Kabanata 26
Nawalan ako ng gana at hindi parin kami nagpapansinan ni Jace. Mabuti nga at pumasok nalang ito sa opisina kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Mama.."
Napatingin ako kay Tiago na pumasok ng room ko. Napapahid ako ng luha at ngumiti na hinarap ito.
"Bakit, Tiago?" tanong ko.
Narito ako sa veranda at nakatanaw sa kalsada. Baka sakaling makita ko si Louis. Kaso wala talaga.
"Umiiyak at nag-aaway po ba kayo ni Dad dahil kay Louis?"
Umiling ako rito.
"Hindi, medyo nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan kami ng Dad mo. Wag mo ng isipin iyon."
Ngumiti sya at tumango.
"Mama, 'di ba po sabi nyo ay pupunta tayo sa mall, hindi pa ho kasi ako nakakapunta ng mall."
Hinawakan ko ito sa balikat at napahinga ako ng malalim. Wala sana ako sa mood na lumabas pero nakakakonsensya naman at tila gusto nitong lumabas.
"Sige, Anak, magbihis ka at pupunta tayo sa mall. Sabihan mo rin ang mga kapatid mo."
Lumawak ang ngiti nito at agad na tumango. Niyakap ako nito kaya ngumiti ako bago tinapik ang likod nito.
"Salamat, Mama." sabi nito.
"Walang anuman. Sige na, magbihis ka na."
Tumango muli ito at bumitaw ng yakap sa akin bago magmadaling lumabas ng kwarto ko. Napahinga naman ako ng malalim at nanlalata na umalis sa veranda. Hapon na at wala pa si Jace. Siguro ay baka doon pa magpalipas sa opisina ito para iwasan ako.
Naisip ko naman na mali rin ako. Hindi ko sya iniiwasan dahil galit ako, iniiwasan ko sya dahil nahihiya ako. Tila sumama ang loob nya sa akin.
Nagbihis ako ng panlakad kong dress at nag-ayos ng sarili. Simpleng dress at pusod sa buhok ko lamang ang ayos ko. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko kaya nagmukha paring presentable.
Kinuha ko ang phone ko at nagdadalawang-isip ako kung tatawagan ko si Jace para sumunod sa amin sa mall. Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko rin magawa.
Lumabas na ako ng kwarto dala ang bag ko. Naabutan ko naman ang mga bata na nakabihis na rin at naghihintay sa akin sa baba. Pansin ko na hindi pinapansin ng tatlo si Tiago. Tila hindi parin talaga sila masyadong nag-uusap kaya mga ilang sa isa't-isa.
"Tayo na mga bata." ani ko kaya napatingin sila sa akin.
"Mum, how about dad?" tanong ni Hercules.
"Mukhang mamaya pa uuwi ang Dad nyo kaya pagkatapos natin sa mall ay puntahan nalang natin ito."
Tumango sila at sabay-sabay na kaming lumabas. Si Mico ang nakatoka ngayong driver namin at nagsama rin kami ng ilang bodyguards dahil iyon daw ang bilin sa kanila ni Jace na wag kaming hahayaang mag-iina kung lalabas man ng bahay na kami lang.
Tahimik lamang ako sa sasakyan at iniisip si Louis. Sana naman ay nasa maayos ito. Nangangamba kasi ako na baka balikan ito ng mga lalakeng bumugbog rito.
Pagdating sa mall ay tuwang-tuwa si Tiago kaya kahit papaano ay napangiti ako. Habang ang tatlo naman ay wala lang. Mga sanay naman ito sa mall kaya balewala na sa kanila ang nakikita nila. Itong si Tiago ay tila ngayon nga lang siguro nakaapak ng mall.
"Tiago anak.." tawag ko rito kaya lumingon ito.
"Magsabi ka lang ng mga gusto mo at bibilhin natin. Tutal ay wala ka namang mga gamit masyado sa bahay."
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...