Kabanata 28

46.5K 1.2K 282
                                    

Kabanata 28

Dahil sa gaganaping anniversary celebration ng JaRa kaya naging busy si Jace at maging ang mga staff ng JaRa para maghanda lalo't hindi lang press ang dadating maging ang iba't-ibang businessman maging ang buong angkan ng Esteban.

Ewan ko ba kung bakit kahit sabik na sabik ako na sumapit iyon ay kinakabahan naman ako. Hindi talaga ako makatulog sa kakaisip kung ano kaya ang mangyayari sa event.

Kapag ganitong nagsesekreto si Jace ay kinakabahan talaga ako. Dati na nya ako pinaglihiman tungkol sa magiging kasal namin sa london at hindi man lang ako nakapagprepare no'n dahil ang lokong si Jace ay kung kelan ang kasal namin tsaka lamang sinabi. Kaya pala pinasukatan ako noon ng gown ay para sa wedding dress pala.

Kaya napapaisip ako ngayon kung ano kaya ang posibleng surpresa ni Jace. Ayoko kasi ng surprises dahil pakiramdam ko ay pwedeng sasaya ako o masasaktan.

Napahinga ako ng malalim at napatingin sa dress na pinadala at gawa pa ng inutusang designer ni Jace para may susuotin ako sa anniversary.

Dahil ngayon araw na ring ito ang pinakahihintay ko. Maaga pa naman kaya inasikaso ko muna na paglilinis ng bahay, lalo't wala naman kaming kasambahay na makakatulong ko. Pagkatapos ay agad akong naligo dahil dumating din agad ang manikurista ko na lilinisan ako ng kuko.

"Mum, look."

Tumingin ako kay Mirasol na tinapat sa kanyang katawan ang pink cocktail gown na gawa rin ng sikat na designer. Napangiti naman ako dahil tiyak na bagay kay Mirasol iyon lalo't maputi sya at hindi naman sa pagbubuhat ng bangko sa anak ko pero maganda ito at kitang-kita rin kanya ang dugong esteban lalo't girl version sya ni Jace kaunti.

"Tiyak akong bagay na bagay sa'yo iyan, Anak. Ang ganda, e."

Ngumiti naman ito at kita ko sa mukha nya na gusto-gusto nya talaga ang gown.

"I'm excited, Mum."

Ngumiti naman ako.

"I know.. Sige na, asikasuhin mo muna si Quinn. Paliguan mo na."

Napasimangot naman ito sa inutos ko.

"But Mum.."

"No more buts, Mirasol. Kaya mo na iyon, ate ka kaya dapat lang na alam mo na iyon."

Tumingin ako sa kuko kong nilalagyan ng nail arts. Nang mapansin kong tumalikod na si Mirasol ay napangiti ako. Dapat na nyang matutunan na mag-asikaso ng kapatid nya. At sa gawaing bahay. Baka ibalik pa iyan ng byenan nya kapag nalamang tamad.

"Madamé, ke gaganda at ke gagwapo ng junakis nyo. At sa mayamang pamilya pa kayo nakahilera." Sabi ng bading na nagpapaganda ng kuko ko.

"Namana lang sa ama.." simpleng tugon ko at hindi na tinugunan ang huli nyang sinabi.

Hindi na nagsalita ito lalo't pumasok si Jace na galing sa labas. Nakasuot lang ito ng simpleng pambahay. T-shirt na putol ang manggas at short.

"Hon, may pagkain ba sa kusina? Nagugutom na ako." tanong ni Jace at lumapit sa akin.

"Meron na, nakapagluto na ako."

"Okay."

Humalik ito sa pisngi ko bago maglakad patungo sa kusina.

"Gosh, Madamé, ang gwapo-gwapo at ang hot ng mister nyo."

Napailing ako at napangiti dahil pigil na pigil pala ito sa kilig habang nananahimik.

"Tumigil ka na nga at baka lumagpas yang pagpahid mo sa kamay ko ng cuticle."

"Wala bang kapatid na bading yan, Madamé. Baka pwedeng paarbor ng isa."

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon