Kabanata 23
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Jace na pinisil ang bewang ko para pakalmahin. Narito kaming dalawa ni Jace sa office nya at pinatawag nya ang detective nya at yung batang tinutukoy nila.
Kinakabahan talaga ako mula palang ng sabihin ni Jace na posibleng anak namin ang batang pinakita sa kanya ng detective na pinagkakatiwalaan nya. Hindi nga ako nakatulog ng maayos sa kakaisip at pananabik na makita na kung talaga nga bang si Tiago iyon. Pero hindi na mahalaga iyon basta ay narito na ako ngayon at malalaman ko naman kung totoo nga ba ang sinasabi ni Jace.
Bumukas ang pinto at napaayos ako ng upo sa sofa habang inaabangan ang papasok.
"Sir Jace, Inspector June is here." sabi ng secretary ni Jace na lalake.
"Sige papasukin mo." tugon ni Jace.
"Okay, Sir.." tumango ang secretary nya at lumabas.
Ilang saglit lang ay bumukas muli ang pinto at napakapit ako sa hita ni Jace habang pakabog ng pakabog ang dibdib ko. Pumasok ang tingin ko ay kaedaran ni Jace. Yumuko ito bago ito tumingin sa kasunod nyang pumasok.
Napatingin ako rito at unti-unti akong napatayo habang pinagmamasdan ko sya. Hanggang tainga ko siguro sya, medyo maputi, at simple ang suot. Pero ang mas pinagmasdan ko ay mukha nito. Napatakip ako ng bibig habang hindi ako mapigilan at halos mangilid ang luha ko dahil kahawig na kahawig nga nya si Jace.
"Sya si John Benedict Rivero. Isang ampon ng mag-asawang nasa squatter. One year old sya ng matagpuan ng mag-asawang Rivero sa basurahan. Dahil wala silang ano mang kakayahan na hanapin o dahil wala rin silang anak ay naisipan nila na ampunin si John kahit labag sa batas na ampunin ito. Fifteen years old na si John Benedict ngayon, Madamé."
Napahakbang ako habang hindi makapaniwala. Kaedaran sya ng Tiago ko ng mawala. At alam ko na fifteen na rin si Tiago ko ngayon.
Huminto ako sa harap nito habang pinagmamasdan ang mukha nya. Hindi man totally na kahawig ni Jace ay nakikita ko talaga ang something familiar sa mukha nya na katulad ng kay Jace. Sabi ko noon ay kay Jace nagmana si Tiago. Ang puti-puti pa noon ni Tiago ng maliit sya pero ngayon ay tila nababad sa araw dahil siguro sa naging sitwasyon nya.
Hahawakan ko sana ang bata ngunit agad itong umiwas tila sya mailap. Napatingin ako kay Jace na pinigil ako.
"Sige na, Inspector, tsaka mo nalang ulit sya dalhin kapag nailabas na ang result ng dna.."
"Yes, Sir. Mauna na po kami.., Madamé."
Napatango lang ako ngunit nakatingin sa bata. Inakay na ito ni Inspector kaya nanghihina ako bigla.
"J-Jace, kahawig na kahawig mo sya.. Si Tiago ay sa'yo nagmana. Kaya siguro akong kahawig mo parin ito kung ngayong edad nito. Ang batang iyon ay kahawig mo."
Napahinga ng malalim si Jace at inakay ako sa sofa para maupo.
"I know but we need to make sure that he's our real son."
"Saan sya dadalhin? Dapat ay pinakausap mo muna sa akin ang bata.. Gusto kong malaman ang lahat sa kanya."
Umiling sya na kinataka ko.
"Mailap ang bata at ayaw magsalita. Kung sya nga ang tunay na anak natin ay tila mahihirapan tayo."
Napansin ko nga iyon.. At nangangamba ako na baka hindi nya kami tanggapin. Na baka kamuhian nya kami kapag nalaman nya ang nangyari.
Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ako masyadong kinabahan na makaharap ang bata. Pero narito ang saya ko. Kinuha ko ang litratong tanging kuha ni Tiago na naitabi ko. Pinagmasdan ko ito habang inaalala ang mukha ng batang posibleng anak namin.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...