Kabanata 12
MASASABI ko lang na bilang mag-bestfriend ay sobra silang sweet. Ngayon lang ako naka-encounter ng lalake at babae na mag-bestfriend. Kaya nakaramdam din ako ng medyo hindi maganda dahil doon.
Pero wala naman akong karapatan dahil kita ko naman na talagang kilala nila ang isa't-isa.
"Naalala mo pa ba nung magpunta tayo dito one year ago, Jace?"
"Yeah."
Tumingin ako sa dalawa. Nakaupo lang kasi ako sa cottage habang kumakain. Habang ang dalawa ay nakaupo sa magkaibang sun-lounger. Nakabikini si Guiliana at naka-summer short naman si Jace habang topless. Ako ay parang wala sa beach dahil mahaba na bestida pa rin ang suot ko.
Hindi ko kayang magsuot ng kagaya ni Guiliana dahil tiyak ako na sobrang nakakahiya lang ang katawan ko kumpara sa kanya na may ipapakita talaga.
Bumangon sa pagkakahiga sa sun-lounger si Guiliana at lumipat sa tabi ni Jace.
"Let's go surfing, Jace. Like what we did last time."
"Ikaw na lang. Walang kasama si Nicole."
Napaiwas ako ng tingin sa kanila ng mahulaan ko na titingin sa akin si Guiliana na nakaharap sa gawi ko.
"Tsk. Nariyan lang naman siya. C'mon, Jace, magtatampo na talaga ako sa iyo."
"Honey, surfing lang kami."
Tumingin ako sa gawi nila at tumango ako bago umiwas muli ng tingin. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo ng dalawa at lumakad na palayo sa cottage.
Si Guiliana kung makadikit ay akala mo linta. Pero baka nga ganyan na siya kay Jace dati pa.
Hindi ko alam pero naiinis ako. Parang ang bigat sa pakiramdam tapos parang gusto kong hilahin si Jace at sa akin lang sumama.
Kung titignan ay bagay na bagay sila. At para silang magkasintahan habang masayang nasa tubig at sumusubok na gamitin ang surfing board.
Nakaramdam naman ako ng pag-ihi kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kahoy na upuan. Narito kami sa coron, palawan. Kung saan napakaganda ng dagat at cottages dito.
Nakita ko ang isang babae na siyang tauhan nitong resort.
"Ah, miss, pakibantayan muna ng gamit namin. Magbabanyo lang ako."
"Sure, Ma'am."
Tumango ako at nagmadaling naglakad para tunguhin ang nakita kong banyo kanina. Nang makarating ay agad akong gumamit at nakaramdam na ako ng ginhawa. Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng banyo.
May nakabangga ako na lalake kaya agad akong nagpaumanhin rito at tinignan ito.
"Jom!"
"Nicole!"
Napangiti siya at ako man. Si Jom ay dati kong kaklase sa house keeping. At inaamin ko na gwapo siya at habulin ng babae ang looks niya.
"Anong ginagawa mo rito? Dito ka ba nagtatrabaho?" tanong ko dahil pansin ko ang suot niyang uniform kagaya ng mga receptionist rito.
"Oo. Matagal na rin ako rito. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
"Ah, nagbabakasyon lang rito."
"Wow! Bigtime ka na ata ngayon."
Nahiya naman ako.
"Hindi naman. Sinama lang ako."
Ngumiti siya.
"Alam mo.. Hindi ka nagbago, pero gusto ko 'yang kasimplehan mo at kita ang kagandahan mo."
Parang nabilaukan ako sa sinabi niya. Natawa ako at umiling.
BINABASA MO ANG
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionNasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niy...