Kabanata 7

55.8K 1.4K 298
                                    

Kabanata 7

SAKTO lang ang laki ng guest room para sa akin at ayos na ako rito kaysa naman sa room ni Jace na parang hindi ako makakagalaw dahil sa kakaiba niyang ugali.

Naguguluhan talaga ako sa inaasta niya. Parang kada oras ay naiiba ang ugali niya. Hindi ko tuloy alam kung bakit ako na-disappoint ng hindi man lang niya naalala ang nangyari.

Paanong nangyari iyon? Nahihibang ba siya ng may nangyari sa amin at sabihin niya na sa kanya lang ako?

Napabuntong-hininga ako at napahimas sa tiyan ko. Nagugutom na ako dahil hindi pa ako kumakain ng pang hapunan at hindi naman ako nakakain kanina dahil agad na nanghatak si Jace paalis sa office ng judge.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Bumaba ako ng kama at sinuot ang flat shoes ko. Paglapit sa pinto ay binuksan ko at bumungad sa akin ang isang kasambahay.

"Nakahanda na po ang hapunan n'yo, Miss. Nasa hapagkainan na rin po si Senyorito."

"A-Ah, p-puwede bang mamaya na lang ako?"

Nakita ko na napakuno't noo siya at umiling.

"Sorry po, Miss, pero ang utos sa akin ni Mayordoma Ding ay pababain kayo at hindi po puwedeng hindi n'yo sabayan ang Senyorito."

Kinakabahan ako pero tiyak naman na hindi aalis ito sa harap ko. Ayokong makita si Jace dahil tiyak na maiilang ako. Pero wala naman akong magagawa dahil kahit ilang beses ko pang gawin ang hindi pagsabay sa kanya na kumain ay siguradong magtataka ang mga tao rito kung bakit hindi ko sinasabayan si Jace.

Sinara ko ang pinto at sumunod sa kasambahay. Napapapisil ako ng kamay habang palakas ng palakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba.

Lihim na napapabuga ako ng hangin at lumalanghap ng hangin. Hindi ako makahinga.

Napakalayong lakaran bago narating ang eight seater na table habang may chandelier na pinakailaw ng dinning area. Maraming nakalapag na pagkain sa lamesa at mukhang masasarap.

Kumakain na si Jace at seryoso lamang ito at tila walang pakialam sa paligid.. Sinenyasan ako ng kasambahay na sumundo sa akin at pinaghila ako ng upuan sa kaliwang side ni Jace. Nasa gitna kasi siya nakaupo.

"Next time obligahin mo ang sarili mo na bumaba ng hindi ka na tinatawag."

Uupo pa lang ako, e, agad na siyang nakasermon. Napakasungit niya at nakakatakot. Pero hindi naman parating dapat niya akong itrato ng ganito.

Hindi ko na siya sinagot at napatingin ako sa kasambahay na ipaglalagay sana ako ng kanin sa plato.

"Ako na. Kaya ko 'to, salamat."

Ngumiti ako rito kaya binigay niya sa akin ang bowl ng rice. Sumandok ako ng sapat na kanin at nilapag na sa table. Napatingin ako sa mga ulam at mga pagkaing restaurant ang mga nakahanda.

May roasted chicken, vegetable salad, shrimp soup, grilled pork, patatim, at sweet and sour fish fillet.

Kumuha ako ng lahat ng klase ng ulam. Takam na takam ako at nais ko silang kainin lahat.. Nang tikman ko ay napatango ako dahil ang sarap. Sunod-sunod ang pagkain ko at wala na akong pakialam sa paligid kapag ganitong sarap na sarap ako sa pagkain.

Dinilaan ko ang mga daliri ko ng dumikit ang pinaka-katas ng grilled pork. Napatingin ako sa kasambahay ng salinan niya ako ng tubig.

"Salamat."

Kinuha ko ang tubig at uminom ako. Grabe busog na busog ako at tila ngayon lang ako naparami ng kain.

Nang mapatingin ako kay Jace ay nakita ko na nakatingin pala ito sa akin. Umiwas siya ng tingin at tumayo na siya. Wala siyang imik na umalis kaya nakiba't balikat ako.

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon