Kabanata 30

62.5K 1.2K 180
                                    

Kabanata 30

Dahil sa parusa ni Jace kaya hindi na muna sya pumapasok sa office. Natatawa ako kapag nakikita ko syang nakaapron ng pambabae. Hindi ko akalain na mapagsusuot ko sya ng ganun.

"Mama, ayos na po ba ang suot ko."

Inayos ko ang necktie na suot ni Tiago habang nakabusiness attire sya. Kagabi pa sya kinakabahan dahil ngayong araw nga sya papasok sa opisina.

"Ang gwapo mo, Anak. Bagay pala sa'yo ang ganito."

Napangiti sya at napakamot sa ulo.

"You need to go now in company, Son."

Napalingon kami ni Tiago kay Jace at nagkatinginan kami ni Tiago bago kami nagpigil ng tawa sa itsura ni Jace. May hawak na spatula si Jace habang suot-suot ang pink na pink na apron habang topless.

"Tsss. Honey!" banta nya.

"Ano? Wala naman kaming sinasabi ni Tiago. 'Di ba, Anak?"

"Opo, Mama." sang-ayon ni Tiago kaya lalong nainis si Jace.

"Tss."

Tumalikod na ito kaya sabay kaming napahalakhak ni Tiago.

"Let's go, Mama."

Tumango ako at inakbayan ako ng anak ko palabas ng kwarto. Pagbaba namin ay napatigil kami habang nakatingin kay Jace na ngayon naman ay naglalampaso ng sahig.

"Dad, aalis na po ako." paalam ni Tiago.

"Okay, good luck and keep safe!" sabi ni Jace habang tinutuwad ang sofa.

"Okay. Pagbutihan nyo po d'yan." hirit ni Tiago kaya natawa kami ng lumingon si Jace na inis.

"Tss."

Hinatid ko si Tiago sa labas. Sasamahan sya ng dalawang bodyguard kabilang si Mario na mas bihasa sa training kaya alam namin na mapoprotektahan nito si Tiago.

"Mag-iingat, Anak. At tumawag ka kapag may kailangan ka. Good luck!"

Ngumiti sya at hinawakan ako sa mukha bago ako halikan sa noo.

"Pangako po hindi ko kayo bibiguin. Pagbubutihan ko ito, Mama."

Tumango ako at hinaplos ang mukha ng anak ko.

"Sige na, baka ma-late ka pa. At magalang kang magpakilala sa mga board member, Anak."

Tumango sya at ngumiti. Bitbit ang attaché case ay lumapit na sya sa kotse at sumakay ng pagbuksan sya ni Mario ng pinto.

"Mauna na po kami, Madamé."

"Bantayan nyong maigi si Tiago at mag-iingat sa daan." bilin ko.

"Sure, Madamé."

Yumuko ito bago sumakay sa front seat. Kumaway ako ng umandar na ang sasakyan at napangiti ako dahil nagpapasalamat ako na lumaking mabait na bata si Tiago. Malaki rin ang pagpapasalamat ko kay Lucy na napalaki nya si Tiago ng maayos.

Pumasok na ako sa loob at wala na si Jace sa sala. Ang tatlong bata naman ay pumasok rin sa kanilang eskwela. Naupo ako sa sofa at tinignan ang buong living room. Grabe napakintab ng bawat appliances at tiles. Magaling pa ata sa akin si Jace maglinis.

"Honey, one glass of fruit juice and special spaghetti for you."

Napangiti ako ng makita si Jace na may dalang tray. Hindi ko akalain na nakapagluto agad sya ng spaghetti.

"Thanks, Daddy."

Nilapag nya sa lamesa ang spaghetti na nasa plate at blend juice. Napangiti ako na napatingin sa kanya ng maupo sya sa tabi ko tila ba pagod na pagod.

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon