Kabanata 19

43.5K 1K 129
                                    

Kabanata 19

Hindi ko makita si Jace sa kwarto. Agad akong bumangon sa kama kahit parang nahihilo ako at nanlalata.

"Jace? Jace!"

Bigla akong napalingon sa banyo ng pinto at napaiyak ako na makita si Jace kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya.

"Oh, Honey, why are you crying again?"

Yumakap ako sa kanya habang umiiyak. Niyakap nya ako pabalik.

"Jace..." wala akong masabi.

Tumawa sya kaya napatingin ako sa kanya. Basa ang buhok at katawan nya dahil bagong ligo lang sya.

"I'm here, so, stop crying."

"Jace.." umiling ako habang umiiyak, "Hindi ko.." napapikit ako saglit at dumilat muli na tinignan sya, "Hindi ko kaya na iwan mo ako."

Nais ko sanang sabihin na hindi ko na kayang sarilihin ang lahat.

Ngumiti sya at inakay ako palapit muli sa kama. Naupo sya at pinaupo ako sa hita nya patagilid.

"Hindi kita iiwan.. Never.."

Napatingin ako sa tiyan ko ng biglang may sumipa. Napatingin sya doon at napamaang.

"Damn, she's kicking." natuwa sya at hinawakan ang tiyan ko.

"Jace, magkakaroon na ng kapatid si Tiago.."

"Yes.. At malapit ka nang manganak."

Napangiti sya at hinalikan ako.  Pero napakuno't noo sya at kinapa ang mukha ko. Kinapa ang leeg ko at maging ang ulo ko.

"Damn, you are sick."

Agad na pinangko nya ako at muling hiniga sa kama. Kinumutan nya ako. Nakita ko na kinuha nya ang phone.

"Hello. Come here. I need your services. My wife is sick."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay agad syang naupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Do you need anything, Honey? Nauuhaw ka ba? Nagugutom?"

Umiling ako.

"I need to know the truth?"

Natigilan sya kaya mapait akong ngumiti. Napaiyak ako dahil hindi ko na talaga kaya pa na kipkipin ang sakit na nararamdaman ko sa sarili ko lang.

"What do you mean?"

"Wala na ba talaga si Tiago?"

Napatitig sya sa akin kaya pumikit ako. Naalala ko ang mga nakaraan buwan. Habang kasama ko si Nana ay bigla akong natulala ng may sumagi sa isip ko. Nanumbalik ang lahat mula sa simula ng makilala ko si Jace hanggang sa mawala si Tiago.

"Nicole, what happen?"

Napatingin ako kay Nana at hindi ko mapigilan na mapahagulgol.

"Tahan na.. Heto si Tiago, oh."

Lalo akong napaiyak dahil naniwala ako sa ilusyon ko. Hindi alam ni Nana ang gagawing pagpapatahan sa akin kaya pinatawag nya si Jace. At ganun din ang ginawa ni Jace. Gusto kong magalit bakit pinapaniwala nya ako sa ilusyon ko. Pero alam ko na ginagawa lang ni Jace iyon para na rin sa kapakanan ko.

Lalo kong nakumpirma na wala na si Tiago ng marinig ko mismo sa bibig ni Cielo.

"Nakita mo naman siguro kung paano tinupok ng nagliliyab na kotse ang anak mo kasama si Orfina."

"Damn you!"

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko na marinig ang tunay na nangyari kay Tiago. Bumalik ako sa loob ng bahay na paulit-ulit umeecho sa isip ko. Inaakala ni Nana na sinusumpong parin ako ng pagkabaliw ko pero hindi nya alam na unti-unti akong nanumbalik sa sarili. Pero sa panahong iyon ay para akong nilalamon ng pagkawala ko sa sarili pero tinatagan ko ang loob ko na labanan ang ano mang bumubulong sa isip ko.

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon