6

29.9K 559 9
                                    

GUSTONG patunayan ni Kaia sa Papa niya na kaya niyang pamahalaan ang kompanya nito kahit na ba mag-isa lang siya. Kaya naman ngayon ginugol niya ang araw ngayon para pag-aralan iyon. Nauna na nga lang umuwi ang Papa niya dahil sumama ang pakiramdam nito kaninang alas kuwatro. Nagpahinga na ito samantalang nanatili pa rin siya sa kompanya. Halos alas nuwebe na siya ng gabi umalis. Siya na lang at ang guard ang natira sa building.

Napagod si Kaia. Pero positibo pa rin naman siya. She was just starting. Isa pa, mas maganda na 'yung ganito kaysa sa mapagod siya sa married life. Mas hindi niya kakayanin iyon.

Pero mukhang may kabaligtaran ng opinyon ni Kaia.

"Ang tagal mong lumabas," Madilim ang mukha ni Dashrielle nang salubungin siya sa lobby ng building.

Kumunot ang noo ni Kaia. "Bakit ka nandito?"

"Hindi pa ba obvious? Hinihintay ka," Hinawakan nito ang kamay niya. "Tara na,"

Napasinghap si Kaia. Nag-init na naman ang buong pagkatao niya sa simpleng paghawak ng lalaki. "T-teka nga!"

"Bakit?" Naiinis ang boses ni Dashrielle.

Binitawan niya ang kamay nito. Pumamaywang siya. "Ayaw ko pa rin na magpakasal sa 'yo. Bakit mo ba ako sinusundo?"

"I---" mukhang na-out of words ang lalaki. Pagkatapos ay dumilim ang mukha at kinuha ulit ang kamay niya. Hinila na siya nito palabas ng building. "Sumama ka na lang sa akin,"

Napilitan si Kaia na magpahila sa lalaki. Dinala siya nito sa parking lot. Dalawa na lang ang kotse roon---ang kotse niya at sa tingin niya ay kotse nito.

"Hindi ako magpapahatid sa 'yo..." Bumitaw ulit siya at inilabas ang susi ng kotse niya.

Tumingin si Dashrielle sa susi, pagkatapos ay napailing-ling. "Okay, fine."

"At makakaalis ka na," tinuro ni Kaia ang isa pang kotse.

Umiling ulit ang lalaki. Nagtaas ito ng tingin sa kanya. Nakakalokong ngumiti ito at humakbang palapit sa kanya. "Gusto mo ba talaga akong umalis?"

Napaurong si Kaia at inirapan ito. "Gusto mo ba talaga na ikasal sa akin?"

"No. But we can try to play---"

"No," Itinaas ni Kaia ang isang kamay. "I don't have time for that,"

"Pero may time ka na magbasa ng erotic book?" Dashrielle tried to bring back the past again.

"We're done with that,"

"But my ache is not," he twitched lips and now formed a sexy smile.

"W-what do you mean?" Kaia said, trying not so hard to be affected. Kahit na ba sobrang hirap. His presence already made the air hot, his touch awaken the fire on her and his kiss burn the entire her.

At paano pa kaya kung higit pa?

But there will be no more. Bakit siya mag-iisip ng ganoon samantalang alam na naman niya na ayaw rin na magpakasal sa kanya ni Dashrielle? He must probably just be horny. At ramdam naman niya na playboy ito. Baka lumalapit lang ito sa kanya dahil para paglaruan siya. Nararamdaman siguro nito na marupok siya kaya pilit siya nitong tinutupok.

At hindi dapat bumigay si Kaia.

Pero nang paglakbayin ni Dashrielle ang kamay nito sa gilid ng katawan niya ay nag-umpisang manghina ng tuhod niya. "Do you want me to just show you?"

"Dashrielle..." Iyon na lang ang nasabi ni Kaia. A wave of desire showered over her in just the thought of showing his ache on hers. Ewan ba niya kung saan nakakuha ang lalaking ito ng power para maakit siya ng ganito!

Flawed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon