Kabanata 18
Umiiyak ako habang inaalalayan ako ng bagong kasambahay patungo sa hapagkainan. Nakaukit parin sa isip ko ang sunog na katawan ni Tiago. Galit na galit ako kay Jace. Hindi ko sya mapapatawad!
"Mam, tahan na po.. Baka mapagalitan ako ni Sir."
Inalalayan nya ako sa pag-upo sa upuan ngunit hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak.
"Wala na ang anak ko.. Pinatay sya ni Jace.."
"Sshh.. Kain na po kayo. Masarap po ito."
Umiling ako ng marahas.
"Ayoko!"
"Sige na, Mam. Baka mapano ang baby na pinagbubuntis nyo kung hindi kayo kakain."
Natigilan ako sa sinabi nya.
"B-Baby?"
Tumingin ako sa kasambahay. Ngumiti sya at tumango. Pero napaiyak muli ako ng maalala si Tiago.
"Iwan mo muna kami, Marie."
Iyak ako ng iyak hanggang may maramdaman akong maupo sa tabi ko. Nang mapatingin ako rito ay agad na umakyat ang galit ko.
"Pinatay mo si Tiago! Ayokong makita ka!"
Hinampas ko si Jace habang iyak ako ng iyak. Pinigil nya ako at hinawakan sa mukha.
"Sshh, stop crying now, Honey. I have a surprise for you."
Pinunasan nya ang luha ko.
"S-Surprise? Anong surprise?"
Ngumiti sya at binitawan ang mukha ko. May kinuha sya sa sahig na paper bag at tinaas nya iyon.
"After you see this tiyak akong hindi ka na magagalit sa akin."
Napatigil naman ako sa pag-iyak at napahikbi na napatingin sa paper bag. Tumingin ako sa kanya at ngumiti sya sa akin bago ilabas ang surpresa nya.
"A-Ang anak natin!"
Napamaang ako at agad na kinuha sa kanya si Tiago. Niyakap ko si Tiago at hinaplos ang mukha nito..
"Are you still mad at me?"
Tumingin ako kay Jace at umiling bago napaiyak muli sa saya dahil buhay pa ang baby namin. Tumayo ako at agad na niyakap ko si Jace.
"Hindi na ako galit. Hindi mo pala pinatay ang baby natin."
Pinaupo nya ako sa kandungan nya at hinaplos ang likod ko habang nakayakap ako sa kanya.
"Of course.. Why I do that to our son? Hindi natin anak iyon, okay?"
Bumitaw ako sa kanya ng yakap at tinignan ko si Tiago. Napangiti ako at niyakap muli si Tiago. Hinele ko ito at hinaplos ang mukha nya.
"Eat your food now, Honey."
Umiling ako habang panay ang haplos ko sa mukha ni Tiago. Ang bango-bango ng anak ko. Hindi na sya madungis. Napakalinis nya at bago na rin ang suot nya.
"Honey, eat this."
Napatingin ako kay Jace at nais nya akong subuan. Napahinga ako ng malalim at dahil binalik nya si Tiago ay susunod na ako sa kanya.
"You need to eat this. Paano mo aalagaan ang magiging anak natin? Gusto mo bang magutom ang baby natin?"
Umiling ako kaya ngumiti sya at inuma sa bibig ko ang kutsarang may lamang kanin at ulam. Sinubo ko iyon at muli kong tinignan si Tiago. Nakangiti si Tiago sa akin kaya napangiti ako dahil tila sinasabi nya na ayos na kumain ako.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...