Kabanata 5
SUMASAKIT na ang ulo ko dahil hindi ako makahanap ng trabaho. Ang dami kong inapplyang hotel pero kapag naririnig pa lang ang pangalan ko ay agad nila akong inaayawan.
Kumagat ako ng mamon na tinapay habang narito ako sa isang coffee shop. Tumitingin rin ako sa dyaryo na hiring at kapag nakakita ay agad ko ring pinupuntahan. Kaso mauubos na ang baon kong pamasahe ay hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.
Ano bang nangyayari? Bakit inaayawan nila ako? May matinong experience naman ako. Oo, alam kong thirty-one na ako pero hindi man lang ba sila magkakaroon ng konsiderasyon na pagbigyan ako at subukan ang makakaya ko. Ni hindi man lang nila ako bigyan ng chance.
Tapos hindi ko pa rin nasasabi kay Inay at kela Tiya ang nangyari sa pera ko. Binalikan ko ang bangko at tuluyan akong nanlumo ng makitang sarado na talaga ang bangko. Pakiramdam ko ay lahat ng paghihirap ko sa pagtatrabaho para maipon iyon ay nawala ng parang bula.
Ngayon na buntis ako at umalis sa work ay hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko. Ayoko namang umasa kela Inay dahil ang kinikita nila sa pananahi ay sapat lang para sa bills namin at mayroon rin naman silang pangangailangan na kailangang bilhin din. Kay nakakahiya kung aasa ako sa kanila.
Humigop ako ng shake na inorder ko pero tumunog ang straw hudyat na ubos na ang hinihigop ko. Napahilamos ako ng mukha at napadukdok sa lamesa dahil naghahalo na rin ang pagod, antok, at gutom ko. Kahit kumain na ako ng mamon ay nagugutom pa rin ako. Dati naman ay hindi ganito, pero siguro ay dahil sa dinadala ko.
Napahinga ako ng malalim at niligpit ko na ang gamit ko. Lumabas ako ng coffee shop dahil mag dadalawang oras na rin akong nakatambay doon.
Naglakad lang ako baka sakaling makahanap ng maapplyan. Nakakita ako ng bench na malilim dahil mayroon doong puno sa tabi. Lumapit ako at naupo. Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang pitaka ko sa bag. Pagbukas ko ay nakita ko na barya na lang ang laman.
Nanghihina ako sa kawalan ng pag-asa na makahanap ng trabaho. Natulala ako na nakatingin sa kawalan.
Wala akong mahingan ng tulong. Si Beth ay tumatawag sa akin pero minsan ay hindi ko na siya sinasagot dahil panay ang tanong niya kung bakit ako nag-resign. Hindi ko naman alam ang idadahilan ko dahil ayokong sabihin na dahil kay Sir Jace kaya umalis ako doon.
Lalo rin siyang magtataka kung bakit ako naghahanap ng trabaho. Sasabihin lang no'n ay nag-resign pa ako tapos maghahanap rin pala ako ng work.
Isasara ko sana ang pitaka ko pero napatigil ako ng makita ang isang calling card. Galing ito kay Sir Jam.
Umiling ako at natawa sa sarili.
Never. Never akong manghihingi ng tulong sa kanila. Lalo na sa anak nilang demonyo.
Tumayo ako at sinilid sa bag ko ang pitaka. Hapon na rin lang at naisip ko na umuwi na dahil nalilipasan na ako ng tamang pagkain. Puro tinapay ang kinakain ko na hindi naman healthy rin.
Pagdating ko sa bahay ay pinagmasdan ko ang bahay namin. Pakiramdam ko ay may bumabalot na lungkot rito.
Pumasok ako sa bahay at pagpasok ko ay napahinto ako ng makitang nakaupo sa sofa sila Tiya at Inay. Mga lugmok na lugmok ang itsura nila at para silang namatayan.
"Inay? Bakit parang nalugi po kayo?"
"Nalugi nga kami, Anak."
Napakuno't noo ako at pumunta sa harap nila.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?"
Tumingin sa akin si Inay at napabuntong-hininga ito, maging sila Tiya. Ngayon ko lamang nakita sa mukha nila ang lungkot. At hindi ko maunawaan kung bakit?
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...