Kabanata 16

49.3K 1.1K 94
                                    

Kabanata 16

Sa isang tago na gubat kami muling nagtatago. Sobra na ang sama ng loob ko kay Jace ng sa pagkagising ko ay naalala ko ang ginawa nya. Hindi ko akalain na mas magtitiwala sya sa babaeng iyon kesa sa akin.

Umiiyak ako habang narito sa loob ng isang tent. Napatingin ako kay Tiago na gumapang palapit sa akin at inaabot ang mukha ko kaya naupo ako at kinandong sya paharap sa akin.

"Pagod na pagod na ako sa ama mo, Anak. Nasasaktan ako dahil nagawa nya akong saktan at hindi nya ako pinagkatiwalaan."

"Mama!"

Humagikgik si Tiago habang binabatak ang damit na suot ko. Wala syang kaalam-alam sa paligid nya at nagpapasalamat ako doon. Kaya ayokong lumaki sya na ganito parin ang sitwasyon namin. Ayokong lumaki sya na malamang napakasiraulo ng ama nya.

Napatingin ako ng bumukas ang harang na lona sa tent at napairap ako ng makita si Jace. Umiwas ako ng tingin at kay Tiago ako tumingin. Dinapa ko ito sa unan at hinaplos ang likod nito.

"Are you hungry?"

Hindi ko sya inimikan at mahinang tinapik ko ang pang-upo ni Tiago. Napahinga ng malalim si Jace at naupo sa kabilang gilid ni Tiago.

"I'm sorry for hurting you.." aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Hindi ko akalain na kaya mo akong saktan! Dahil sa babaeng iyon ay nasaktan mo ako at mas pinaniwalaan mo sya!"

Hindi ko mapigilan na samaan sya ng tingin at napaiyak ako habang nakatingin sa kanya.

"Can you please calm down? Hindi mo ako masisisi kung mas naniwala ako kay Orfina dahil palagi kang tumatakas at nalaman ko pa na katawagan mo pala si Dad."

"Oh, bakit may hawak ba akong cellphone sa tingin mo, ha? Sumagot ka! Di ba nasa iyo ang cellphone ko!"

Hinampas ko sya sa sobrang galit ko.

"Shit! Honey, stop! Okay, stop it!"

Pinigil nya ako sa kamay at napahinga sya ng malalim habang nakatingin sa akin. Inagaw ko ang kamay ko sa kanya.

"Tandaan mo ito, Jace. Oras na may mangyari kay Tiago dahil sa paniniwala mo sa mga tauhan mong hindi mapagkakatiwalaan, hinding-hindi kita tiyak na mapapatawad."

Tinahiya ko si Tiago ng higa at nahiga din ako sa tabi nito bago kunin ang kumot para mag kumot kami mag-ina. Banas na tumayo si Jace at lumabas ng tent. Napapikit ako habang pumapatak ang luha ko.

Dumilat ako at tumingin ako sa bubong ng tent at hindi ko akalain na dito kami mauuwi mag-ina. Na-miss ko na ang dating buhay ko. Sila Inay at tiya. Maging ang mga kaibigan ko at pati sila Nana. Dati ay pangarap ko lang magkaanak at ayos na ako doon. Hindi ko naman akalain na may lalakeng magkakagusto sa akin at mismong ama pa ng anak ko. Pero hindi ko naman pinangarap na isang baliw na lalake ang mababaliw sa akin.

Pero handa ko naman na tanggapin ang lahat kung hindi nya ako sasaktan. Hindi sya mananakit ng ibang tao. Na puro saya lang sana. Mahal na mahal ko sya. At kaya siguro hindi ko rin masabi sa kanya na mahal ko sya ay dahil siguro ganito nga na wala syang karapatan na marinig sa mismong bibig ko na sabihin iyon hangga't hindi sya nagbabago.

Hindi ko mapatulog si Tiago dahil gusto pa ata ng laro ng anak ko. Binuhat ko sya at naisipan kong lumabas para magpahangin kami mag-ina at nakakarinig rin kasi ako ng katuwaan sa labas. Hindi ko akalain na napakabilis mag provide ng gamit ni Jace. May tent agad sa paggising ko. May aircon din kaya walang ano mang insektong maaaring makakagat sa aming mag-ina.

Paglabas ko ay malalim na ang dilim. Ang liwanag na nagbibigay sa paligid na kinalalagyan namin ay galing sa kahoy na umaapoy na pinarikit para magbigay ng liwanag.

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon