SIMULA

123K 2.5K 440
                                    

Simula

NGAYON PA LAMANG ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar. Inayos ko ang salamin sa aking mata at nagpasalamat sa bartender na nilapag ang inorder kong alak. Sa katunayan ay first time kong iinom ng alak. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero desperada na 'ko.

Napaiwas ako ng tingin habang nakaupo sa high chair. Sumimsim ako ng alak na kay pait-pait at nakakasulahok ang lasa. Pinagtitinginan ako ng mga dumadaang costumer ng bar at natatawa sila habang tinitignan ako.

Alam ko na kakaiba ang suot ko kesa sa ibang babae na narito at magaganda ang suot tapos ang sexy pa nila. Nakasuot lang ako ng bulaklaking blusa at sarado ang lahat ng butones nito hanggang leeg ko. Tapos hanggang paa ko pa ang haba ng bulaklakin kong saya, sabayan pa na naka-flat shoes lang ako. Mukha akong nerd sa suot kong salamin pero wala akong choice kasi nakasanayan ko na rin dahil sa kalabuan ng mata ko. Ang buhok ko naman ay pusod na pusod na pinahiran ko pa ng baby oil para hindi tumikwas ang baby hair ko.

Nilapag ko ang baso sa table at binuksan ang dala kong bag. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan kong si Beth.

"Hello, Beth, bakit wala pa 'yung lalakeng kausap natin? Baka nag-backout na 'yun, ah?"

"Chill ka lang, Bes. Na-traffic lang siya, malapit na daw."

Huminga ako ng malalim, "Okay. Kinakabahan kasi ako, baka hindi siya tumuloy."

"Bes, chill ka lang nga. 'Tsaka, kwento mo sa 'kin kung magaling, ha?"

Nag-init ata ang pisngi ko sa sinabi ni Beth. Napaubo ako kaya kinuha ko ang alak at nilagok ko iyon ng deretso.

Huminga ako ng malalim ng maubos ko ang laman ng baso at tinakpan ko ang speaker ng cellphone ko dahil baka may makarinig ng pag-uusap namin ni Beth. Nakakahiya talaga!

"Ano ka ba, Beth! Nakakahiya ka! Bakit ko naman ike-kwento pa sa 'yo?" pabulong kong suway sa kanya. Gumagala rin ang mata ko upang malaman kung may makakarinig ba.

"Syempre first time mo, Bes. Kaya dapat sabihin mo sa akin dahil bestfriend mo ako. Nakakaloka! Excited na ako!"

Napailing na lang ako, "Hay, naku. Sige na nga. Ba-bye na at baka dumating na ang kausap natin."

Napahalakhak siya na parang loka-loka.

"Alright. Good luck, Bes. Galingan mo!"

Napangiwi na lang ako sa tono niya at pinatayan ko na siya ng tawag. Huminga ako ng malalim at sinilid ko muli ang cellphone ko sa bag. Gumala ang paningin ko sa paligid at tumingin muli ako sa bartender.

"Isa pang order, please."

Tinignan ako nito tila ba ayaw pa akong abutan, pero sinalinan rin naman ang baso ko. Nagpasalamat ako at nilagok ko muli ang alak. Kinakabahan talaga ako at hindi ako mapakali dahil malapit na daw ang lalakeng kausap namin.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid habang inom lang ako ng inom upang mapakalma ang sarili ko. Habang naghihintay sa lalakeng kausap namin ay hindi ko namalayan na napaparami na ang inom ko ng alak.

Umiikot na ang paningin ko pero pilit kong ginigising ang sarili ko dahil kailangan ko pang gawin ang misyon ko para sa sarili. Hindi p'wedeng mapurnada pa 'to.

Pinilit kong tumingin sa paligid dahil baka narito na ang lalakeng kausapin namin ni Beth. May naaninag ako na isang lalake na parang palapit sa akin, kaya kahit na parang umiikot na ang paningin ko ay pinilit kong umalis sa kinauupuan ko at tumayo ng tuwid. Tumingin ako uli sa lalake habang hindi ako makapaglakad ng maayos.

Huminto ako sa harap nito at muntik na akong mabuwal kung hindi lang ako nito nasalo.

"Are you okay?"

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon