Kabanata 10
HINDI ko alam pero ako ang natakot para sa tatlong lalakeng nang harass sa amin. Nagmamakaawa sa harap ang parents ng tatlo dahil tila totoong papataying ang mga ito. Kita ko na hindi nagbibiro ang itsura ni Sir Jam.
Napatingin ako kay Jace na kanina pa hawak ang kamay ko habang nakaupo na muli kami sa upuan at ngayon ay kainuman ang pinsan niya at si Edward.
Kahit nagulo na ang party dahil sa pagmamakaawa ng parents ng tatlo ay tila balewala sa mga Esteban iyon.
"Okay. Instead of killing them, I want them to go in jail. Now!"
"Salamat po, Mr. Esteban. Pasensya na po.."
Kita ko na hindi iyon ang nais na gawin ni Sir Jam pero tila napagsabihan ito ni Mam Hera kaya hindi natuloy ang pinag-uutos niya. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon. Talaga bang kaya nilang pumatay?
"Pupuntahan ko lang sila Krystal." sabi ko kay Jace at pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya.
Tumingin siya sa akin habang inaalog niya ang basong may lamang alak at yelo.
"No. Stay here."
Nakakainis. Pinapakita pa niya sa mga pinsan at kapatid niya kung paano niya ako minamanduhan.
"Ganyan nga, Bro. 'Wag ka ng torpe at bakuran mo palagi ng walang kawala." sulsol ni Edward.
Napakuyom ako ng isang kamay at kung nakakamatay lang ang tingin ko kay Edward ay patay na siguro siya.
Napatingin ako kay Jace ng bitawan niya ang kamay ko. Umiling ako sa nais niya ngunit hinapit niya ako sa baywang para patayuin at inupo pakandong sa isang hita niya patagilid sa kanya.
Nagkantyawan ang pinsan niyang lalake at si Edward kaya halos gusto ko ng lumubog sa lupa sa pinaggagawa ni Jace.
"Cheers!"
Ngumiti si Jace at nakipagbanggaan ng baso sa mga kainuman niyang pinsan at kapatid habang nakahawak siya sa baywang ko. Gusto kong tumayo pero mahigpit ang hawak niya sa baywang ko.
Inis na inis na ako sa kanya. Nakakahiya ang ginawa niya. Napatingin ako kay Juliet na lumapit habang hawak ang kambal na babae at lalakeng bata. Ito 'yung lalake kaninang sinuntok sa gitnang hita si Greyson.
"Hoy, Greyson Martin! Sinabi ko na bantayan mo ang dalawang bata, inom talaga ang inatupag mo, ha?"
"Baby naman."
"Tumigil ka. Bantayan mo ang dalawa."
Napatingin ako kela Edward at Jace na lihim na natawa. Walang magawa si Greyson dahil agad na naupo sa magkabilang hita niya ang kambal.
Nagtawanan ng malakas sila Jace ng makaalis si Juliet.
"Baby girl, Baby Boy, bantayan n'yo ang ama n'yo, daming chicks ngayon kaya balisa ang ina n'yo." sabi ni Edward sa kambal habang nakangisi.
Tila mahiyain ang dalawa dahil yumakap ang mga ito kay Greyson. Napangiti naman ako dahil ang cute nila. Sana ganyan din ang baby ko.
"Tsk. 'Wag munang sulsulan, Ed, baka gantihan kita d'yan."
Napatingin ako kay Jace na humaplos sa tiyan ko. Nag-init ang mukha ko ng ibaba niya ang mukha at hinalikan ang tiyan ko.
"I'm so excited to see our baby." aniya sa akin.
Tumingin siya sa akin kaya napayuko ako habang hindi ko mapigilan na sumaya ng sabihin niya iyon. Talagang gusto niya ang pinagbubuntis ko hindi katulad ng pagkakasabi ni Hammer na pati pagbubuntis ko ay pinaglalaruan.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...