Kabanata 6
HINDI ito ang pinangarap ko. Kahit naman noon ay hindi ko na pinangarap na makasal basta magkaanak lang. Pero minsan din naman ay nangangarap ako na ikasal din sa nais kong tema ng kasal.
Mahigpit akong nakahawak sa bulaklak habang nakikita ko ang isang office ng judge. Ngayon ay kinakasal na kami ni Sir Jace na sapilitang dinala rito. Kabadong-kabado ako dahil ramdam ko ang galit niya habang nasa tabi ko siya at habang nagsasalita ang judge.
Naririto ang buo niyang pamilya ngunit ni isa sa pamilya ko ay wala. Hindi pumunta rito sila Inay dahil nagagalit sila sa akin sa ginawa ko. Sobra akong nalulungkot dahil mula ng malaman nila Inay na magpapakasal ako ay hindi na nila ako pinansin. At umiyak talaga ako ng ipasama na nila ako kela Sir Jam. Para nila akong pinabigay dahil lamang nagagalit sila sa ginawa ko. Nauunawaan ko iyon ngunit masakit pala na pagtabuyan ka ng pamilya mo.
Suot ko ang puting-puting dress na mahaba at ang manggas ay abot hanggang sa kamay ko. Mayroon ring nag-ayos sa akin na kinuha pa ng mga Esteban para pagandahin ako na tingin ko ay hindi naman nangyari. Naka-contact lens din ako kaya naiilang ako na walang suot na salamin. At ngayon lamang nalugay ang buhok ko na hindi ko rin nakasanayan.
"I now pronounce you husband and wife. Congratulations!"
Pumalakpak ang pamilya ni Sir Jace pero wala naman kaming imik pareho. Pasimpleng tumingin ako kay Sir Jace ng papirmahan siya at kita ko na sobrang diin ng hawak niya sa ballpen at sobrang diin niyang pumirma.
Napayuko ako ng matapos ito. Kumakantyaw ang pamilya niya ng kiss kaya hindi ko alam ang gagawin.
Nabigla ako ng hapitin nyia ako sa bewang kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero sobra akong natatakot sa nakikita kong galit sa mata niya.
Lumapit ang mukha niya at napalunok ako. Lumihis ang mukha niya at lumapit ang bibig niya sa tenga ko.
"I'll make sure that you will regret this. Gusto mong matali sa akin, pwes, pagbibigyan kita. 'Wag kang magtataka kung gawin kong impyerno ang buhay mo, dahil ginusto mo 'to."
Natigalgal ako sa sinabi niya. Tinulak ko siya ng mahina para makalayo sa akin. Ngumisi ito kaya napayuko ako at napahigpit lalo ang hawak ko sa bulaklak.
Matapos ang kasal ay nag-aaya ng advance dinner ang pamilya inya, pero hindi sumang-ayon si Sir Jace doon.
"We have to go. Let's go."
Nabigla ako ng haklitin niya ang braso ko at hinila ako palabas ng office ng judge. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko kaya nasasaktan ako.
"N-Nasasaktan ako.."
Hindi niya ako pinansin at dere-deretso siya sa paglalakad habang hatak-hatak ako. Pagdating sa isang kotseng itim ay pinagbuksan kami ng bodyguard niya.
"Get in."
Hindi na ako nakaapela dahil nakakakaba ang tingin niya. Nang makasakay ako ay sumunod siya. Galit niyang inalis ang butones ng coat niya at deretso lang ang tingin niya sa harapan.
Agad na pinaandar paalis ng driver ang sasakyan at sobrang tahimik ng byahe dahil wala ni isa sa amin ang nagsalita. Hindi ko kayang tangkain dahil parang kapag nagsasalita ako ay mauutal lamang ako.
Pagdating sa bahay kung saan niya ako pinadala nung kinadpin ako ng mga bodyguard niya ay bumaba na siya ng sasakyan pagkahinto pa lang sa harap ng bahay.
Tinignan ko si Jace mula rito sa sasakyan. Dere-deretso siyang lumakad papasok na walang pakialam sa akin.
May pagka-immature pa siya dahil twenty-two years old pa lang naman siya kumpara sa akin. At alam ko na kasalanan ko kung bakit siya ganyan, dahil itinali siya sa akin na katulad kong maedad na para sa kanya, pangit pa, at walang maipagmamalaki. Kumpara sa kanya na kahit bata pa ay gwapo, mayaman, at may nobyang kayang ipagmalaki sa iba.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
Ficción GeneralNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...