Kabanata 24
Masaya ako habang pinagmamasdan si Louis. Pinagmamasdan nya ang loob ng sasakyan habang lulan na kami para umuwi sa bagong tirahan nya. Sa bahay namin. Kinuha rin namin ang ilang damit nya para may maisuot sya pasamantala habang hindi ko pa sya nabibilhan ng bago.
Hindi matawaran ang saya ko habang pinagmamasdan ang batang ito. Napakalaki ng saya na dinudulot sa akin ni Louis. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit masyadong napakalapit agad ng loob ko sa kanya. Gaya ng turing ko sa mga anak ko ay ganun ang nararamdaman ko sa kanya.
"Mum, bahay nyo iyan?"
Nawala ako sa iniisip ko at maging sa pagtitig ko sa kanya ng magsalita sya. Tinignan ko kung saan sya nakatingin at hindi ko man lang namalayan na narito na pala kami sa amin.
"Yeah."
Ngumiti ako sa kanya at napangiti sya habang kita ko ang pagkamangha sa itsura nya. Hindi ko mapigilan na titigan ang bawat reaksyon nya dahil hindi ako pwedeng magkamali. Pamilyar na pamilyar at kapag nakikita ko iyon ay isang tao lamang ang nakikita ko, si Jace. Pero imposible naman.. May totoo syang mga magulang. Siguro ay hindi ko lang mapigilan na isipin si Jace kaya siguro nakikita ko sya kay Louis.
Nang huminto na ang sasakyan ay inaya ko na sya na bumaba. Pinagbuksan kami ng bodyguard kaya bumaba ako sa side ko habang sya ay sa side nya.
"Wow! Ang lupet ng bahay nyo. Shit. Hindi pa ako nakakatungtong sa ganitong kagandang bahay."
Natawa ako dahil hindi talaga sya makapaniwala.
"Simple lang iyang bahay namin kumpara sa bahay ng Lolo ni Jace. Kapag nakita mo iyon ay para kang malulula sa laki."
Naglakad na kami para tumungo sa main door. Napansin ko na narito na ang kotse ni Jace kaya napangiti ako at excited na inaya papasok si Louis.
"Where did you go?" Agad na bungad ni Jace na seryoso.
"Jace.." lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa labi, "Pinuntahan ko lang naman ang bahay ni John."
"And what he's doing here?" tukoy nya kay Louis habang nagtatagis ang bagang nya.
"Yow! Musta, Mister." bati ni Louis kay Jace.
"Tss. Don't talk to me. Shut up." inis na sabi rito ni Jace na kinakabalikat ni Louis.
"Ano ka ba naman, Jace, wag mong pagsalitaan ng ganyan si Louis. Dito na rin sya titira."
"What the fuck did you say? No way!"
Ngumuso ako at humawak sa braso nya at hinaplos.
"Ganito kasi iyan.. Pakinggan mo muna ako bago ka mag-react."
Napahinga sya ng malalim at napahilot sa bridge ng ilong nya. Kaya naman sinabi ko ang lahat ng nangyari kay Louis kung paano ko rin natuklasan na magkapitbahay sila ni John at magkaibigan.
"Hindi mo pa sya kilala kaya bakit mo patitirahin sa atin, lalo na at walang permiso ko."
Nakaupo na kami sa sofa habang nasa kabila si Louis. Habang ang mga bata ay wala pa rito.
"Sabi ko sa inyo, Mam, e, hindi papayag ang asawa nyo." nataranta naman ako ng tumayo si Louis, "Sige po, aalis na ako. Pasensya na sa istorbo."
Tumayo ako at pinigilan sya, "Hindi. Papayag si Jace.." bumaling ako kay Jace at pinanlakihan ko sya ng mata, "Jace, payag ka 'di ba?"
"Tsss." inis na tumayo si Jace at umalis sa harap namin para pumanik sa taas.
Napangiti naman ako na tinignan si Louis.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...