. May paliwanag ako sa parehong sitwasyon na iyon. Pinaniwalaan mo ang una 'di ba? I'm not really a playboy. Nadadawit lang ako sa mga kapatid ko. And all those years that we are married, ikaw lang rin ang babaeng nasa puso ko. Kahit itanong mo pa sa kanila."

"Oh, Rashid. I'm so sorry."

"I love you, Yaminah. And you should know that love is not just about trust. It's also forgiving. It endures all pain. Let's just take everything as a lesson now and everything will be all right."

Ngumiti si Yaminah. "Tama ka. Magiging maayos rin ang lahat. We will also convince and win the hearts of the council again tomorrow."

"Now you're starting. Salamat sa pagtitiwala sa akin."

"Oh, thank you for the second chance, habibi..."

Ngumiti si Rashid. Hindi na kailangan na magpasalamat sa kanya ni Yaminah. He gladly will take and love her over and over again.

Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon