Kabanata 9

67.6K 1.6K 355
                                    

Kabanata 9

"BESSY!!!"

"Beth!"

MASAYANG niyakap ko si Beth ng makita ko siya sa muling pagpasok ko sa Jara World. Sobra ko ring na-miss ang lukaret na ito dahil lamang sa pag-iwas na mapag-usapan ang pagpapakasal ko sa boss ko--slash-- baliw na Esteban na 'yon.

"Bes, bakit ngayon ka lang nagpakita? At naka-uniform ka na...you mean?"

Napatango ako at napangiti.

"I'm back! Dito talaga ako at gusto ko talagang mag-trabaho rito."

Nagtaka naman ako ng humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Wait.. How about your rich husband? Magwo-work ka pa rin dito kahit rich ang napangasawa mo? At sino nga ba ang asawa mo?"

Napakamot naman ako sa kilay ko at hindi makatingin sa kanya.

"Bes, 'wag na natin pag-usapan iyon. End na kami no'n."

"WHAT?!"

Agad ko siyang sinuway dahil talagang grabe ang naging reaksyon niya. Mabuti na lang at kami pa lang ang narito sa locker room.

"'Wag ka ngang maingay.."

"Pero kakakasal mo pa lang base sa sinabi mo sa phone. Tapos end na agad? Ganun-ganun kabilis, Bes?"

Binuksan ko ang locker ko at nilagay ang bag ko doon.

"Basta wala na.. Kaya kailangan kong makaipon ng pera para sa baby ko."

Nang humarap ako muli sa kanya ay nahigit ko ang hininga ko ng makita ang mapanghinala niyang tingin.

"Kung wala na, bakit ayaw mo pa ring sabihin ang name ng guy? May tinatago ka pa rin sa akin, Bessy?"

Napapikit ako at agad ring dumilat bago siya tignan.

"Beth, sinaktan ako. Inalipusta. Tingin mo ay kakayanin ko pang banggitin ang name niya? Hindi, Bes. Sobrang sakit at ayoko ng maalala siya."

Bigla naman ay nag-iba ang reaksyon niya at naawa na siya sa akin. Napa-cross finger ako sa likod ko.

Sorry, Beth, pero ayokong malaman mo na asawa ko pa rin ang mismong boss natin.

"Kawawa ka naman pala, Bes. Sorry. Promise hindi ko na uusisain iyon."

Tumango ako at kunwari nagpahid ng luha..

Naalala ko ang lahat bago ako nakabalik rito sa Jara. Dahil sila Inay mismo ay pinagtulakan ako sa baliw na Jace iyon ay wala akong choice kundi ang sumama ng sunduin ako nito. Pero hindi ako papayag na ganun-ganun na lang.

Hiniling ko rito na pabalikin ako sa Jara. At pumayag naman agad. Tapos hiniling ko rin na walang makakaalam na mag-asawa kami. Na 'wag siyang lalapit sa akin kapag may ibang tao. Na sasahuran niya pa rin ako. At sa bahay ay 'wag siyang tatabi sa akin kaya hiwalay kami ng higaan.

Lahat ng kahilingin ko ay binigay ni Jace. Dahil base sa naalala kong sinabi ng mga kapatid niya ay sobra siyang mahiyain at torpe daw. Hindi ko alam kung bakit at nagustuhan ba talaga ako no'n, pero hindi ko akalain na umepekto. Kaya ngayon ay nakabalik na ako rito.

Sabay kaming lumabas ni Beth ng locker room para magtungo sa front desk dahil may kukunin kaming susi. Napatingin ako sa pumasok sa lobby at agad akong napaiwas ng tingin ng makita si Jace.

Hindi si Hammer ang namamahala ng Jara dahil si Jace talaga. Si Hammer ay pinalayo muna at hindi ko alam kung saan ito pinatapon ng ama nito. Pero ayos na iyon, dahil sobra akong na-trauma at baka mamaya ay niloloko na naman ako ng dalawa.

Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon