Kabanata 25

38.5K 901 146
                                    

Kabanata 25

Narito kaming lahat sa hapagkainan kasama ang kumupkop kay John maging si Inspector June. Tahimik ang mga anak ko at tila mga ilang pa kay John at sa ibang taong narito.

"Kumain na tayo." sabi ko.

Katabi ni Jace sa kabilang side nya si John habang nasa kabila nya ako. Katabi ko naman ang apat na bata at sa dulo ay sila Inspector June at ang naging parents ni John. Na si Aling Lilibeth at Mang Kano.

Nagsikainan naman na sila kaya pinaglagyan ko si Quinn ng pagkain.

"Excuse me po, pero itatanong ko lang po kung bakit naririto si Louis, Mama?"

Napatingin ako kay John ng itanong nya iyon. Ngumiti ako rito at tumingin kay Louis na napahinto sa pagkain at napatingin kay John.

"Simula kasi ngayon ay dito na rin titira si Louis, John."

"Po? Anak nyo rin po sya?" tanong nya tila ba gulat.

Umiling ako.

"Hindi, pero simula ngayon ay tinuturing ko na rin syang anak. Mabait na bata si Louis at mag-isa nalang sya simula ng iwan sya ng Mama nya. Kaya kinupkop ko na rin sya."

Tumango si John at tumingin kay Louis. Napatingin naman ako kay Inspector June na tumikhim at tumayo.

"Paumanhin, Mr. Esteban, Madamé, kailangan ko nga palang pumunta sa agency ko, mauuna na ho ako." paalam nito.

"Huh? Pero hindi mo pa masyadong nagagalaw ang pagkain mo." nagtataka ako dahil agad-agad syang magpapaalam.

"Okay. Expect my payment later to your bank account, Inspector June."

Tumayo si Jace kaya tumango si Inspector June bago saglit na yumuko. Napatingin naman ako sa mag-asawang Aling Lilibeth at Mang kano ng tumayo rin ang mga ito.

"Kami man, Mr. Esteban at Madamé. Gabi na rin masyado at malayo pa ang uuwian namin. Salamat at hahayaan nyo parin kami na madalaw si John. Pasensya na rin sa nagawa namin kung bakit hindi agad namin naibalik sa inyo si John." sabi ni Aling Lilibeth.

"It's okay. Pero pwede naman mamaya pa kayo umuwi at ipapahatid ko nalang kayo sa driver ko." sabi ni Jace.

"Ayos lang, Mr. Esteban. Isasabay ko na sila Mr. Rivero pauwi." sabi ni Inspector June.

Wala na rin nagawa si Jace kaya pinahatid nya kay Mico sila Inspector June palabas. Nagpatuloy naman ang pagkain namin at medyo maluwag-luwag na ang paligid sa pag-alis nila Inspector June.

"John, kain lang ng kain." sabi ko.

"Honey, it's Tiago.." pagtatama sa akin ni Jace.

"Oo nga, pero baka kasi hindi sanay ang bata."

"Kahit na.. From now on you need to call him Tiago because he's our long lost son."

Napatango ako at tumingin kay Tiago.

"Wag na po kayong magtalo. Ayos lang po kung saang komportableng pangalan nyo ako tatawagin."

Ngumiti naman ako rito dahil tila mabait na bata ito. Tila mabuti ang pagpapalaki nila Aling Lilibeth kay Tiago.

"Sige, kain pa ng kain at mamaya ay ipapakita ko sa'yo ang magiging room mo."

Ngumiti ito at tumango. Marami syang pagkain na nakalagay sa plato at kung makakain ay tila gutom na gutom. Nakakatuwa naman pala at malakas syang kumain.

"Mum, I'm going to bed na. I'm full." paalam ni Mirasol.

Napatingin naman ako rito ng tumayo na ito tila walang gana.

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon