Kabanata 29
Pakiramdam ko ay nakalutang ang kaluluwa ko at hindi maipaliwanag ang iba't-ibang emosyon na ngayon ay nagpapasikip ng damdamin ko. Masaya ako na malaman kong si Louis ay si Tiago. Pero ewan ko, sobra akong nasasaktan dahil pinagkaisahan ako ng dalawa para lamang umaktong hindi sila okay sa harap ko, sa harap ng impostor na tiago, sa harap nila Aling Lilibeth at Mang Kano, at sa harap ni Inspector June.
Nakaupo ako sa sofa ng aming bahay ng makauwi kami mula sa hindi inaasahan na gabi ng buhay ko at nang pamilya ko.
Tahimik si Jace, Louis, at ang tatlo na si Mirasol, Hercules, at Quinn habang pinapakiramdaman ako.
Seryoso ako at iniipon ang sama ng loob ko, lalo na kay Jace.
"Explain to me everything." ani ko sa mariing tono habang nakatingin sa kawalan.
"Honey, I know it's all my fault but I can explain..." huminga sya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita, "When the time I met Louis in mall while we are in botique. Sandali akong natigilan no'n dahil hindi ako nagkakamali na parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung ganyang edad ako noon. Pero hindi ko pinahalata sa inyo dahil ayoko munang sabihin dahil hindi ako sigurado. Palagi kong iniisip si Louis kung posible bang may makahawig ako na ibang tao bukod sa mga kakambal ko at kadugo ko. Kaya naman nais kong ipaimbestiga kay Inspector June ang kay Louis. Tatawagan ko palang sana ito ngunit naunahan ako nito at sinabi nga ni Inspector June na nakita na nya ang anak natin na si Tiago. At first, I feel numb when he said that to me. I can't move and my heart race so fast. Kaya ng iharap nya sa akin ang bata ay nakita ko na kahawig ko, pero hindi ako maloloko ng ganun lang kaya may something akong natunugan sa nais na ipalabas ni Inspector June. Kaya nag-iba na ang isip ko na sabihin sa kanya iyon. Problemado ako dahil hindi ko alam kung anong unang hakbang ang gagawin para malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Inspector June. Kaya naisip ko na tawagan si Greyson. Naalala ko na may kilala nga pala silang family investigator na mapagkakatiwalaan. Kaya nakipag-usap ako kay Inspector Manalo ng palihim. Sinabi ko na gusto kong malaman ang tinatago ni Inspector June. Nanghihinala pa ako ng una kung dapat bang ipagtiwala ko kay Inspector Manalo iyon, dahil hindi ko na alam kung kanino ako maniniwala. Pero si Greyson na ang may sabi na pagkakatiwalaan ito kaya pinagkatiwalaan ko. Hindi ako makapaniwala na agad na makakakuha ng information si Inspector Manalo sa tinatago ni Inspector June. Kita ko sa larawan ang pakikipag-usap ni Inspector June kay Louis. Nagtataka ako nung una kung bakit nakikipagkita ito kay Louis. Pero nang sabihin ni Inspector Manalo na binayaran ni Inspector June si Louis para kumuha ng laway nito."
"Opo, iyon ang time ng tinawagan nyo ako, Mama, para sa inaalok nyong trabaho. Ang totoo ay nauna nang inalok ako ni Inspector June na bigyan sya ng laway ko kapalit ang malaking halaga na one hundred thousand. Para po sa akin ay malaki na iyon lalo't kailangan ko ng pera para matubos si Lucy kay Peter. Pero naisahan ako ni Peter. Dahil imbes na tigilan nila si Lucy ay hindi nila tinupad iyon at kinuha pa ang one hundred thousand ko ng bugbugin nila ako ng walang kalaban-laban." dugtong ni Louis sa nangyari.
Napapikit ako dahil para akong mahihilo sa lahat ng sinabi nila.
"Then bakit ka nagsinungaling sa akin, Jace? Bakit pinaniwala mo parin ako na anak natin ang impostor na John na iyon?"
Tinignan ko si Jace ng masama.
"Honey, I need to do that dahil kailangan kong mag-ingat sa lahat ng kilos ko para hindi mabulyaso ang inaalam ko. Tsaka nang time na rin iyon ay naguguluhan pa ako. Nanghingi ako ng DNA sa bata na binigay naman ni Inspector June. Alam ko na ang laway na nakapahid sa cotton buds ay kay Louis pero pinakita ko parin na wala akong alam sa lahat ng nais na gawin ni Inspector June. Hindi alam ni Inspector June na pinabilis ko ang resulta ng DNA para malaman ko agad. At nang lumabas ang DNA ay nalaman ko na si Louis ang anak natin na si Tiago."
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...