Wakas

101K 2.2K 388
                                    

Wakas ====> ❤

                          J|A|C|E

Hammer and Edward knows that Nicole is my first love. I was thirteen years old that time when my heart beat so fast. Isa na kaming first years high school boy nila Hammer and Ed noon na puro kalokohan. Sinama kami nila Dad and Mom sa Jara dahil anniversary ng Jara that time.

"Jace, look. Chicks." binangga ni Ed ang balikat ko habang nakaupo kami sa high chair ng pinakabar ng set-up ng party.

Tinignan ko ang sinabi nya at nakita ko ang sinasabi nyang chicks. Yung babaeng anak ng bisita nila Dad na kanina pa nagpapacute. Playboy si Ed kaya makakita lang ng malaking boobs papatulan na nya.

"Tss. Not my type." ani ko at inakbayan sya habang tumitingin sa paligid ang mga mata ko.

Bigla akong natigilan habang nakatingin sa entrance ng function hall kung saan naroon ang bawat employee ng hotel. Ngumiti ito at akala ko ako ang nginingitian nya habang lumalakad palapit sa gawi ko. Napatigil pa ang mundo ko habang para akong hindi makahinga sa sobrang kabog ng dibdib ko kaya niluwagan ko ang kurbata kong suot.

S-She's smiling at me, right?

"Hey, what's wrong, Bro?" siko sa akin ni Ed ng maramdaman nya na tensyonado ako.

Ngunit hindi ko ito pinansin dahil tila ako natulala sa babaeng lagpas hanggang sahig ang saya at wala kang makitang balat sa kanya bukod sa mukha, leeg, at kamay. At may apat syang mga mata. I mean dahil sa laki ng eye glasses nya ay halos mag apat na ang mga mata nya. At ang buhok ay wala man lang katikas-tikas ni isang hibla.

"Musta, bessy. Mabuti't nakarating ka." rinig kong sabi ng isang babaeng employee sa babaeng hindi ko kilala.

Nawala ang hibang ko ng malaman ko na hindi pala ako ang nginingitian nito.

"Ed, tila may isa rito na tinamaan." sabi ni Hammer habang nakangisi.

"Tss." asik ko dahil kinakantyawan ako ng dalawa tila nakita ang pagkapahiya ng reaksyon ko.

"I know. Damn Bro, ayos din ng natipuhan mo, pwede na. Sexy naman at maganda." sabi ni Ed.

Ngumisi lang ako dahil mali silang dalawa sa hinala. Napahawak ako sa labi ko habang sinusundan ng tingin ang babaeng maria clara.

I need to know who's that girl. I don't know why but I can't stop thinking of her. Kaya naman mula ng anniversary ng Jara ay palagi akong pumupunta ng Jara para mag baka sakali na makita ang babaeng maria clara.

"Good morning, Sir, what can I do for you?" bati ng babaeng huli kong nakitang kausap ni maria clara.

Tumikhim ako at sinenyasan ko ito na sumunod. Nagtungo ako sa bakanteng room at naupo sa recliner chair bago ko itaas ang mga paa ko sa lamesang naroon sa harap ng recliner chair.

"Tell me her name." sabi ko.

Naguluhan ang reaksyon nito, "Sino pong tinutukoy nyo?"

Napatikhim ako para kunwari ay inis ako na kinayuko nito. Napaisip ako ng sasabihin para hindi maghinala ito.

*ahem* "May nakita ka bang parang manang manamit sa party nung nakaraan?"

Nag-angat ito ng tingin at napaisip. Pero agad nagliwanag ang mukha nito tila ba naisip na nya ang tinatanong ko.

"Ah, opo... Bakit nyo po tinatanong?"

Tsss.. Daming tanong.

"It's none of your business. Tell me her name. She needs to pay me back."

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon