"YOU have a very fast and good recovery, Mr. Samara. Kapag nagpatuloy na maayos ang lagay mo hanggang bukas ng umaga ay puwede ka ng makalabas," wika ng Doctor ni Rashid.
Tumango-tango si Rashid. "Salamat po, Doc."
"Walang anuman. Nang una kang dalhin rito, akala ko ay magtatagal ka. You looked so bad. Pero iba talaga ang epekto ng kisspirin at yakapsul 'no?" Tumingin pa ang Doctor kay Yaminah saka ngumiti.
Namula si Yaminah at natawa naman si Rashid sa joke ng Doctor. "Presence pa lang ng babaeng ito, sapat na para gumaling ako, Doc."
"That's good. Let's just meet tomorrow then. Have a nice day, Mr. Samara," wika ng Doctor saka nagpaalam na.
Nakahinga nang maluwag si Yaminah nang makaalis ang Doctor. Pero nawala rin ang relief na nararamdaman niya nang makitang parang nalungkot si Rashid. Hindi ba ito masaya na ngayon ay maayos at makakalabas na ito ng ospital?
Naging mabilis ang pagbaba ng temperatura sa katawan ni Rashid. Halos hindi na ito nilalagnat kagabi. Maayos na nakakatayo at nakakapaglakad na rin ito---mga bagay na hindi nito naggawa bago ito dalhin sa ospital.
"May problema ba? May masakit ba sa 'yo?"
Umiling si Rashid. "Napaisip lang ako..."
"Puwede ko bang malaman kung ano?"
Sinalubong ni Rashid ang tingin ni Yaminah. "Bukas ay puwede na akong makalabas. Wala na akong sakit. Hindi na ako dapat alagaan. I just felt bad that I wouldn't feel again how to be cared by you."
Malungkot ang boses ni Rashid. Naawa naman si Yaminah. Napalunok siya. "Alam mo naman ang sitwasyon natin."
"Inisip ko na magiging maayos tayo simula nang lumapit ka sa akin nang gabing iyon, Yaminah."
Naglihis ng tingin si Yaminah. Mabilis na pumasok sa isip niya ang sinasabi nitong "gabi". "Lasing ako noon. Wala ako sa tamang pag-iisip."
"But something's telling me that it's not just that. Nagustuhan mo iyon."
"'Wag na nating pag-usapan iyon. N-nakaraan na iyon," bumuntong-hininga si Yaminah. "Alas tres na. Baka nagugutom ka na. Magpapabili ako ng snack—"
Pinigilan ng paghawak ng kamay ni Rashid ang pagsasalita ni Yaminah. Kumunot ang noo niya.
"Isa lang naman talaga ang gusto kong kainin, eh..." Ngayon ay nakangiti na si Rashid, partikular na nakatingin ang mga mata nito sa labi niya.
Nagsunod-sunod ang paglunok ni Yaminah. Lumakas rin ang tibok ng puso niya at nag-init ang kanyang mga pisngi. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Rashid.
"Tumigil ka nga!" Saway niya rito nang nahihirapan na siyang hawakan ang sitwasyon. His gaze makes her environment hot.
"Hmmm..." wika ni Rashid at inabot ang baywang niya. Dahil nagulat, na-out of balance siya. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama ni Rashid. Kaya ang resulta ay nag-land siya sa katawan ng lalaki.
"Rashid, ano ba---" Tuluyan ng nawalan ng boses si Yaminah nang sa halip na tulungan siya ay ipinulupot pa ng lalaki ang kamay nito sa katawan niya. Halos niyayakap na siya nito.
"Ssshh...Sabi ng Doctor, maganda daw ang epekto ng yakapsul at kisspirin. Kapag tuluyan akong naging maayos bukas, makakalabas na ako. Gusto mo iyon 'di ba? Kaya kailangan natin na makasigurado. Kailangan ko ng mga sinabing iyon ng Doctor. I need you in my arms. Close...and willing..."
Napapikit si Yaminah. Rashid is the enemy. Galit siya rito. Para sa kanya, ito ang sumira ng akala niya ay perpektong buhay na niya. Kaya dapat ay hindi niya pinagbibigyan ito ngayon. In the first place, hindi rin dapat siya nagpunta sa Pilipinas para rito.
Pero nag-aalala siya. Aminado na siya sa sarili niya na pinapahalagahan pa rin niya si Rashid. Ganoon pa man, kinukumbinsi na lang niya ang sarili niya na hindi naman talaga nawawala ang pagmamahal.
Once you loved someone, you never stop loving them. It maybe not as intense as before, but it never stops, minsan na narinig ni Yaminah ang kataga na iyon.
Pero ang malaking tanong, hindi na nga ba iyon kasing tindi ng pagmamahal niya kay Rashid noon? Dapat ay hindi na. Pero bakit madali lang niyang nare-recognize na kapareho ng nararamdaman niya roon kay Rashid ang nararamdaman niya rito ngayon? Her heart hammered, her skin felt like burning and butterflies are playing all over her stomach...
"I missed you, habibti. I missed us so much..." Mararamdaman ang longing sa boses ni Rashid.
Parang may mainit na kamay naman na humaplos sa puso ni Yaminah. Her heart melted. At hindi rin niya maggawang pigilan ang masayang nararamdaman. May takot sa puso niya pero naroroon pa rin ang saya.
I missed you so much, too. Kung hindi mo lang ako sinaktan. Kung hindi lang nawala ang anak natin, wala sanang pumipigil sa akin para sabihin sa 'yo ang mga salitang ito.
Bahagyang ini-angat ni Rashid ang mukha niya. Nagkasalubong ang mga mata nila. Doon lalong natunaw ang puso ni Yaminah. His eyes felt like it was full of love. Ganoon ang nakikita niya sa mga mata nito sa tuwing sinasabihan siya nito na mahal siya nito.
Matagal-tagal silang nagtitigan ni Rashid. Walang kahit sinong kumukurap. Pero unang sumuko ang lalaki. Gumalaw ito...para ilapat ang labi nito sa labi niya.
Yaminah's heart was moving in a rush, but lovely beat. Isang pakiramdam na gustong-gusto niya at sana ay palaging nararamdaman.
Parang tumigil ang mundo ni Yaminah sa halik ni Rashid. Pakiramdam niya ay siya at si Rashid lang ang nasa mundo. Pero sana nga ay ganoon ang sitwasyon. Silang dalawa lang ni Rashid at walang nakaraan na pumapagitan sa kanila.
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomanceIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...