Chapter 15
Maling kagat
Tumagal ng ilang segundo ang pagtitig ng dalawang maharlika ng sandaling mapagmasdan nila ang aking kaanyuan.
Pinanatili ko ang ngiti sa aking mga labi at pilit itinago ang kaba sa dibdib ko. Papaano kung makilala nila ako?
Pero sa kabila ng kaba ko, ramdam ko pa rin ang lubos na galak. Ngayo'y nakikita ko sila Lily, malaya at masayang kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa pagkakakulong ko ay hindi ko na nasubaybayan ang kanilang pagmamahalan ni Adam, pero nasisiguro kong sa mga oras na ito ay nasa mabuti na silang kalagayan.
Isang pag-iibigan na may magandang katapusan.
Nais ko man magpakilala bilang dyosa at itinigil na ang pagpapanggap na ito, ngunit ito ang pinakamainam na paraan upang hindi makarating nang maaga sa Deeseyadah ang ginawa kong pagbaba sa lupa. Lalo't higit ngayong nasa mahirap na sitwasyon ang hari.
Hindi magandang salubungin ito ng magkasunod na suliranin habang may dinadala siyang karamdaman, ang nagbabayang pag-aalsa ng mga emperyong hindi matanggap na maaari siyang maghari sa lahat at ang mga dyosa sa kalangitan na hanggang ngayon ay naniniwalang ang distansya sa lupa ay makapagpapanatili pa rin ng kaayusan.
"Saang emperyo ka nagmula?" tanong sa akin ni Lily at ang mga titig niya ay may hudyat ng pangingilala. Isa sa katangiang higit kong hinangaan noon sa kanya.
Sandali kong ibinuka ang aking mga labi, hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Sa Emperyo ng Interalias Ladenal, Mahal na Prinsesa. Prinsesa Leticia Serdona." Agad na sabi ni Hua, napahinga ako ng maluwag.
"Paumanhin at hindi ko agad siya naipakilala." Yumuko si Hua sa dalawang bampira.
Ayon sa aking nabasa, kung sakaling ang isang maharlika ng mga bampira ay may kasamang tagasunod, nararapat lamang na ito ang magpakilala sa kanyang pinaglilingkuran.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung wala si Hua para tulungan ako.
"Ladenal? Nagkaroon na ba tayo ng panauhin mula sa Ladenal, Lily?" tanong ng bampirang lalaki na may kulay abong buhok. Hindi sumagot sa kanya si Lily, sa halip ay mariin niya pa rin akong tinititigan.
"Where is your formality, Lily? Caleb?" kapwa tumayo ng tuwid ang magkapatid ng marinig nila ang boses ng panibagong bampira.
Buong akala ko ay ang kagandahan na lamang ni Dyosa Neena o ng Dyosa ng Asul na apoy ang aking hahangaan, ngunit ang kagandahan ng naglalakad ng bampira patungo sa akin ay maaari na rin ihelera sa mga dyosa sa kalangitan.
Base sa kanyang kaanyuan, mabigat na awra at maging ang gintong korona sa kanyang ulo, siya ang reyna ng kahariang ito.
"Mother..." kapwa yumuko si Lily at ang kapatid nitong si Caleb bilang paggalang. Kami rin ni Hua ay kapwa yumuko bilang respeto.
"Nakagagalak na isang prinsesa mula sa Interalias ang nais magbigay ng tulong sa aking anak, kung hindi mo man mamasamin, hindi ba't hindi maganda ang tingin ng mga maharlika sa inyong emperyo sa aking anak? O sa mismong emperyong ito?"
"Hindi lahat, Mahal na Reyna. Kaya't naririto ako upang tumulong..."
Mas lumapit sa akin ang lalaking bampira at sa pagkakataong ito ay ngumiti siya sa akin.
"Hindi ko alam kung si Dastan lamang ang iyong nakilala, kaya nais kong pormal na magpakilala, Prinsesa Leticia." Marahang hinawakan ng prinsepe ang aking kanang kamay. Saglit na yumuko at ginawaran ng magaang halik ang likuran ng aking palad.
BINABASA MO ANG
Moonlight Blade (Gazellian Series #4)
VampireJewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power and ability. And as someone who is afraid to stand up for herself, she already accepted her unfortunat...