Kabanata 8
NAKARINIG ako ng mga boses na para bang nasa malapit ko. Ang alam ko ay natutulog ako kaya bakit may mga boses? Dahan-dahan akong dumilat at liwanag agad ang bumungad sa akin kaya pumikit muli ako at napakusot ng mata. Bumangon ako at kinapa ko ang salamin ko sa side table.
Nang masuot ko ay tinignan ko ang nasa paligid ko at nagulat ako ng makitang napalibot sa akin ang mga kapatid ni Jace.
"A-Anong.."
"Hi, Nicole!"
Napatingin ako kay Nana na nakasampa sa paanan ng kama at lumapit siya sa akin. Bigla niya akong dinamba ng yakap kaya napangiti ako ngunit naguguluhan ako kung bakit naririto sila?
"Wala rito ang tukmol. Kaya nakabisita kami ngayon."
Napatingin ako sa maputing kakambal ni Jace--Si Edward.
"Nicole, I'm so excited to see my nephew."
Tumingin ako kay Nana at hinaplos ko ang buhok nito pero tumingin muli ako sa mga nakakatanda niyang kapatid.
"A-Anong kailangan n'yo sa akin?"
Napatingin ako sa dalawang babaeng kambal. Ang isang ay tila mahiyain na mahinhin at ang isa ay tila siga pero chic. Ang ganda nila.
"You know what, you need to change your style." sabi ng mukhang chic at maangas na babaeng kambal.
"Anong ibig mong sabihin?"
Ngumisi ito at pumitik. Napakuno't noo ako at tumingin ako sa mga nagpasukang kasambahay.
"Lahat ng baduy niyang outfit ay itapon n'yo. At ipalitan n'yo ng dala naming mga bago niyang isusuot."
Naguluhan ako lalo na ng magtanguan ang mga kasambahay at lalo na ng magsilapitan ang mga ito sa closet na pinaglalagyan ng damit ko rito. Binuksan nila ang closet ko at lahat ng damit kong inayos ko pa ng pagkaka-hanger at tiklop ay pinagtatanggal nila.
Kaya agad akong bumaba ng kama at lalapit na sana ako sa mga kasambahay para pigilan ang mga ito, ngunit napatingin ako sa dalawang kakambal ni Jace na lumapit sa akin.
"Just relax, sister in law. Ang kailangan lang naman namin ay makita ang reaksyon ni Jace oras na makita ang pagbabago mo."
"P-Pero 'wag ang mga damit ko.. Anong gagawin n'yo sa mga damit ko?"
Ngumisi ang mga ito at namula naman ako ng gitgitin ako ng mga ito.
"You two are so maniac. Leave Nicole to Kuya Jace."
Napatingin ako kay Nana ng hilahin ako paalis sa dalawa niyang Kuya.
"Tsk. Bakit ba sinama pa natin 'tong si Pandak? Panira lang 'to sa plano." sabi ni Edward.
"You know, Brothers, we don't have a choice. She's the apple of us. So, she's the boss."
Napatingin ako sa Chic ng sabihin niya iyon. Ngumiti at nag-thumbs up lang sa akin ang isang kakambal ng chic na hindi naman nagsasalita.
Nahiyang nginitian ko ito pabalik at tumingin muli ako sa mga kasambahay na kinukuha ang mga damit ko.
"'Wag ang mga damit ko, please. Importante sa akin ang mga iyan dahil gawa mismo ng Inay ko 'yan."
Napatingin ako sa magkakapatid at nagkatinginan sila. Sabay-sabay silang nagbuntong-hininga.
"Okay. Hindi namin itatapon ang mga damit mo, ipapatago na lang muna namin. Pero hindi mo isusuot ang mga iyan muli. Tsk, you need to pay me back, Harvy."
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...