Kabanata 20

48.9K 1K 115
                                    

Kabanata 20



Five months later...

Sumasaguni kami ni Jace sa isang psychiatry na nirekomenda ni Doctora. Kung kailangan na araw-araw o linggo-linggo ay dumudulog kami sa psychiatry ay ginagawa namin. Nung una ay masyadong mainitin ang ulo ni Jace dahil parang nababagok sya sa sinasabi ng psychiatry. Pero nang magalit ako sa kanya dahil hindi sya tumupad sa promise nya na pagtutuunan namin ng mabuti itong therapy ay biglang sumunod na sya.

Gusto ko na sabay namin na haharapin ito hanggang sa umayos na ang lahat para mas maalagaan namin ng mabuti si Mirasol. Gusto ko na rin na tumahimik na at ayoko ng masasangkot si Jace sa anumang gulo. Dinismissed ng korte ang kaso ni Jace dahil sa binigay ni Doctora Bernabe na letter na nagsasabi na may problema nga si Jace sa pag-iisip.

Sobra akong natatakot noon dahil ayokong makulong si Jace. Ayokong maiwan nalang kami ni Mirasol.

"Ghad. She's grow fast."

Napangiti ako habang nakayakap sa likod ni Jace habang tinitignan namin si Mirasol na natutulog sa kanyang higaan. Dahil hindi pa ito pwedeng iwanan ay minsan dito kami natutulog sa room ni Mirasol o di kaya ay dinadala namin ito sa kwarto namin.

"Yeah.. Konti nalang at tiyak na marunong na syang maglakad."

Napabitaw ako ng yakap sa kanya ng alisin nya ang mga kamay ko at akbayan ako.

"Honey.."

"Hmm?" tumingin ako sa kanya. Nakatingin sya kay Mirasol.

"Naisip ko na pagtapos na ang therapy mag migrate na tayo."

"Huh?"

Tumingin sya sa akin at humarap. Hinawi nya ang buhok ko at tumingin sya sa akin ng mabuti.

"Pinag-isipan ko ito ng maraming beses.. Alam ko na maaaring may nagtatago paring grupo na gustong pabagsakin ang isa sa pamilya namin. Ayokong maulit muli ang nangyari kay Tiago kay Miracle. Kung gusto mo akong gumaling ay ilayo mo ako rito. Dahil oras na meron namang manakit sa inyo ay baka bumalik na naman ako sa dati."

Agad na hinawakan ko sya sa mukha at pinakalma.

"Sige, kung anong plano mo ay iyon ang masusunod.. Wag mo nang isipin iyon, please.."

Napahinga sya ng malalim at ngumiti.

"Tutuparin ko ang pangako ko sa'yo na dadalhin kita sa iba't-ibang bansa at ngayon ay kasama si Miracle."

Napangiti ako at yumakap sa kanya.

"Kahit naman hindi ko na maikot pa ang buong mundo basta kasama ko kayo ni Miracle, masaya na ako."

-

One year later...

Bawat araw, buwan, at ngayon ay inabot kami ng mahigit isang taon sa therapy ay masaya kami na sa wakas ay maliwanag na ang lahat sa amin. Sobrang saya pa lalo na't malusog, maganda, at masiyahing lumalaki si Mirasol.

She's one year and five months old now. At napakabilis nyang lumaki.. Natatakbuhan na nga si Jace kahit medyo hindi pa ito makabalanse sa lakad ng maayos pero never itong natumba.

"Honey, are you done?"

Lumingon ako kay Jace na bitbit ang maleta namin. Humarap muli ako kay Mirasol na binibihisan ko.

"Sandali, tapos na ako rito."

Nang masuotan ko ng sapatos si Mirasol ay kinuha ko ang bag kong dadalhin at tsaka binuhat si Mirasol. Inayos ko ang ribbon na hair pin sa buhok nito at napangiti ako dahil ang cute talaga ng baby ko.

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon