Kabanata 4

60.7K 1.5K 130
                                    

Kabanata 4


DAHIL official na naipasa ko na at tinanggap ng HR department ang resignation ko ay wala na akong work. Pero inuulan naman ako ngayon ng sermon.

"Ano na ang ipapakain mo sa anak mo paglabas niya? Aba, Nicnic! Hindi ka man lang tumagal ng ilang buwan para makaipon. Hindi pa naman malaki ang tiyan mo para agad mag-resign." sabi ni Tiya Rosas.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ng sermonan ako ng mga Tita ko at ni Inay. Hindi ko naman masabi sa kanila ang dahilan kung bakit ako nag-resign. Dahil tiyak na magkakagulo lang. Kilala ko sila Tita. Kahit mga matandang dalaga sila ay kaya pa nilang gumawa ng gulo para lang ipagtanggol ako. Nagawa na nila dati iyon ng minsang i-bully ako sa school. Field day noon at dahil family day din noon ay sila ang dumalo. Nakita nila tuloy kung gaano ako binubully ng mga kaklase ko. Halos patulan din nila ang mga kaklase ko noon, kaya pati mga magulang ng mga kaklase ko ay nakipag-away sa mga tita ko at Inay ko. Kaso tila kahit sagad hanggang lupa na ang saya ng palda nila Tiya at Inay ay nakakakilos pa rin sila para mapataob sa away ang mga kapwa nila nanay.

Hiyang-hiya ako dahil nauwi din sa amin ang kasalanan. Kaya mula noon ay hindi na ako pumasok at nagmumok na lang ako sa kwarto ko. Inilipat nila ako ng school pero ganoon pa rin naman. Pero ang kaibahan lang ay may nagtatanggol na sa akin at iyon ay si Beth. Kaya ayos na rin pala na nalipat ako noon dahil nagkaroon ako ng bestfriend mapa hanggang ngayon.

"B-Basta po ayoko na pong mag work doon.. P-Paano po kapag nahirapan na ako sa trabaho dahil sa dinadala ko? Baka makunan pa po ako.."

Napapisil ako ng daliri dahil kinakabahan pa naman ako kapag ganyang sobrang strict talaga nila.

"Ano pa nga ba ang magagawa natin? Nakapagpasa at aprobado na ng HR n'yo ang resignation mo.. Ano ngayon ang plano mo? Saan ka kukuha ngayon ng pera?" tanong ni Inay.

"Uhm, puwede naman pong mag business ako rito sa harap ng bahay natin. May ipon po ako at iyon ang gagawin kong puhunan."

Nagkatinginan sila at lihim na napangiti ako dahil tila brilliant idea ang sinabi ko.

"Hindi!!"

Napanguso ako ng sabay-sabay pa silang tumutol. Lumapit sa akin si Tiya Rosalinda na nakapamaywang at inayos ang salamin sa mata niya.

"Nung minsan na mag sideline ka ng negosyo sa harap ng bahay natin, anong nangyari? Tuwang-tuwa ka dahil ikaw lang ang kumain ng negosyo mong tuhog-tuhog. Pinagbigyan ka pa rin namin ng magtinda ka ng sari-sari store, pero ang ilan sa paninda mo ay na-expired dahil wala namang bumibili."

Napakamot ako sa pisngi ko pero napangiwi ako ng paluin ni Tiya Rosas ang kamay ko.

"Magmakaawa ka doon sa HR at bumalik ka sa work mo, Nicnic."

Napapadyak ako dahil pinipilit talaga nila akong pinababalik sa Jara World. E, ayoko na nga makita ang impaktong lalakeng iyon na sobrang sama ng ugali.

"BASTA AYOKO NA PONG BUMALIK DOON! KAYA 'WAG N'YO NA PO AKONG PILITIN!"

Hingal na hingal ako ng masabi ko iyon. Tila nagulat sila sa binulalas ko kaya napapalo ako sa noo ko na nagmadaling tinalikuran sila at agad akong pumasok ng room ko.

Gusto kong maiyak dahil tiyak na lalatayin nila ako ng palo sa puwet.

"Naman oh!"

Napapadyak ako ng paa ng makahiga ako sa kama ko. Pumikit ako at huminga ng malalim habang nakapatong sa noo ko ang isang braso ko.

Kung hindi dahil kay Sir Jace ay hindi ako pagagalitan ng ganito nila Inay. Ngayon ay matanda na ako kaya naiiyak ako dahil tiyak na wala ng kukuha sa akin dahil sa edad ko.

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon