Kabanata 21
Isang bonggang reception ang nadatnan namin sa bahay nila Mom and Dad ng dito kami dumeretso pagkagaling sa airport. At napakaraming bisita including their families--I mean our families.
Sobra kong na-miss ang pilipinas. At ang mga bata ay sobrang tuwang-tuwa at excited na makita ang mga kamag-anak nila.
"Omg! They are here!" anunsyo ni Tita Grace ng sya ang unang makakita samin. Sobra namang nakakainsecure ang kagandahan nito. Kahit medyo matanda sya sa akin ay mukha parin syang nasa twenties. And she's so hot and gorgeous. Parang walang anak.
Agad na napalingon samin ang lahat. At napangiti kami ni Jace na lumapit sa lahat especially kela Mom and Dad.
"Ghad! Heto na ba ang mga apo ko?" Mom said.
She's still beautiful also. Mukha ring bata kahit medyo may wrinkles na sya. I am now fourty five years old at kahit siguro pilitin pa ni Jace na magkaanak pa kami ay hindi na mangyayari dahil matanda na ako. Pero malay nyo, 'di ba? Hindi pa naman ako menopause. Pero si Mom ay kahit maedad na sya ay nagagawa paring magmukhang young. Ano kaya sekreto ng mga ito? Wait. Hindi kaya vampire sila?
Natawa nalang ako sa iniisip ko.
"Mom, Dad, this is Miracle Solita." turo ko kay Ate Mirasol.
"Omg! She's Miracle Solita?" bulalas ni Nana. Ghad! She's so beautiful at tumangkad pa sya. Pero maliit parin. Mga 4'9 ft ganun. Pero ang cute talaga ni Nana. Ganun parin at walang pinagbago.
"Oo, Nana."
"Hi, Family! I'm Miracle Solita. But you can call me Mirasol for short." maligalig na pagpapakilala ng anak ko.
"Napakaganda naman ng apo ko.." hinaplos ni Mom ang mukha ni Mirasol.
"You also, Lola. You are so beautiful. Mukha po kayong nasa thirties lang."
"Talaga?" natuwa si Mom kaya napangiti kami, "Narinig mo 'yun, Jam? Mukha daw akong thirties."
"She's your grand daughter by the way." sabi ni Dad na parang may ibang meaning.
"Anong sabi mo? Parang sinasabi mo na inuuto lang ako ng apo natin, ha?"
Ngumisi si Dad kaya nagkatinginan kami ni Jace at parehong napailing habang nakangiti. Hindi parin nagbabago ang parents nya ang sweet parin sa isa't-isa.
*ahem* tikhim ko.
"Mom, Dad, this is Hercules. Our second child."
"Ang tangkad naman ng apo ko, gwapo pa. Kahawig mo ang the great grand father mo."
"Po?" takang tanong ni Hercules at napatingin samin tila sinasabi kung sino ang tinutukoy nila Mom.
"You don't know me."
Bigla namang parang may pwersa na syang nakapagpangatog ng tuhod ko. Napatingin kami kay Lolo James na may hawak na tungkod habang puting-puti na ang buhok nito at bakas na ang katandaan. Nasa nineties na ito o one hundred, basta ganun. Pero mukha pa syang malakas dahil nakakapaglakad pa sya ng tuwid.
Agad na napatago si Hercules sa likod ko tila natakot sa Lolo nya.
"Ano ka ba naman, James. Tinatakot mo ang bata."
Napangiti ako ng makita si Lola Gabriella. Maputi na rin ang buhok nito at tingin ko nasa eighties na ito.
"It's our fault, Lolo. They don't familiar to our family relative. They know your name but not your face."
Lumapit sa amin sila Lola at Lolo kaya nagmano agad kami. Sinenyasan ko naman sila Mirasol kaya nagmano din sila. Tumingin ako kay Hercules na kinakabahan habang nasa likod ko parin.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
Fiction généraleNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...