Kabanata 14
HINAWI ko ang kurtina ng kwarto at nakita ko ang pagbagsak ng ulan sa labas. Napakalakas ng ulan at ang mga natiyong lupa ay nadiligan.
Napalingon ako ng marinig ang pag-iyak ni Tiago. Agad akong lumapit sa kama at naupo.
"Baby..."
Dumilat ito at lalo itong umiyak ng makita ako. Napangiti na binuhat ko ito at hinaplos ang likod.
"M-Mama.."
"Tahan na, baby.. Nandito na si Mama."
Mama pa lang ang kaya nitong sabihin. At napakabilis lumaki nito kahit isang taon pa lamang siya.
Isang taon mahigit na rin ang lumipas mula ng manganak ako. At ngayon ay hindi na kami nagpapalipat ng lugar para takasan si Jace. Dahil sa lugar na ito ay tila hindi na kami natunton ni Jace. Pero hindi pa rin kami lumalabas ng bahay maging sila Manang.
Nakakakuha lamang kami ng pambili ng kailangan kapag magwi-withdraw si Manong at siya ang bumibili ng lahat sa labas habang naka-disguise.
Sa lumipas na isang taon ay sobrang parusa ang nangyaring ito. Isang taong hindi lumabas ng bahay ay sobrang nakakabagok. Pakiramdam ko ay nasa isa akong kulungan na hindi nakakalaya.
Lumalaki na si Tiago pero hindi ko alam kung anong buhay ba itong ipapadanas ko sa kanya. Nakakabalita ako kahit papaano kay Jace pero ang huling balita ko ay yung matapos mag one year old ni Tiago.
Sobra akong naiinis dahil balita kung ilang beses sya nagpapalit ng babae. At hindi man nababalita ay nakarating sa akin kung ilang tao na ang napatay nya. Si Mam Hera mismo ay nababahala na sa kanyang anak. Hindi nya alam ang gagawin dahil imbes daw na gumaling ng lumayo ako ay mas lalo daw lumala.
Nakita lamang nila sa larawan si Tiago. Dahil hindi sila makakapunta rito at baka masundan sila ni Jace.
Kita ko nga na sobra ng nagrerebelde si Jace. Kung ang pamilya nya ay taga-taboy ng mga masasama ay sya naman ang nagdadala ng gulo sa bansa.
Kinakalaban talaga ni Jace ang ama nya upang ibalik ako. Hindi ko na nga makilala si Jace dahil sa bukod na nagpagupit ito ng badboy hair cut ay kita ko na nagiging bisyo na rin nya ang bar na madalas mahuli ng paparazzi na may ka-table na babae.
At ang hindi ko makayanan ay sangkot na rin sa illegal gambling si Jace. Dahil nagpatayo sya ng illegal na sugalan. Ayokong isipin na nag-drugs rin sya. Pero dahil sa ginagawa nya ay naiisip ko na gumagamit sya kaya sobra na ang pagrerebelde nya.
Ayoko naman na magpakita pa dahil alam kong delikado. Ang grupo ni Jace ay pinapatay ang mga kaalitang kumakalaban sa kanila. Hindi nakukulong si Jace dahil magaling itong gumawa ng kwento at walang makuhang proofs ang polisya. Pero sinabi sa akin ni Mam Hera na si Jace ang may gawa ng mga pagpatay at kahit sya ay hindi na pinapakinggan ni Jace.
Alam ko na nais nila akong gawing paing para mapatino si Jace pero hindi nila ginagawa dahil alam nilang delikado na. At kung ako rin ang tatanungin ay mas gusto ko nalang na magtago.
Binuhat ko si Tiago ng maayos habang ang ulo ay nasa braso ko. Pinasuso ko dahil baka gutom lamang ito. Pero nang mahipo ko ang noo at leeg nito ay kinabahan ako ng malamang nilalagnat ito.
Bumitaw ito sa dibdib ko at muling umiyak. Agad na binuhat ko ito ng maayos at kinuha ang phone ko para tawagan sila Manang. Pero hindi ko ma-contact. Inalo ko si Tiago pero iyak parin sya ng iyak.
Kinuha ko ang kumot at binalot ko si Tiago roon. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at buhat-buhat ang umiiyak na si Tiago na lumabas kami ng bahay. Kinuha ko ang payong at kahit ayokong lumusong kami sa ulan mag-ina ay wala akong choice. Kailangan na madala ko kaagad sa hospital o clinic ang anak ko.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...