Kabanata 22
Hindi ko mapigilan na isipin ang batang si Louis. Napapangiti ako kapag naalala ko kung gaano sya kabait na bata at ang sweet pa. Mula ng araw na makita ko muli ito ay hinihiling ko na sana ay magkita muli kami. Pakiramdam ko kasi ay ang lapit-lapit ng loob ko rito ng walang dahilan.
Dapat ay bakasyon lang kami rito at babalik na rin sa london. Si Jace ay kailangan na bumalik rin palagi rito dahil nga sya na muli ang mag-aasikaso ng JaRa, ngunit ayaw ni Mirasol na bumalik pa ng London. Dumito nalang daw kami at ewan ko kung ano ang dahilan ng batang iyon pero nagpapasalamat ako at napapayag nito si Jace. Gusto ko rin na dumito nalang. At least rito ay maraming kakilala at malaya na magagawa ang gusto. Doon naman sa london ay medyo mahigpit ang batas kaya medyo limitado rin pero nagagawa din naman ang mga gusto namin pero iba talaga rito sa pilipinas.
Bitbit ang kape na tinimpla ko ay dinala ko ito sa dinning table kung nasaan sila Jace na kumakain na ng agahang niluto ko. Nilapag ko sa harap ni Jace ang kape na pinapatimpla nya bago ako naupo sa tabi nito.
"Jace, malelate ka ba ng uwi?" tanong ko at pinaglagay si Quinn ng ulam pa.
"I don't know.. Why?"
Tumingin ako kay Jace at ngumiti.
"Balak kong magluto. Kaso baka gabihin ka naman, baka masayang lang ang lulutuin ko."
Ngumiti sya at binaba ang tasa ng kape sa saucer matapos nyang humigop.
"Okay, uuwi ako ng maaga.."
Lalo naman akong napangiti. Tumingin naman ako sa mga bata na nakasuot ng uniform nila dahil sa Esteban high na magsisipagpatuloy ng pag-aaral si Mirasol at Hercules. Madali lamang na-proseso ang pag-transfer nila kaya ngayon ang first day nila sa Esteban high.
"Kayo rin ay umuwi ng maaga. Wala ng alkwatsa, Miracle Solita." sabi ko at kay Mirasol talaga ako tumutok dahil lately ay napapadalas ang labas nya para manood ng race ng motor ng idol daw nya na hindi ko pa naman nakikita. Sinasamahan naman ito ni Hercules dahil hindi naman pwede na umalis ito ng walang kasama.
"Yeah, Mum." ngiting-ngiting tugon ni Mirasol na kinailing ko.
"Mum, I have five star yesterday here in my hand.. Did you saw it? I forgot to tell you." ani naman ni Quinn na pagdating sa eskwela ay agad na nakatulog kaya pasimple kong pinunasan ang katawan nya at pinalitan ang damit nya.
"Oh, really? Bakit wala naman akong nakita?" pagkakaila ko.
Binura ko na kasi ngunit kinuhanan ko para souvenir. Napangiti ako ng malungkot ito.
"I know I have five stars in my hand before I go to bed." aniya.
Agad na hinaplos ko ang buhok nya at hinalikan ang pisngi nya.
"I'm joking, Baby. Of course I saw it. Wait."
Napatingin sya sa akin kaya kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng apron na suot ko at nang makuha ay agad kong binuksan para hanapin ang picture. Nang makita ko ay pinakita ko sa kanya na kinangiti nya.
"You saw it!" masayang sabi nya kaya tumango ako at ngumiti.
Agad na yumakap sya sa akin kaya natawa na niyakap ko ito pabalik.
"Binibiro lang kita na hindi ko nakita.."
Bumitaw sya ng yakap at napangiti.
"Don't do that again, Mum. I taught I'm just dreaming that I have five stars." aniya na kinatawa namin.
"Ikaw talaga. Kapag talagang inaantok ka ay makakalimutin ka na. Matulog ka na agad ng maaga pag-uwi sa school ng hindi na ganyang inaantok ka palagi."
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...