Kabanata 13
HINDI ko alam kung anong nangyari. Pakiramdam ko ay sobrang latang-lata ng katawan ko. Para akong matagal na hindi gumalaw.
Nang idilat ko ang mga mata ko ay malabo ang aking nakikita. Pumikit at dumilat muli ako. Tinignan ko ang paligid at kahit malabo ang mga mata ko ay nakita ko ang hindi pamilyar na kwarto.
Napatingin ako sa katawan ko at kahit nanlalata ay bumangon ako ng higa. Napatingin ako sa mga kamay ko na may nakakabit na cord ng dextrose.. Inalis ko ang nakatakip sa bibig at ilong ko na oxygen.
Anong nangyari at nasaan ba ako?
Tumingin ako sa paligid nitong pinaglalagyan ko. Napatingin ako sa kalendaryo.
Mayo na?
Sa pagkakatanda ko ay january lang. Napatingin ako sa tiyan ko at napasinghap ako ng makita na malaki na ang tiyan ko.
Ibig sabihin ay mahigit apat na buwan na akong walang malay?
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at nakita ko na may pumasok na isang matangkad na lalake at kahit malabo ang mga mata ko ay tingin ko si Jace ito.
"Jace? Ikaw ba 'yan?"
"Are you alright?"
Natigilan ako dahil may kakaiba sa boses ni Jace. Kaboses pero iba.
"Hindi ikaw si Jace."
"Yeah.."
Napamaang ako sa pag amin niya. Naaninag ko ang paglapit niya kaya kinabahan ako. Pero kung hindi siya si Jace ay tiyak na si Hammer ito.
"Anong ginagawa ko rito? At bakit ikaw ang narito? Si Jace? Nasaan si Jace?"
"You need to stay here."
Hindi niya ako sinagot at naguguluhan ako dahil doon.
"Ano bang ibig mong sabihin? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Nasaan si Jace at bakit ikaw ang narito? Anong nangyari at ngayon lang ako nagkamalay?"
Lumapit siya sa akin at napaiwas pa ako ng lumapit siya pero natigilan ako ng may isuot siyang salamin sa mga mata ko. Nang luminaw na ang paningin ko ay napatingin ako sa kanya.
"Naalala mo ba nung may bombang sumabog?"
Napaisip ako sa sinabi niya at naalala ang nangyaring 'yon. Bigla akong nag-alala para kay Jace.
"Si Jace? Ayos lang ba siya?"
Bigla siyang ngumisi at napailing.
"You love my brother?"
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"Don't worry about him. He's fucking ass good." may kinuha siya sa bulsa ng suot niyang coat at nilapag niya sa kama iyon sa harap ko. Dalawang litrato at litrato ni Jom at Cielo, "You need to stay here and hide here."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa kaso ni Jace ay hindi na ma-kontrol ni Dad. Akala ni Dad na kapag pinagbigyan niya si Jace sa gusto nito ay magiging maayos ang condition niya. But we are wrong. Tuwing magseselos si Jace ay may nagagawa siya na sobra na naming kinabahala."
Mas lalo akong naguluhan at nakaramdam din ng kaba.
"Hindi kita maunawaan?"
Nagseryoso siya.
"'Yang dalawang lalakeng 'yan. Alam mo ba na namatay sa bugbog ni Jace?"
Napamaang ako at napasinghap. Napatingin ako sa litrato ni Jom at Cielo. Hindi ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...