Hi, readers! I'm really sorry for my late update. I've been very busy these past few weeks. I really wanted to finish this story as soon as possible, but I have to prioritize my own world. I don't know if when will be my next update, but I hope you understand.
Btw, I'm done plotting this whole trilogy. Tapos na po ito sa utak ko, hindi ko lang talaga masulat. I don't have enough time :(
Enjoy reading!
Chapter 45
Laro
Kung bibigyan ako ng oras pangalanan ang bawat mundong nananatiling buhay sa kasalukuyan na abot ng aking kaalaman, hindi ako darating sa puntong ako'y magtatapos.
Ang iba't-ibang mundo'y tila wala nang katapusan.
Simula sa mundo ng mga tao patungo sa Nemetio Spiran, sa mundo ng mga diyosang kagaya ko hanggang sa mundong ni salita at mga mata'y hindi man lang nalapatan sa paglipas ng panahon. Mga mundong hindi sakop ng aming kapangyarihan.
Ngunit ang biglang paglitaw ng isang uri ng nilalang na aking inakalang tanging sa kasaysayan lamang masasaksihan ng aking mga mata, panandalian akong natigilan at kusang humanga. Ngayon ko lubos na nabigyang pansin ang iba pang mundong hindi pa natutuklasan.
Maaaring doon naglalagi ang dragon? At nagawang sumuong at sumugal magpakita sa mata ng libong mga nilalang upang iligtas ang isang prinsipe.
Hindi na ako nag-atubili pang mag-isip ng ibang paliwanag, ang pagtawag sa makasaysayang dragon ay hindi mula sa prinsipe, kundi sa isang nilalang na ipinanganak para sambahin iyon.
Ayon sa alamat, ang mga dragon ay isinilang kasabay ng mga diyosa. Noong unang panahon, bawat diyosa'y may katambal na dragon sa kanilang pagsilang, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari'y natigil iyon. At ang tradisyong iyon ay nabibigyang bisa lamang sa paglipas ng libong taon. Isang nilalang na may dugo ng diyosa ang isisilang para sambahin ng mga dragon.
At isa lamang ang maaaring maging dahilan kung handang sundin ng isang dragon ang himig ng kanyang tagapag-utos upang iligtas ang isang natutulog na prinsipe. Isang malalim na koneksyon na kahit ilang libong milya pa ang distansya'y walang makahahadlang.
Nanatiling nakapikit ang aking mga mata, ngunit ramdam ko ang paglutang ng aking buong katawan. Inaasahan ko nang mabigat iyon dahil sa malalim na tama ng pana sa akin, pinakiramdaman ko ang kirot at matinding pag-iinit sa buong kalooban ko, ngunit ang tanging namayani sa akin ay kagaanan na tila wala ako sa bingit ng kamatayan.
"Mahal na Diyosa ng Buwan..."
Tila ilang taon na simula nang marinig kong may tumawag sa akin ng titulong pinaghirapan ko. Dati'y tuwa't galak ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig iyon, ngunit ngayon ay hindi ko maiwasang masaktan.
Hanggang ngayon ba'y may karapatan pa akong tawagin sa paraang iyon? Ako ba'y nararapat pa rin?
Nang sandaling nagmulat ako ng aking mga mata, ang unang sumalubong sa akin ay kadiliman ngunit habang mas nagiging pamilyar ako sa kapaligiran mas nabigyan ng atensyon at apat na bilog na nagliliwanag sa iba't-iba nitong kulay.
Nanatiling tila nakahiga sa ere ang aking buong katawan habang nakatanaw sa mga liwanag, sinubukan ko iyong abuting ngunit hindi man lang ang mga iyon umabot sa dulo ng aking mga daliri.
"Siya'y kailangangan manatiling buhay, Mahal na Diyosa ng Buwan."
Hindi ko agad nakuha ang mga salitang narinig ko, ngunit nang mas mapagmasdan ko ang apat na liwanag na lumulutang sa harapan ko, napasinghap ako nang makilala ko sila.
BINABASA MO ANG
Moonlight Blade (Gazellian Series #4)
VampireJewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power and ability. And as someone who is afraid to stand up for herself, she already accepted her unfortunat...