Kabanata 17

44.5K 1K 327
                                    

Kabanata 17

Tulala ako sa apat na sulok na kwarto kung saan ako inuwi ni Jace. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng ma-ospital ako at mawala si Baby Tiago. Palagi akong umiiyak at hindi ko mapigilan na isipin kung nasaan na ang anak ko.

Palaging may bumubulong sa isip ko na umiiyak sya at gutom na gutom. Na hindi maganda ang lagay nya. Sobra akong nasasaktan at hindi mapalagay.

"Tiago.. Anak.."

Napahagulgol ako. Napasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ako mapakali. Napatingin ako sa pinto at agad na hinawi ko ang kumot. Bumaba ako ng kama at mabilis akong nakarating sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong lumabas.

Naririnig ko ang boses ni Tiago.

"Anak.."

Napatingin ako sa telebisyon na buhay. Napaiyak ako habang nakatitig sa telebisyon habang unti-unting lumapit doon.

"Anak ko!"

Hinaplos ko ang telebisyon at nakita ko ang anak ko na umiiyak. Hawak sya ng ibang babae.

"Anak ko iyan! Anak ko iyan!"

"M-Mam.."

Tumingin ako sa kasambahay. Humawak ako sa magkabilang braso nito.

"Ang anak ko, nakita ko na.. Tawagin mo dali si Jace. Sabihin mo nakita ko na si Tiago."

Napangiti ako na tumingin muli sa telebisyon pero napamaang ako ng makitang wala na ang anak ko.

"Tiago! Nasaan ang anak ko?! Ibalik nyo sya!"

Pinaghahampas ko ang telebisyon.

"Leave us."

Napahagulgol ako habang patuloy sa paghampas sa telebisyon. Napaharap ako sa taong nagharap sa akin sa kanya. Nakita ko si Jace kaya agad akong humawak sa braso nya.

"Jace, nakita ko na si Tiago. Nasa loob sya ng telebisyon. Kunin na natin sya."

Napahinga sya ng malalim.

"I'm sorry, Honey."

Niyakap nya ako kaya napahagulgol ako.

"Nakita ko na sya.."

"I'm sorry if I lose our child."

"Miss ko na si Tiago. Ibalik mo sya sa akin." kumalas ako ng yakap sa kanya at tinignan ko sya habang galit ako, "Bakit hindi mo parin sya binabalik?! Sabi mo ibabalik mo si Tiago! Sabi mo ay hahanapin mo sya! Bakit wala parin sya?!"

Tinignan nya lang ako habang panay ang hampas ko sa dibdib nya. Napapikit sya saglit at dumilat sya.

"H-Honey, our baby is in your tummy."

Napakuno't noo ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa tiyan ko.

"Wala naman si Tiago."

Hinawakan nya ako sa mukha at pinatingin sa kanya. Ngumiti sya.

"You are pregnant again. And if you gave birth..our tiago is back."

Napamaang ako.

"Huh? B-Buntis ako? Si Tiago ang nasa loob?"

Tumango sya. Inalis ko ang kamay nya at napahawak ako sa noo ko. Inisip ko kung nanganak na ba ako kay Tiago. Napasinghap ako at tumingin kay Jace.

"Hindi ko pa naipapanganak si Tiago?"

Mapait na ngumiti sya at tumango.

"Y-Yeah."

"Pero bakit naalala ko nahawakan ko na sya."

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon