Kabanata 1
LUNCH break ay namamahinga ako matapos kong kumain. Nakaramdam ako ngayon ng antok dahil na rin sa puyat at pagod ko kagabi. Isabay pa ang pananakit ng balakang ko kaya agad din akong napagod.
"Nicole.. Nicole.."
Napadilat ako at napaayos ako ng upo ng makita ko si Jane na katrabaho ko.
"Bakit?"
"Pumunta ka daw sa private pool sabi ni Mam Ayessa. Dalhan mo raw si Sir Jace ng towel at robe."
Tila ako nagising sa sinabi niya. Napatayo ako at napabukas-sara ang bibig ko dahil ibig kong umayaw ngunit napatingin ako sa kamay ko ng ilagay ni Jane doon ang towel at robe.
"Ako talaga ang inuutasan, pero kasi kinakabag ako. Please, ikaw na lang magdala, ha? Sige. Salamat."
Nakahawak siya sa tiyan niya na mabilis umalis. Hindi naman ako mapakali dahil hindi ko pa handa na makaharap muli si Sir Jace. Pero wala na akong choice dahil kundi baka masisante pa ako.
Napahinga ako ng malalim at lumakad na habang dala ang towel at robe na tuping-tupi. Habang palapit na palapit na ako sa private pool area ay pakabog na pakabog naman ang dibdib ko sa kaba.
Lumunok ako at napahinto sa golden door kung saan may nakasulat sa pinto na private pool.
Pinakalma ko ang sarili kahit nanginginig na ang buong katawan ko. Hindi ko alam pero takot na akong makaharap siya lalo't sobrang sungit pala niya.
"Nicole, anong ginagawa mo d'yan?"
Napalingon ako kay Sir Louie at bigla akong nahiya dahil nakita pa niya na para akong tanga na nakatunganga sa pinto habang hindi mapakali.
"A-Ah, papasok po sa private pool."
Ngumiti ito at lihim akong napangiti dahil ang gwapo din nitong si Sir Louie. Kapatid niya 'yung si Ma'am Hera na asawa ni Sir Jam.
Tumingin siya sa pinto at pinagbuksan pa ako na lalo kong kinahiya.
"Pumasok ka na at baka hinihintay na ni Jace iyan."
"S-Sige po."
Tumango siya at ngumiti na naman kaya nahiyang tumugon ako ng ngiti rito. Tumingin muli ito sa hawak niyang record files at umalis na sa tabi ko. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa mawala siya ng lumiko siya sa hallway.
Tumingin ako sa pinto na nakabukas na at lumunok muna ako ng maraming beses bago humakbang. Dahan-dahan akong pumasok at maingat ko ring sinara ang pinto ng makapasok ako.
Tumingin ako sa paligid at isang pang-olympic pool agad ang bumungad sa akin. May mga sun-lounger din sa paligid at mga halaman na nakapaso.
Lumakad ako habang tinitignan sa pool kung nasaang parte si Sir Jace. Hindi ko siya matanaw dahil nga malaki ang pool.
Kung iwan ko na lang kaya rito ito para hindi na kami magkaharap? Pero baka ako ang mapagalitan kung hindi ko gagawin ng maayos ang trabaho ko.
"Sir Jace.." mahinang tawag ko.
Wala pa ring umaahon kaya lumakad pa ako. Nang makita ko ito na lumalangoy na patungo sa hagdan ng pool ay bumuga muna ako ng hangin bago nagmadaling lumapit sa hagdang tinutungo niya.
Huminto ako at kasabay ng paghinto ko ay pag-ahon nito kaya tumalsik ang tubig at napapikit ako dahil tumalsik sa mukha ko ang tubig.
Dumilat ako at lumabo ang salamin ko dahil may ilang patak ng tubig doon. Hinubad ko ang salamin ko para punasan ang salamin nito at agad ko ring sinuot habang pinupunasan ko ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...